MULING gagamitin ng PBA ang pang-araw-araw na iskedyul ng mga laro para sa quarterfinals at semifinals ng Governors’ Cup.
Ayon sa iskedyul na ipinalabas ng liga kahapon, gagawin sa Setyembre 23, Lunes ang mga posibleng knockout na laro para sa huling puwesto sa quarterfinals.
Kinabukasan, Setyembre 24 at 25, gagawin ang quarterfinals at kung may rubber match ay sa Setyembre 26 at 27 gagawin.
Magsisimula ang semifinals sa Setyembre 29 at tatagal hanggang Oktubre 9 kung aabot ang dalawang best-of-five serye sa tig-limang laro.
Tig-isang laro sa semis ang gagawin araw-araw.
Ang best-of-seven finals ng Governors’ Cup ay gagawin mula Oktubre 11 hanggang 25 kung aabot ito ng pitong laro.
Halos lahat ng mga laro sa playoffs ay gagawin sa Smart Araneta Coliseum ngunit may ilang mga larong gagawin sa Cuneta Astrodome at Mall of Asia Arena sa Pasay.
Katunayan, dalawang laro sa finals ay gagawin sa MOA Arena.
Mula noong 2011 ay ginawang tig-isang laro sa semis araw-araw ang PBA para lalong tumaas ang kita ng liga sa mga venues at tumaas din ang ratings ng liga sa telebisyon.
(James Ty III)