SUKI na yata ang Startalk sa “pagbabasbas”sa mga tinaguriang May-December couples, the most recent of which ay ang relasyon ng sexy star na si Keanna Reeves sa kanyang 19 year-old boyfriend from San Fernando, Pampanga.
In hindsight, nai-feature rin ng naturang programa ang 65-anyos na si Tiya Pusit, na proud din sa kanyang karelasyong 27 years old who works as a call center agent although she refused to mention his name.
Hindi man pinangalanan ni Tiya Pusit ang kanyang nobyo, nothing could be more leading to the guy’s identity than proudly showing us their pictures together in their sweetest of moments. Ang ending: imbiyerna ang mga magulang ng boylet kay Tiya Pusit!
Sa isip-isip namin, why are the guy’s parents restrictive gayong hindi na naman menor de edad ang kanilang anak? Hindi naman balahurang babae si Tiya Pusit para rin ikahiya ng lalaking ‘yon? At ano rin ba ang mawawala sa lalaki sa kanyang pagpatol sa isang biyuda more than twice his age?
Kung tutuusin, mas mahirap ang sitwasyon ng mga “cougar” (elderly women who maintain affairs with younger men) because of the public impression that these young boylets make milking cows out of them! Eh, ano naman?
Richard, nairita sa mga mamamahayag
ISANG mahusay na researcher ng Startalk si Beth Miralles to whom previewing the material taken during Richard Gutierrez’s recent arraignment at a Cavite court sa kasong reckless imprudence resulting in homicide was assigned.
Nalathala rin kasi ng mismong araw na ‘yon, Biyernes, ang tila iritableng pakikitungo ng aktor sa mga nagkober na media. At isa nga raw sa mga palatandaan ng halatadong pagkainis ni Richard was when he scratched his head using his middle finger na wari’y non-verbal expression ng pagpa-”f—ck you” sa mga mamamahayag.
Pero sa in-email ng aming kasamahan sa Startalk na transcribed interview sa abogado ni Richard, Beth found no malice in the actor’s behaviour. Gusto naming paniwalaan ang obserbasyon ni Beth, baka nga nangati ang ulo ni Richard at gitnang daliri niya ang kamay ang kanyang ipinangkamot, that meant nothing at all.
As Richard was being surrounded by the media na nagtanong sa kanya, ang kanyang itinugon ay,”Itanong n’yo kay Jollibee!” Again, the press should not take offense at a figure of speech.
Kung tutuusin, dapat pa ngang magpasalamat ang naturang food chain for Richard’s free endorsement, unless panawagan niya ‘yon para bigyan ng commercial since ilang buwan nang nakatengga at income-less ang aktor.
Manny, hinabol ng BIR dahil sa pagmamayabang ng kayamanan?
OO na, naroon na tayo sa katotohanang hindi birong karangalan ang sunud-sunod na naiuwi ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa bansa. That the irony of ironies, kakabangon lang niya mula sa magkasunod na pagkatalo with his victory over Brandon Rios ay problema sa BIR ang sumalubong sa kanya.
Aside from being a national treasure, oo na’t inialay ni Pacman ang kanyang laban sa mga biktima ng Yolanda, even repacking the relief goods himself para personal niyang dalhin sa mga nasalantang lugar sa Kabisayaan despite his lack of resources frozen by the bureau, na damay din ang kanyang pampasahod sa less than a thousand staff.
Oo na rin, Manny is not a bureaucratic thief. Ang kasingyaman niya whose wealth is not ill-gotten at mula sa pagbo-boksing cannot afford to divest government coffers.
Still, what dragged Manny into this mess ay may kinalaman din sa kayabangan (read: ostentacious display) ng kanilang mga naipundar. Natural, hahabulin nga siya ng BIR!
Now, let this serve as an early warning to Willie Revillame who might just be the next target of the BIR. Need we enumerate the bulk of his wealth?
Ronnie Carrasco III