Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 todas, 3 sugatan sa hotel holdup

TATLO katao ang namatay sa naganap na robbery holdup sa isang hotel sa Batangas City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Nicolas Torre, hepe ng Batangas City Police, patay ang dalawang hinihinalang mga holdaper at ang lady cashier sa naganap na insidente sa loob ng El Richland Travel Lodge in Brgy. Sorosoro Karsada, Batangas City dakong 2:45 a.m.

Sinabi ni Torre, sugatan ang isa pang hinihinalang holdaper at dalawang room boy ng hotel.

Aniya, tumawag sa telepono ang may-ari ng travel lodge sa information desk nito. May dumampot aniya sa telepono at narinig niya ang boses ng cashier sa background na humihingi ng tulong.

Pagkaraan ay nakarinig ang may-ari ng travel lodge ng ilang putok ng baril kaya napilitan siyang magtungo sa nasabing establisyemento.

“Umalis siya (owner) pero may nakalimutan siya kaya tumawag siya sa front desk. But this time ‘di na sinasagot. Tawag siya nang tawag until somebody picked up the phone pero ‘di nagsasalita. Ang narinig niya ngayon, on the background ang cashier nagsasabing ‘tulungan niyo kami.’ And then he heard a gunshot,” salaysay ni Torre.

Habang pabalik sa hotel, nasalubong niya ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo. Pinaputukan niya ang mga suspek na ikinamatay ng isa sa mga holdaper

Napilitan naman ang dalawa pang suspek na bumalik sa travel lodge nang dumating ang nagrespondeng mga pulis.

Pagkaraan ay tumakbo patungo sa katabing compound ang isang suspek ngunit binaril ng pulis na kanyang ikinasugat. Nagtago naman ang isa pang suspek na sinasabing lider ng grupo sa opisina ng travel lodge ngunit binaril at napatay ng pulis.

(JETHRO SINOCRUZ/BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …