Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utangerang diva, dinedma na ang inutangang businessman

KAPAG may kailangan ang medyo laos na Diva, isa sa takbuhan niya ang kaibigan niyang businessman na kilalang mapagbigay at may malaking puso sa lahat.

Kapag nag-e-emote siya (Diva) mabilis pa sa alas-kuwatro kung puntahan ang tinutukoy nating negosyante na famous ang pangalan sa showbiz. Ang nakatu-turn off sa pag-uugali ng nasabing singer na nakilala noong 90s sa kanyang kantang naughty ay may amnesia yata siya. Kasi, matagal na panahon nang tumakbo ‘yung inutang na datung sa respetadong businessman, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakababayad. Yes, wala na siyang weder o time na pumasyal sa sosyal na office ng taong tumulong sa kanya noong siya ay nangangailangan.

Naku! Sa Divang bida sa ating blind item, habang may panahon pa makipagkita ka na sa mabait na negosyante. Lambingin mo na at malay mo baka, mawala ang tampo sa ‘yo.

Ms. Diva lumabas ka na sa lungga mo gyud!

SEASONED LAWYER  FERDINAND TOPACIO AT EX PBB HOUSEMATE JAMILLA OBISPO MAY NAKARAAN?

Last Wednesday night ay aksidenteng naispatan ng inyong columnist ang controversial at kilalang seasoned lawyer na si Ferdinand Topacio sa DUO Resto, d’yan sa The Fort.

Ang ikinagulat namin ay ka-date noong gabing ‘yun ng labs at BFF naming abogado ang ex-PBB housemate na sexy actress na si Jamilla Obispo. Kaya bigla kaming napaisip sa pagkikitang ‘yun ng dalawa. Minsan na silang naging laman ng balita na mayroon silang lihim na relasyon.

Napahalakhak nang sobra-sobra si Atty. Ferdie nang biruin ko kay Jamilla sabay sabing hindi sila magka-date kundi may hinihinging pabor sa kanya ang Viva talent na naging biktima ng panloloko ng taong pinagkatiwalaan niya ng kanyang property sa bandang south.

Well, knowing Attorney, mabilis siyang kagiliwan ng girls dahil sa pagiging gentleman at matulungin. Swerte ni Jamilla, dahil nangako ang nasabing abogado na susuportahan ang kanyang career. Bale going to 12 years na ang friendship ng dalawa. Shock talaga si Ms. Obispo dahil ipinakita sa kanya ni atty. Topacio ‘yung binili niyang FHM noong 2007 na siya ang cover. Say pa ng sikat na personalidad, para hindi mawala ay inilagay niya sa kanyang Vault ang nasabing Men’s Magazine.

Sa December 21 ay sabay silang dadalo ng sexy actress sa taunang Christmas Party ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naku, tiyak na pag-uusapan na naman ‘yan.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …