BAKIT ikinokonsiderang bad feng shui ang T-Junction house? Ang T-junction house ay ikinokonsiderang bad feng shui sa ilang mga dahilan. Pangunahing dahilan ay ang fact na ang Chi na dumarating nang direkta mula sa kalsada ay rumaragasa patungo sa bahay at sa maraming kaso ay nagdudulot ng negatibong epekto sa T-junction house.
Sa maraming kaso, mararamdaman kung paano ang enerhiya ng T-junciton ay literal na “tumatama” sa bahay sa matalas, at agresibong Sha chi quality. Ito ay nangyayari lalo na kung ang bahay ay walang landscaping sa paligid at masyadong malapit sa kalsada.
Ang iba pang variable ay ang maigsing kalsada na may very light traffic, kung saan sa kasong ito ay minimal lamang ang negatibong epekto, kung mayroon man.
Sa feng shui, ang traffic sa kalsada ay ikinokompara sa daloy ng tubig sa ilog. Kung gaano katindi ang traffic, ganoon din kalakas ang daloy ng tubig sa ilog. Ito ay madaling maramdaman, o imadyinin ang enerhiya na rumaragasa patungo sa bahay.
Ang kaibahan gayunman, sa ilog ikaw ay makatatanggap ng mataas na ka-lidad ng enerhiya, bagama’t rumaragasa, habang sa mga sasakyan naman ay matinding polusyon.
Mayroon bang good feng shui tips upang mapagbuti ang T-junction house? Mayroon po. Una, suriin ang da-loy ng Chi sa inyong bahay, gayundin ay mag-apply ng basic feng shui home tips.
Pangalawa, tingnan kung ano ang magagawa sa labas, gayundin sa loob kaugnay sa T-junction energy. Ang maayos na landscaping para maprotektahan ang front door, gayundin ang alin man sa mga bintana na “tinatamaan” ng rumaragasang enerhiya, ay mabisang feng shui solution.
Maaari ring ma-neutralize o mapabanayad ang enerhiya mula sa loob. Halimbawa, maglagay ng hilera ng mga halaman sa window sills ng lahat ng mga bintana na nakaharap sa kalsada. Ang isa o ilang crystal clusters ay mai-nam din sa bintana ng bahay na nakaharap sa T-junction.
Ilang feng shui consultants ang nagrerekomenda ng paglalagay ng bagua mirror sa labas ng T-junction house, alamin kung magugustuhan n’yo ang feng shui cure na ito para sa inyong bahay.
Ganito rin ang challenging feng shui situation na nagaganap sa Y-junction houses, ngunit mas banayad lamang ang challenging feng shui nito.
Ang Y-junction house ay maaaring makabuo ng “missing opportunities” energy sa bawat tao na naninirahan sa bahay, kaya mahalagang ma-activate at mabalanse ang enerhiya sa labas, gayundin sa loob.
Lady Choi