Thursday , January 9 2025

2 totoy nalunod sa septic tank

NALUNOD ang dalawang totoy matapos maglaro at lumangoy sa isang septic tank, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City.

Nadala pa sa Home Care Clinic sa Merville, Parañaque ang mga biktimang sina Jerome Berja, 12, at Ricky Laurente, 9, ng Barangay Pag-asa 2, pero hindi na umabot ng buhay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong, ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), naganap ang insidente sa isang bakanteng lote na naroon ang septic tank,  na pag-aari ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Merville Road, Pasay City.

Sa pahayag ng testigong si Ryan, 13, ng Sitio Wella, niyaya siya ng dalawang biktima na maglaro at maligo sa septic tank dakong 5:00 ng hapon.

Makalipas ang isang oras, paahon na siya nang makita niya ang dalawa na parang hirap at unti-unting lumulubog.

Muli siyang lumusong upang sagipin ang dalawa pero hindi  niya nagawa  kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Dali-daling nagresponde ang mga kalalakihan at naiahon ang dalawang biktima pero hindi na naisalba ang kanilang buhay. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *