Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May palakasan ba sa Games and Amusement Board (GAB) para sa mga OTB?

MAY PALAKASAN ba sa Game and Amusemnet Board para makapagpatayo ng Off-track Betting Station (OTB). May isang sulat na nagsasabing binigyan ng lisensiya ng Gab ang Blue Mugs Bar & Grill upang mag-operate ng OTB.

Ang Blue Mugs Bar & Grill na makikita sa 1209F Pablo Ocampo St., Sta. Ana at malapit lang ito sa Tiger Eyes OTB na matatagpuan sa 1021 Pablo Ocampo St., kanto ng Arellano st., Santa Ana, Manila.

Ang Blue Mugs Bar & Grill OTB ay napakalapit lang Tiger Eyes OTB. Bakit na bigyan ng lisensiya ng Gab ang Blue Mugs Bar & Grill na mag-operate.

Kailangan yata ay 500 meters ang layo upang payagan o bigyan ng lisensiya ng GAB ang magtatayo ang bagong OTB na malapit sa nakatayo o nag-ooperate ng OTB.

Wala daw lisensiya o permit ng Manila City Hall ang Blue Mugs Bar & Grill upang mag-patakbo ng isang OTB.

Sino ba talaga ang may-ari ng Blue Mugs & Bar Grill OTB at napakalakas nito sa GAB.

Nanawagan ang samahan ng OTBSAPI na bigyan aksiyon ng GAB ang ganitong pangyayari upang sa darating na panahon ay hindi na muling mangyari.

Kung ganito raw ang mangyayari na malapit sa isa’t-isa ang mga OTB wala na raw mag-ooperate o magbubukas ng OTB dahil malulugi lang sila.

Madam Estella Q. Nimedez, head ng Horse Racing Betting Supervison Branch ng Games and Amusement Board sana po ay bigyan ninyo ng maganda solusiyon ang nangyari ito.

MARAMING SALAMAT PO!

oOo

Nagpadala ng text sa ating si Mr. Ick Angeles ng Quezon City at ito ang nilalaman ng kanyang text.

CONGRATULATIONS to the 2013-14 Golden Staglets HS basketball team for winning the 2nd PSSBC tourney (top 4 of NCCA, UAAP, TIONG LIAN) by beating the San Beda Red Cubs in triple overtime yesterday, Dec. 7 at the SGS Gym. What a classic championship game! The Staglets proved once again tha San Sebastian is still a powerhouse in HS basketball.

Our salute to the players ang kudos to coaches Raymond, Bernie, Gerard, Nap, Popoy and team manager KENNETH CAUSON and SSC Athl.Dir. Franl Gusi.

It has been a great season!

MABUHAY ANG GOLDEN STAGLETS!

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

National Taekwondo Center

National Taekwondo Center, itatayo sa dating bowling alley ng Rizal Memorial Sports Complex

NAGPAHAYAG ng patuloy na suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Taekwondo Association (PTA) …

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …