Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nina, ‘di raw nagpapasuweldo ng PA?

NALUNGKOT kami sa kuwento sa amin ng taong malapit sa rating PA (personal assistant) ng singer na si Nina dahil hindi raw niya pinasuweldo ng halos isang taon.

Kasambahay daw kung tratuhin ni Nina ang nasabing PA na sunod-sunuran sa kanya at minsan ay nalilipasan na raw ng gutom sa rami ng utos ng tinaguriang Soul Siren.

Kuwento sa amin ng taong nagmalasakit at malapit sa PA, ”awang-awa ako ateng, isipin mo, magkano lang naman ang suweldo ng PA tapos hindi man lang binayaran at nagtrabaho sa kanya (Nina) ‘yung tao ng matagal na panahon?

“Kaya noong ikuwento sa akin lahat, nag-iba ang tingin ko kay Nina, kasi ang porma-porma niya, may pera naman siya maski paano dahil may mga raket naman siya, ano ba naman ‘yung ibigay mo ang suweldo ng tao?”

Nagpaalam na raw ang PA kay Nina dahil hindi na nito matagalan ang trato bukod pa sa hindi nasusuwelduhan at pumayag naman daw ang singer.

Baka naman hinihintay lang talaga ni Nina na magpaalam na ang PA niya para hindi na niya suwelduhan?

Anyway, tinawagan namin kahapon ang kapatid at manager ni Nina na si Dew Anne at tinanong namin ang tungkol sa nasabing PA na hindi nasusuwelduhan.

“Ay, hindi po totoo, imposibleng hindi siya susuwelduhan,” bungad na sagot sa amin ng kapatid ni Nina.

Dagdag sabi pa, “Per month ang bayad sa kanya at kumukolekta siya tuwing kinsenas at katapusan at imposibleng wala siyang suweldo kasi may pinipirmahan siyang voucher, nagpapapirma kami.”

Apat na taon daw tumagal ang PA kina Nina, ”actually dati kay King (kapatid na singer din ni Nina) siya, mga 2005, tapos nagpaalam na siyang (PA) aalis noong 2009, kaya apat na taon. Okay naman, eh.”

Samantala, can afford naman magbayad ni Nina ng suweldo kasi base sa kapatid niyang si Dew Anne ay marami pa raw shows ang Soul Siren.

Sa palagay mo ateng Maricris, sino ang nagsasabi ng totoo, ang PA o ang manager cum sister ni Nina?

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …