Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Media killings seryoso na sabi ni Coloma

KINAILANGAN pang muling may mapaslang na mamamahayag bago aminin ni Communications Secretary Sonny Coloma na seryoso na ang media killings sa bansa.

Ayon kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap, hindi pa nareresolba ang pagpatay sa mga naunang media men ay heto na naman ang dalawang pinatay.

Ang pinakahuli ay isang journalist na si Michael Milo, national supervisor ng Prime Radio FM at managing editor ng Prime Balita Newspaper sa Tandag City, Surigao del Sur.

Si Milo ay pinagbabaril hanggang mapatay nitong Biyernes ng isang riding in tandem sa na taga-Purok Palmera, Barangay Mabua, Tandag City ng mga hindi pa nakikilang suspek.

Ayon kay Surigao Del Sur Provincial Police Officer In Charge Supt. Romeo Ramos, nakasakay sa motorsiklo ang biktima nang sundan ng isang motorsiklo na may tatlong sakay.

Ilang araw bago ito, brutal na pinatay si Davao del Norte Press & Radio-TV  Club member Joash Dignos.

Si Dignos ay host ng blocktime radio program “Bombardeo” sa DXGT Radyo Abante 92.1 FM  sa Maramag, Bukidnon.

Pero nang mapatay si Dignos, sinabi ni Coloma, “not serious”raw ang nagaganap na media killings sa bansa.

Tulad ni Milo, pinagbabaril hanggang mapatay si Dignos ng apat na hindi kilalang lalaki sa isa na namang motorcycle-riding suspects.

Bago pinatay ang dalawang journalist ay kapwa sila nakatanggap ng mga death threats ngunit binalewala nila ito.

Anim na buwan na ang nakararan, dalawang lalaki naman ang naghagis ng granada sa estasyon ng DXGT station na pinagtatrabahoan ni Dignos ngunit wala pa rin linaw ang imbestigasyon.

“Seryoso na ang mga nagaganap na patayan,” ani Yap. “Walang takot ang mga kriminal, at pare-pareho ang estilo sa pagpatay. Riding in tandem at pagbaril. Hindi pa ba nababahala ang gobyerno sa mga nagaganap na patayang ito?”

“Kahit si (Communications Chief) Sonny Coloma, ay inamin na rin na seryoso na ang mga patayang ito. Sana naman, hindi puro lip-service lang ang gobyerno. Kumilos naman sila.”

Giit ni Yap, sa nasabing mga pagpatay sa mga miyembro ng media, kitang-kita ang hayagang paglabag sa ginarantiyahan ng gobyerno na kalayaan sa pamamahayag sa Filipinas.

“Sa Filipinas, delikado ang buhay ng journalist na kritikal sa mga politiko at mahilig pumuna sa mga mali nilang ginagawa,” ani Yap. “Lahat kami, delikado ang buhay dahil tinutupad namin ang aming mga tungkulin na ibulgar ang katiwalian.”

Idinagdag ng dating pangulo ng National Press Club (NPC) na hindi dapat pinagtatagal ang mga ganitong kaso.

“Nakaaalarma na at nakatatakot,” dagdag ni Yap. “Kung ganyang inaamin ng Task Force Usig (ng Philippine National Police – PNP) at Task Force 211 (ng Department of Justice –DOJ) na inutil sila at hindi nila kaya ang mga ganitong kaso, buwagin na lamang ‘yan. Dagdag-gastos pa ‘yan sa gobyerno, inutil naman.”

Sina Dignos at Milo ang ika-20 at ika-21 biktima ng media killings sa panahon ng panunungkulan ni Pres. Benigno Simeon Aquino III.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …