Thursday , January 9 2025

Romualdez pinagbibitiw ni Roxas

GEDSC DIGITAL CAMERAIBINULALAS ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang kanyang sama ng loob kaugnay sa aniya’y pagpapabitiw sa kanya sa tungkulin ni DILG Secretary Mar Roxas sa pananalasa ng super typhoon Yolanda, sa Congressional Oversight Committee Hearing sa Senado kahapon.     (JERRY SABINO)

IBINUNYAG ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na tinangka ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na pagbitiwin siya sa pwesto bilang alkalde matapos manalasa ang bagyong Yolanda.

Sa emosyonal na pagharap ni Romuladez sa pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Philippine Disaster Risk Reduction and Management Council Act of 2010 , inamin  ni Romualdez na humingi siya ng tulong kay Roxas matapos silang bayuhin ng bagyo.

Ngunit imbes tulong ang naging tugon sa kanya ni Roxas para sa mga kababayan sa Tacloban na naapektohan ng storm surge,  ay sinabihan siyang gumawa ng isang liham na isinasaad na humihingi siya ng tulong sa national government dahil hindi na niya kayang tulungan pa ang kanyang mga kababayan.

Ayon kay Romuladez, sinabi ni Roxas na ito ang legal na pamamaraan para tulungan siya ng national government.

Dahil dito, agad siyang kumunsulta sa kanyang mga abogado at dito ay napag-alaman niyang ang gagawin niyang liham ay isang pamamaraan ng pagbibitiw sa pwesto.

Aminado si Romualdez na bagama’t sila ay magkalaban sa politika ng administrasyong Aquino matapos niyang talunin ang pambato ng administrasyon na si dating Congressman Bem Noel, ay naniniwala siyang karapatan ng mga mamamayan ng Tacloban na makakuha ng tulong mula sa pamahalaan.      (NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *