Friday , November 15 2024

Sabwatan sa power hike bubusisiin (Meralco, ERC, power suppliers lagot)

121813_FRONT

Sabay-sabay na igigisa ngayon sa Senado ang mga pinagdudahang nagsabwatan para patawan simula ngayong Disyembre hanggang Marso ng karagdagang singil na P4.15/kwh ang milyon-milyong electricity consumers sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Nanguna sa listahan ng mga ipinatawag ng Senate energy committe na pinamunuan ni Sen. Sergio Osmena ang hepe ng Energy Regulatory Commission na si Zenaida Ducut dahil sa umano’y kabiguan ng ahensiya nito na pigilin ang electricity rate adjustment ng Meralco na pinaniwalaan ng mga mambabatas at advocacy groups na bunga  ng “planadong sabwatan” para magkamal ng sobrang tubo sa panahong naghihirap ang buong bayan.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, ang sabwatan o collusion para itaas ang singil sa koryente ay pasok sa anti-trust law at restraint of trade and unfair business practice. “Definitely collusion is illegal kaya tutugon ang DoJ sa panawagang imbestigahan kung mayroon ngang sabwatan ang Meralco at anim na power producers at maging ng ERC,” pahayag ni De Lima.

Sa Senado, inaasahang madidiin ang ERC sa pagbusisi kung bakit nabigong protektahan ang interes ng milyon-milyong power consumers at sasagutin din ang bintang ng ilang mambabatas na umakto ang nasabing ahensiya bilang rubber stamp ng Meralco at malalaking suppliers ng koryente.

HATAW News Team

MVP’s MERALCO PAPANAGUTIN DIN

Madiin ang panawagan ng maraming advocacy group at mambabatas na papanagutin din ang Meralco, na pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan, dahil wala umanong pakundangan sa pagpataw ng dagdag-singil sa koryente samantala kumita ang nasabing ahensiya ng aabot sa 30 bilyong piso nitong magkasunod na 2012 at 2013.

“Hindi ito ang unang pagkakataon na obyus ang pagpabor ng regulatory  agencies  sa  mga kompanya ni MVP tulad ng Meralco power increase na agad tinanguan ng ERC, “ mariing pahayag ng naghihinalang mga mambabatas at advocacy groups.

Ayon sa kanila, maging ang Philex Mining Corp., ng grupo ni MVP ay pinagmulta ng isang bilyong piso lamang sa duming ikinalat sa Padcal mining site malapit sa Baguio noong Agosto 2012, samantala sinabi ni Osmena na dapat magbayad ang kompanya ni MVP ng P40 bilyon dahil sa laki ng pinsalang idinulot nito sa Inang Kalikasan.

“Ang ilan pang kompanya ng grupo ni MVP na pinapaboran ng government regulators ay ang PLDT-Smart na sa kabila ng mga pagdududa ng kalabang telcos ay laging binibigyan ng mataas na rating ng NTC sa quarterly benchmarking test nito; at ang umano’y paborableng foreign ownership guidelines na inilabas din ng SEC para sa PLDT,” anila.

About hataw tabloid

Check Also

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *