Friday , November 15 2024

Aguilar may respeto pa rin sa TNT

KAHIT siya’y naging bayani sa panalo ng Barangay Ginebra San Miguel kontra Talk ‘n Text noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup, may respeto pa rin si Japeth Aguilar sa kanyang dating koponan.

Nagtala si Aguilar ng 21 puntos, 12 rebounds at pitong supalpal sa 97-95 panalo ng Kings kontra Tropang Texters sa dumadagundong na Smart Araneta Coliseum kung saan humabol ang Ginebra mula sa 82-70 na kalamangan ng TNT sa huling yugto.

Naisalpak ni Aguilar ang kanyang tres sa huling 1.1 segundo ng laro at sinupalpal niya si Ranidel de Ocampo sa huling busina upang iselyo ang panalo para sa Ginebra.

“Alam ko na  ang gagawin nila sa akin. Sobrang paghahanda ang ginawa nila at naging physical sila sa akin. May mga opportunities na kinuha ko against them (Texters ,” wika ni Aguilar na hindi masyadong binabad noon sa TNT.

“Make-or-break ang ginawa kong tira. I went to the screen nang maaga pero pinabalik ako ni LA (Tenorio) at nag-lose kami ng three seconds. Noong lumabas si LA sa screen ni Greg (Slaughter) at pinasa niya ang bola sa akin, I tried to stay calm as possible, kaya ayun, tinira ko na.”

Idinagdag ni Aguilar na ang ipinakita niyang laro noong Linggo ay patunay na handa na siya sa mas matinding laban para sa Ginebra at mas lalo siyang nirerespeto ng kalaban.

“Coming of age nga ito para sa akin. At least, yung position namin, maganda ngayon. Ako naman ang tipong player na iniisip ko kung paano ako mag-improve. Medyo kung out of control ang laro ko, sina LA at Mark (Caguioa) ang tumutulong sa akin,” pagtatapos ni Aguilar.

ni James Ty III

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *