Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal malaking tulong sa Letran

ISA sa mga unsung heroes tuwing mananalo ang Letran Knights ay si Kevin Racal.

Hindi siya ang star player ng Letran subalit ang pagiging all-around player nito ang malaking tulong kaya nasa unahan ang kanilang koponan.

Sa huling laro ng Letran naging istrumento si Racal sa comeback win laban sa Mapua Cardinals, 77-70.

Ngayong 6 ng gabi ay  muling masisilayan si Racal sa pakikipagbanggaan nito ng katawan sa kapit-bahay na iskuwelahang Lyceum of the Philippine Pirates sa nagaganap na 89th NCAA senior men’s basketball tournament.

Tangan ng Knights ang 9-1 win-loss record at ang panalo nila laban sa Pirates sa The Arena San Juan ang mapapalakas sa kanila sa pagkapit sa top 4 semifinals.

Bumira ang 6-foot-2 Racal ng 23 points, 10 rebounds at five assists laban sa Cardinals sapat upang masungkit ang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week plum na binak-apan ng Gatorade.

Naungusan ni Racal sa nasabing weekly citation sina Nigerian big man Ola Adeogun ng San Beda at Nosa Omorogbe ng Perpetual Help.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …