Friday , November 22 2024

PNoys EO vs midnight appointment pinagtibay ng CA

MULING pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang constitutionality ng Executive Order 2 ni Pangulong Benigno “Noy-noy” Aquino III na nagbabasura sa sinasabing midnight appointments ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Batay sa 23-pahinang desisyon, may petsang Agosto 28, 2013, ponente ni Associate Justice Noel Tijam, ibinasura ng CA former 8th Division ang petisyong inihain ng mga intervenor na sina Irma Villanueva at Francisca Rosquita na humihiling sa korte na ideklarang null and void ang EO 2.

Ayon sa CA, ang kontrobersyal na kautusan ay isang valid exercise o legal na pagganap ng executive powers ng Pangulo na nais makatiyak na maayos na naipatutupad ang batas kontra sa midnight appointments.

Napag-alaman na noong Marso 3, 2010, itinalaga ni Mrs. Arroyo si Villanueva bilang administrator para sa Visayas ng Cooperative Development Authority sa Department of Finance. Si Villanueva ay nanumpa sa pwesto noong Abril 13, 2010.

Habang si Rosquita naman ay itinalaga bilang commissioner ng National Commission on Indigenous People noong Marso 5, 2010 at nanumpa siya sa pwesto noong Marso 18, 2010.

Bagama’t tinukoy sa Civil Service Commission na hindi sakop ng midnight appointment ang pagtalaga kina Villanueva at Rosquita kahit sila ay nanumpa matapos ang Marso 10, 2010, kung kailan nagsimula ang appointment ban, tinukoy ng CA na taliwas ito sa itinatakda ng Section 15, Article 7 ng 1987 Constitution.                     (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *