Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3rd Lifecore Ent Open Chess Championship

ILAN sa mga pambato ng bansa ang masisilayan sa pagtulak ng 3rd LifeCore Enterprise Open Chess Championship na  pinamagatang Calapan, Oriental Mindoro Open Chess Championship ngayong Linggo, Setyembre 8, 2013 na gaganapin sa Sangguniang Panglungsod, City Hall ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Inaasahang magpapakitang gilas sina 12-time national open champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. tubong Calapan, Oriental Mindoro at candidate master Rainier Labay mula Socorro, Oriental Mindoro ang magbibigay ng magandang laban sa host City kung saan tampok din ang paglahok nina GM John Paul Gomez, GM elect Ronald Dableo, Fide Master Christopher Castellano, National Master Edmundo Gatos at  six time PHL Executive champion Dr. Jenny Mayor.

Ayon kay national arbiter Gatz V. Luz, ang 3rd LifeCore Enterprise Open Chess Championship ay ipatutupad ang seven-round Swiss System Open Tournament kung saan ang bawat manlalaro ay bibigyan ng tig “twenty five minutes”  para matapos ang laro.

Ang torneyo ay bukas sa lahat ng Untitled, Rated at Titled chess players na good standing sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

(Lovely Icao)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …