Thursday , January 9 2025

Vic, hanga sa pagiging mabait at masunuring anak ni Bimby

NAPAKA-PROPESYONAL at well organize ni Kris Aquino if ever pangatawanan ang pagiging movie producer. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang nasimulan sa My Little Bossings na pinagtambalan nila ni Vic Sotto kasama sina James ‘Bimby’ Yap at ng Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon. Produced naman ito nina Orly Ilacad ng Octo Arts Films, M-ZET Films ni Vic,Tony Tuviera at ng Kris Aquino Production.

Confessed nga ng staffs ng pelikula, napakabait daw ni Kris, dahil sa mga producer, siya lang ang tanging super bantay bukod kay Bossing Vic. Natural lang kaya, kasi siya ang senior star ng My Little Bossings bukod sa isa sa mga producer at kasama sa cast. Ke malaki o maliit ang eksena, basta nasa set siya, wala siyang reklamo kung maaga siya sa set at nauuna pa sa ibang stars. Kasi siya raw ang alalay—caretaker ng  new young star na si Bimby.

Deny to death si Kris na hindi  siya stage mother. Basta napansin na ng mga kasama sa set na si Kris daw ay hindi pala marunong mag-spoiled ng anak. At nakita rin nila na si Bimby ay ‘di rin pasaway at well behave.

Inamin ni Bossing Vic na deadma siya kay Bimby no pansin siya para daw ‘di ito maging spoiled sa kanya. Pero nagulat si Vic na napakabait na bata at marunong sumunod sa sinasabi ni Kris. Magaling din daw itong sumunod sa script at nakikinig sa mommy niya at sa director.

May reklamo naman si Ryzza Mae, na nose bleed siya dahil may mga English na sinasabi si Bimby na ‘di niya maintindihan.

Nangyari ito sa mga unang araw ng shooting at parang aso at pusa sila, nagbababag dahil ‘di sila magkakaintindihan. Pero later on, naging best of friends ang mga munting bida. Kasi tinuruang magsalita ng Tagalog ni Ryzza Mae si Bimby at tinuruan namang ng English si Ryzza.

Ang My Little Bossings ang 1st movie ni Vic  na kalahok sa Manila Film Festival 2013 na hindi siTony Y. Reyes ang director. Lahat kasi ng film entry ni Vic sa nagdaang festival ay laging si Tony ang director nila. Pero sa My Little Bossings, isang  indie film director, si Marlon Rivera na director ng winning  movie na Ang Babae sa Septic Tank  ang pinagkatiwalaan nila.

Pero noong una palang na-conceptualize ang said movie si Bb. Joyce Bernal ang nasa isip ng cast na  siya ang magdirehe.

Back to Kris, grabe ang happiness niya sa lahat ng involve sa My Little Bossings bukod sa mga preparation. Ganyan naman si Kris kahit walang especial occasion basta kasali siya  sa production, laging may pasabog na ikasisiya ng mga karamihan.

Sa Grand Prescon ng My Little Bossings, sandamakmak ang iba’t ibang products na sina Bosing Vic, Bimby, Kris, at Ryzza ang mga endorser. Naging early Christmas gifts aside ang mga TF at ang red Chinese envelope ang ipinamahagi ni Kris sa mga dumalong friends niya na mga movie press people. Take note  humingi pa siya ng permiso na supposed to be ay magpapa-raffle ng datung, pero ang ginawa niya hinati na lang para lahat ay magkaroon. Galing niya! Meaning to say concern din siya sa mga press friend kasi naman hindi naman lahat ng press friend ay lucky sa raffle.

Wala munang masaganang Christmas Party

OKEY lang naman na ngayong Pasko, iyong mga kaibigan natin sa showbiz, na dating aligaga kapag sumasapit ang Pasko ay hindi na muna magkaroon ng masaganang Christmas party. Ito nga ay dahil sa magkakasunod na kalamidad sa Visayas province tulad ng malakas na lindol, encounter ng civilian at military sa Zamboanga, lindol sa Bohol, at ang super typhoon na si Yolanda sa Tacloban City.

May mga giant network ang nagpasabing no big event for Christmas, pero tuloy ang Pasko dahil ang kanilang priority ay matulungan ang mga biktima kalamidad. Dapat lang!!! no problem ‘yan dahil kami man sa showbiz world, kami at ang Philippine Movie Press Club na pinamumunuan niFernan de Guzman (Ms. F) ay nakikiisa sa layunin  ng mga  kaibigan sa TV at pelikula na tulungan ang mga biktima ni Yolanda.

PPL Entertainment, nagpa-party sa press, nakapagkawanggawa pa!

THE other night hindi nagpapigil ang PPL Entertainment ni Perry P. Lansigan kasama ang kanyang beautiful and talented talent tulad nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenman, Rochelle Pangilinan, Jolina Magdangal, LJ Reyes, Geoff Eigenman, Arthur Solinap, Wendel Ramos, at Angelika Dela Cruz na magdaos ng isang get together with the press.

Taon-taon o since itatag ni Perry ang PPL tuwing Pasko, may Christmas party siya for the press. Mahal ni Perry ang mga moviepress dahil sa ganitong paraan lamang daw siya nagkakaron ng chance na magpasalamat sa movie press.

Sa nasabing pagtitipon, simpleng dinner lang ang ginawa, no raffle na bongga, umbrella at grocery at little pakimkim ang kanyang ipinamahagi. Sa pakimkim ni  Perry nagulat ang mga press dahil  may bawas na P100 from the red envelope at nakalagay sa isang malaking box na ido-donate pala sa pagpapagawa ng isang eskuwelahan sa Iloilo. Grabe!! Galing mo Perry at PPL people, mabuhay kayo!!!

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *