Sunday , May 11 2025

Let’s Ask Pilipinas ni Aga, maganda ang feedback

PARANG walking in cloud 9 si Aga Muhlach dahil maganda ang feedback ng live show niyangLet’s Ask Pilipinas ng TV5, na napapanood Monday-Friday pagkatapos ng news program ng T3.

Naka-move on na si Aga after ng nakaraang eleksiyon sa Sorsogon na nilahukan niya na congressional race. Pero hindi siya nag-win. Ngayon, iba-iba ang aura ni Aga at blessing kaya napasunod siya sa news program T3 at Aksiyon. Mabilis ang pag-angat ng Let’s Ask Pilipinas.

Anne, kahit lasing alam ang ginagawa

HAYAAN na natin ‘yung balitang pananampal ni Anne Curtis sa kapwa artista niya, hindi kasi natin alam ang ugat  ng pananampal niya kay John Lloyd Cruz.

Kahit lasing ang isang tao  alam niya ang ginagawa niya. Personal nila ‘yon. At least may bagong balita sa showbiz ‘di ba!!

Jasmine, may ibubuga pala sa pagho-host

OKEY pala itong younger sister ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith dahil may hidden talent. Akala ko noon, basta beauty, no talent si Jasmine kasi malamya ang dating niya.

Nakita ko lang na may future rin pala siya, masabak lang siya sa tamang show sa TV5.

For the 1st time, magilas si Jasmine at smart girl sa SpinNation na nakita naming sa pilot episode nito noong Sabado. Kinaya ni Jasmine, someday magiging ala-Toni at Alex Gonzaga ang kanyang dating. Isang bagong show ng TV5 ang tipong ala-musical  show.

Mahasa lang nang husto si Jasmine, mawawala ang shyness niya at madagdagan ang ngiti.

KC, posibleng masungkitang best actress award

Personal: HAPPY feast day, Mama Mary of Immaculate Concepcion. Babatiin ko rin ang former actress Beth Bautista na naging Best Actress sa URIAN na may ilang taon na ang nagdaan.

At ang winning movie niya  ay ang Hindi Sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna, a true to life story ni Boy Golden na may version din  si GOV. E.R EJERCITO, ang Boy Golden na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2013.

Dito, katambal niya si KC Concepcion na hinangaan ni Gov. E.R . dahil sa husay ng kanyang acting at baka raw masungkit pa nila ang  Best Actress award.

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *