Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Monfort higante sa laro

Kapag may talent ka at hardworking ka pa at marunong kang maghintay ay tiyak na mabibiyayaan ka.

Ito ang nangyayari sa career ng point guard na si Eman Monfort.

Ang 5-6 na si Monfort ay nagsisimulang gumawa ng pangalan sa Philippine Basketball Association sa kasalukuyang Governors Cup kung saan ay nagningning siya ng husto noong nakaraang linggo at pinarangalan bilang PBA Presscorps Player of the Week.

Kung titingnang mabuti ay parang huli na nang mabigyan ng break si Monfort.

Matapos na mapili ng Barako Bull sa later rounds ng nakaraang rookie draft ay hindi naman kaagad nailagay sa lineup ng Energy Colas si Monfort sa Philippine Cup. Sa torneong iyon, ang Barako Bull ay hawak pa ni head coach Junel Baculi.

Matapos ang Philippine Cup ay nagbitiw si Baculi upang lumipat sa Global Port kung saan siya ngayon ang head coach.

Si Bong Ramos ang humalili kay Baculi at katuwang niya ang dating national coach na si Rajko Toroman.

Dito naisama sa lineup ng Barako Bull si Monfort para sa Commissioners Cup. Pero hindi pa rin gaano nagamit ang point guard na buhat sa Ateneo. Halos sa dulo na lang siya ng conference napasabak.

Pero hindi siya nawalan ng loob at patuloy siyang nagpursige sa halos tatlong buwan na break in between conferences.

Marahil ay napuna na ng coaching staff ang kakaibang sipag at gilas ni Monfort kung kaya’t sa Governors Cup ay siya na ang naging starting point guard ng kanyang koponan.

Sa bawat game ng Barako Bull ay kitang-kita na nag-iimprove ang mga numero ni Monfort. At kita rin na tumataas ang confidence level hindi lang ng coaching staff kundi ng kanyang mga kakampi sa kanya.

Patunay lang ito na ang mga malilit na manlalarong tulad ni Monfort ay puwedeng ring maging malahigante sa larangan ng basketball.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …