BAKIT ang kama na may access lamang sa isang side ay ikino-konsiderang bad feng shui?
Sa kama na may access lamang sa iisang side ay nalili-mitahan ang pagdaloy ng enerhiya patungo sa iyong kama.
Bagama’t maaaring tahimik ang iyong pagtulog, ang iyong katawan ay abala sa pagpapatupad ng mga gawain at naghahangad na magamit ang lahat ng enerhiya upang mapagbuti ang iyong kalusugan.
Kung ang pagdaloy ng enerhiya patungo sa iyong kama ay napipigilan, hindi makatatanggap ang iyong katawan nang ganap na tulong na kailangan nito.
Gayondin, kung ikaw ay nasa intimate love relationship, sa pagkakaroon ng kama na may access sa isang side lamang, nalilimitahan ang pagdaloy ng komunikasyon ng magkapareha.
Bagama’t limitado lamang ang lugar, maaari mo pa ring ipwesto ang kama upang magkaroon ng “breathing” sa magkabilang sides. Maaaring wala nang lugar para sa dalawang typical nightstands, ngunit magkakaroon naman ng “nightstands” energy sa magkabilang sides nito.
Maaari rin maglagay ng dalawang maliit na halaman na tatayo bilang night tables. Gamitin ang imahinasyon para makabuo ng “equal opportunity” bed bagama’t mistulang imposible.
Lady Choi