Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, wish na makasama ang anak ngayong Pasko

AMINADO ang Honesto star na si Paulo Avelino na sabik na sabik na siyang maka-bonding muli ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak.

“Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na natanggap ko this year, lalo na sa pagiging part ko ng ‘Honesto.’ Pero kung may iwi-wish man ako ngayong Pasko, ‘yun ay ang magkaroon ng mas mahabang panahon kasama ang family ko. Miss na miss ko na kasi sila,” pag-amin ni Paulo.

“Masaya pa rin naman ang Christmas ko kasi kasama ko ang pamilya ko sa set, lalo na si Honesto,” pahayag aktor.

Samantala, tiniyak ni Paulo na mas kakapit pa ang viewers sa kuwento ng Honesto dahil lubusan nang magbabalik ang ala-ala ng kanyang karakter na si Diego.

Paano magbabago ang buhay ni Diego kapag naalala na niya ang lahat at kapag nalaman niya na anak niya si Honesto? Kaya ba niyang talikuran at isumbong sa mga awtoridad ang mga kasalanan ng tatay niyang si Hugo (Joel Torre)?

Huwag palampasin ang napapanahong kuwentong nagbabahagi sa kahalagahan ng katotohanan at katapatan, Honesto, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag–log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …