Friday , November 15 2024

Congrats kina Ba’am at Raymond

Ibabahagi ko sa inyo ang post analysis sa naganap na takbuhan nung isang gabi sa Metro Turf. Santorini – may buti kapag talagang ginusto. Shimmering Pebbles – nabatak na ng husto, kaya puwede nang maisama. Rivers Of Gold at Kogarah Lass – nagkaroon ng agarang bakbakan sa harapan kaya parehong kinulang na sa rektahan. Machine Gun Mama – eksakto ang bitaw na ginawa ni Dunoy Raquel Jr., hindi malayong masundan pa ng isang panalo.

Isobel – tila nag-abang lang muna.  Saint Tropez – nakasolong taga sa unahan kaya nakabuo. Gypsy Genius – nakitaan ng buti, malayo lang ang pinanggalingan. Security Joy – tanong ng mga beteranong klasmeyts ay kung nakaroon nga ba ng problema o hinete lang ang nagdikta ng ayre?   Boy’sOfMeadows at Batangas Magic – nagkabakbakan din sa banderahan, parehong naubos.

Fourth Dan – huwag basta iiwan. Mika Mika Mika – balik buti na. Redemption – tila kasado sa segunda? Blumentrit – tila may ininda dahil ayaw magresponde.   Okay Approve – animo’y nasa isang barrier trial lang ang nasalihan. A Toy For Us – mainam talaga kapag nasa pista sa Malvar, kapag nagdikta ng harapan at kapag pinataktakbo sa gawing gitna o labas ng pista.

Congrats kay apprentice jockey Ba’am Avila at maging sa koneksiyon.   Material Ruler – maganda ang naging diskarte na hindi maaga binitawan, ikanga ay sakto lang. Congrats sa groom niya na si Raymond Sagun. Mike’s Treasure – ito ang silip for the day dahil biglang nagmenor pagpasok sa rektahan. Big Max – lagyan lang palagi dahil nasa mababang grupo.

0o0

Talasang mabuti ang pakiramdam at tumutok sa mga pangalan ng tao na nasa programa, upang sa gayon ay masabay tayo sa mga connecting people. Kapag napagsama-sama na ninyo ang kanilang mga pangalan ay kilatising mabuti naman ang kapasidad ng kanilang kalahok kung puwedeng maisingit sa paratingan. Dahil kahit hindi Pasko ay may nagbibigayan, eh ngayon pa kaya?

Narito na ang ating giya.

Race-1 : (5) April Style, (2) Doomstead, (6) Bringer Of Rain. Race-2 : (5) Sweet Music/Pink Champagne, (3) Grey Caviar. Race-3 : (1) Golden Rule, (7) Kidney’s Magic.

Race-4 : (5) Face To Face, (1) Dragon May, (4) Yes Keen. Race-5 : (3) Dazcotic, (2) Katmae, (4) Ideal View.

Race-6 : (2) Holy Nitro, (1) Strategic Manila.

Race-7 : (5) Queen Ramfire, (3) Minotaur, (7) Emergency Express.

Race-8 : (5) Mr. Maki/Madam Rhea, (3) Doctor Jaden/Niagara Boogie, (9) Forbidden Fruit.

Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *