Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grade 6 pupil minolestiya ng titser

LAOAG CITY – Kinompirma ni Samuel Oliva, head teacher ng Nagba-lagan Elementary School sa Bangui, Ilocos Norte, agad nagbakasyon ang gurong pinaratangang nangmolestiya sa kanyang pupil.

Kinilala ni Oliva ang suspek na si Kenneth de Guzman, Grade 6 teacher ng nasabing paaralan, samantala ang biktima ay 12anyos na Grade 6 pupil.

Ayon sa head teacher, agad niyang kinausap si De Guzman matapos malaman ang naturang akusasyon ngunit agad naman pinabulaanan ng guro.

Nabatid sa ulat na sa tuwing matatapos ang klase ng mga bata ay ipinaiiwan ng guro ang biktima at dito ginagawan ng kahalayan.

Sinasabing ang ginagawa ng guro sa kanyang pupil ay natuklasan ng ilan sa mga kaklase ng bata.

Magmula nang matuklasan ng ilang kaklase ang ginagawa ng guro sa pupil ay nag-obserba na sila hanggang makarating sa head teacher ng paaralan ang pangyayari dahilan upang ipatawag ang guro.

Samantala, plano ng PTCA ng Nagbalagan Elementary School na gumawa  ng  resolusyon upang hindi na makabalik sa paaralan ang guro pagkatapos ang kanyang bakasyon.    (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …