Friday , November 22 2024

NFA nakatipid ng P100-M sa Vietnam rice deal (Hindi totoong nalugi ng P457-M)

090413_FRONT

HINDI nalugi at sa halip ay nakatipid pa ng aabot sa P95.45 milyon o halos P100 milyon ang National Food Authority sa ginawang pag-angkat sa Vietnam ng aabot sa 205,700 metriko toneladang bigas noong Abril ng taon kasalukuyan.

Kasabay nito ay tinawag ng NFA na malisyoso at kasinungalingan ang ulat na nalugi ang gobyerno ng aabot sa P457 milyon kaugnay ng nasabing transaksyon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni NFA Deputy Administrator Ludovico Jarina na malaki ang posibilidad na may ilang grupo na kumikilos upang siraan ang NFA at ang mga repormang ipinatutupad sa ahensya nina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Administrator Orlan Calayag.

“Apektado kasi ang mga grupong ito ng patuloy na paglaban ng DA at NFA sa smuggling, katiwalian at sa mga mapagsamantalang sabwatan sa pagbebenta ng bigas,” wika ni Jarina.

Naniniwala rin siya na sadyang binigyan ng maling impormasyon at datos ng nasabing mga grupo ang abogadong si Argee Guevarra para makuha nila ang simpatiya nito at magamit sa kanilang smear campaign laban sa NFA.

Ipinaliwanag ni Jarina na nagkamali si Guevarra sa ginamit niyang formula para palitawin na overpriced ang US$459.75 kada metriko tonelada na nabili ng gobyerno sa Vietnam Southern Food Corporation II.

Sa totoo aniya ay mas mura ang pagkakabili ng NFA sa bigas buhat sa Vietnam dahil ang freight on board (FOB) price nito ay USD365.00 kada metriko tonelada lamang, kompara sa FOB reference price na US$376.28 na katumbas ng P15,480.00 kada metriko tonelada na gusto namang presyo ni Guevarra.

Dahil doon ay nakatipid ang NFA ng P95.5 milyon dahil mas mababa ng US$11.28 o P462.48 kada metriko tonelada ang nabili nilang bigas base sa 41.14 – USD1.00 na exchange rate.

“Mali ang konklusyon ni Atty. Guevarra dahil ang ibinigay niyang presyo ay iyong presyo na FOB o delivered hanggang sa pier lang sa Vietnam, samantala ang presyo ng NFA ay iyong delivered hanggang sa mga warehouse namin sa bawat sulok ng buong Filipinas,” paliwanag ni Jarina.

“Sa delivered duty unpaid-free on warehouse (DDU-FOW ) kasi ay kasama na rito ang bayad kung saan  man ang destinasyon ng bigas at sila na rin ang bahala sa mga dapat bayaran sa insurance, transportasyon at iba pa maliban sa buwis,”dagdag niya.

“Samantala ang FOB ay hanggang sa pier lamang ang obligasyon ng seller at hindi nila sagot ang iba pang mga karampatang bayarin,” aniya.

Pinabulaanan din niya ang isyu na bumili ang NFA ng karagdagang 18,700 metriko tonelada sa ilalim ng government to government agreement sa pagsasabing kasama ito sa tinatawag na  10% MOLSO (more or less at supplier’s option) provision.

Bilang seller ay dinagdagan ng Vietnam ng 10 porsiyento o 18,700 metriko tonelada ang ibebenta nito na inaprubahan din naman ng NFA Council sa pamamagitan ng Resolution No. 682-2013.

Ipinaliwanag ni Jarina na aprubado ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang tinatawag na tax expenditure subsidy (TES) na kabaligtaran ng isa pang alegasyon ni Guevarra.

Idiniin niya na hindi papayagan ng Bureau of Customs na lumabas mula sa pier ang karagdagang inangkat na bigas kung hindi maayos ang TES nito.                (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *