Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dipektibong starting gate dapat busisiin ng PHILRACOM

LIGTAS pa ba ang mga kabayong pangarera sa tatlong karerahan kung ang mga ito’y gumagamit ng mga dipektibong starting gate?

Ito ang dapat busisiin  ng Philippine Racing Commissioner (Philracom) sa isinasagawang imbestigasyon sa  Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaugnay sa reklamong inihain ng kampo ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos matapos madisgrasyang matalisod ang super horse na si Hagdang Bato na naging dahilan ng pagkakatalo nito sa nakaraang PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Liesure Park, Carmona,  Cavite noong Disyembre 1.

Panahon na para  uriratin ng Philracom sa tatlong racing club kung  gaano na katanda ang  kanilang mga ginagamit na starting gate at kung gaano ito kaligtas para a mga kabayo lalo na sa mga hinete.

Magsilbing eye opener sana ang nangyari kay Hagdang Bato na nagpapatunay na mga dipektibo  ang starting gate  ng  Manila Jockey Club o ang San Lazaro Leisure Park.

Sana naman may patutunguhan ang gagawing imbestigasyon ng komisyon sa pangunguna nina Chairman Angel Castaño Jr. at Racing Executive Director Commissioner Jesus Cantos, gaya nang pagkakaroon ng bagong starting gate ng mga racing club matapos ang naganap kay hagdang bato.

Habang isinusulat ko ang pitak na ito ay kasalukuyang nagaganap ang imbestigasyon ng Philracom.

Kabilang sa dumalo si Mayor Abalos.

Na may bitbit na larawan at video kung paano nangyari sa kanyang super horse sa isang pinakamalaking pakarera sa bansa.

Sana naman hindi na maulit ang nangyari  kay Hagdang Bato  sa iba pang mananakbo na ang  lahat ay isinisisi  sa dipektibong starting gate.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …