WALA rin napala ang taumbayan sa isinagawang power rate hike investigation ng Kamara kahapon.
Sa pagdinig ng Kamara na pinamunuan ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Energy, pinagsumite lamang niya ng proposal ang Department of Energy (DOE) kung paano ma-reresolba ang problema sa pagtaas ng singil sa koryente sa bansa.
Dahil dito, tuloy ang unti-unting pagtaas na singil ng Meralco sa mga consumer sa halagang P4.15/kwh matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Dahilan ni Ivanna dela Peña, vice Pres for regulatory affairs ng Meralco, ang dagdag singil sa koryente ay bunsod ng Malampaya shutdown noong Nobyembre 9 hanggang Dis-yembre ngayon taon.
(JETHRO SINOCRUZ)
PRH MASUSUNDAN PA SA 2014
INAASAHAN mananatili pa ngayon buwan ang mataas na singil ng mga power generation utilities habang patuloy ang maintenance shutdown ng Malampaya gas-to-power project.
Dahil sa pagsara ng Malampaya, napilitan ang power generation companies na bumili at gumamit nang mas mahal na diesel fuel para sa kanilang mga planta.
Ang pagbaba ng supply ng enerhiya ay nangangahulugan din sa pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market, ang trading floor ng kor-yente sa bansa.
Sinabi ni Energy Regulatory Commission spokesperson Atty. Francis Juan, nanga-ngahulugan ito sa posible pang pagtaas sa singil ng power distributors at electric cooperatives.
ERC DUMIPENSA
IDINEPENSA ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-apruba sa hirit na power-rate hike ng Manila Electric Co. (Meralco).
Sinabi ni ERC spokesperson Atty. Francis Juan, batay sa computation ng Meralco, aabot nang mahigit P9 ang dapat bawiin na generation charges, kung kaya’t pinayagan ng komisyon ang pautay-utay na pagtaas sa singil.
“Kaya nga nagkaroon ng panukala na utay-utay na lang ang pagbawi ng mga generation charges. Mayroon pong ipa-sisingil sa Meralco ngayon buwan ng Disyembre. Iyon pong hindi masisingil na gastos, si-singilin sa Pebrero at Marso,” ayon sa opisyal. Iginiit ni Juan na hindi na rin maaaring iapela ang nakaambang pagtaas sa singil sa koryente.
“Ito po kasi ay nasasaklaw ng automatic generation adjustment mechanism, kung saan ang isang distribution uti-lity ay makapag-implement ng adjustment. Kaya nga po nagkaroon ng ganitong pag-uusap,” giit ng ERC official.
(BETH JULIAN)