Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga mambabatas sa P10-B pork scam ni Janet Napoles

PARA sa kaalaman ng mga ordinaryong mamamayan na hindi nagbabasa ng broadsheet at hindi marunong mag-internet, minabuti kong i-print itong lumabas sa Philippine Daily Inquirer nitong August 30, 2013 tungkol sa mga mambabatas na sangkot sa P10-B pork barrel fund scam mula 2006-2011.

Limang senador at 23 kongresista ang sangkot dito.

Ang limang senador ay sina Ramon Revilla, Jr., na nakapag-release kay Janet Lim-Napoles ng kabuuang P1.02 bilyon, dating Senate President Juan Ponce Enrile (P641.65M), Jinggoy Estrada (P585M), Bongbong Marcos (P100M), at Gringo Honasan (P15M).

Matindi bumatikos against corruption ang limang senador,  lalo na sina Enrile at Jinggoy. Ngayon, sila na ang nababatikos! He he he…

Si Jinggoy ay nakulong na noon sa isyu ng jueteng kasabay ng kanyang erpat na si Erap na napalaya naman sa pardon ni ex-PGMA. Napawalang-sala si Jinggoy dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya. Wala naman kasing paper thrill sa illegal gambling.

Si Marcos naman ay batid nating lahat na anak ng diktador at sinasabing most corrupt pero most brilliant na -napatalsik na late president FM.

At si Gringo ang dating sundalo at bata ni Enrile na nag-lunsad ng maraming kudeta laban kay late ex-Pres. Cory Aquino.

Si Revilla, simpleng rock pala. Akala natin malinis -talaga siya. Ewan natin kung paano niya ipaliliwanag ang pagiging topnotcher sa pagbibigay ng napakalaking bahagi ng kanyang pork barrel sa mga pekeng foundations ni -Napoles.

Note: Kapag ang isang public official ay lumustay ng higit P50-M mula sa pondo ng bayan, siya’y swak sa kasong pandarambong o plunder. No bail!

Ibig sabihin, kung totoo lahat ang datos na ito na ipinalabas ng Commission on Audit tungkol sa limang senador, si Gringo lang ang makaliligtas sa plunder. P15M lang ang naiambag niya sa fake foundation ni Napoles e. He he he…

Ang 23 kongresista naman na nakapag-ambag ng yaman kay Napoles, na mayroon umanong mahigit 400 bank accounts na naka-freeze ngayon, ay sina Rizalina Seachon-Lanete ng Masbate (2004-10), P137.29-M; Conrado Estrella lll ng Pangasinan (1987-95; 2001-10), P97-M; Edgar Valdez ng Apec (2002-10), P85-M); Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur (2001-10), P81.5-M); Erwin Chiongbian ng Sarangani (2001-10), P65.35-M; Samuel Dangwa ng Benguet (1984-95; 2001-10), P62-M; Robert Raymund Estrella ng Abono (2007-13), P41-M); Manuel Ortega ng La Union (1998-2007), P34-M); Constantino Jaraulan ng Cagayan de Oro (1998-2007), P30-M); Marc Douglas Cagas lV ng Davao del Sur (P2007-13); Arthur Pingoy, Jr., ng South Cotabato (2001-10), P22-M; Federico Sandoval ng Malabon/Navotas (1998-2007), P21-M; Victor Francisco Ortega ng La Union (1987-98, 2007-13), P13-M; Ariel Olano ng Davao del Norte (2001-2010), P12.5-M; Salacnib Baterina ng Ilocos Sur (1978-86, 1998-07), P10-M; Rodolfo Valencia ng Oriental Mindoro (1987-92, 2004-13), P7-M; Antonio Serapio ng Valenzuela (1987-98, 2004-07), P6-M; Isidro Real Jr. ng Zamboanga del Sur (1984-92, 2001-07), P5-M; Ruffy Biazon ng Muntinlupa (2001-10), P5-M; Joel Villanuena ng Cibac (2002-10), P4.3-M); Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro (2007-13), P3.5-M; Ernesto Banzai ng 1st district Manila (1998-07), P2-M; at Amado Bagatsing ng 5th district Manila (2010-13), P1M.

Nanay ng pulis May pa-jumper

ng koryente sa Tondo

– Report ko po dito sa Tondo, grabe ang dami ng jumper ng kuryente, na ginagawang negosyo ng nagngangalang Maricor na may anak na pulis. Ang singil ni Maricor kada linggo ay P200. Sobrang delikado, pagsapit ng gabi -madalas nag-aapoy ang poste sa Capulong st. corner Velasquez. Sana maaksiyunan ito baka biglang magkasunog dito. Thanks po. – 09085275….

Pension ng retired soldiers

masyadong delayed na…

– Mr. Venancio, nabasa ko ang daing ng sundalo ng Mindanao sa kolum mo. Puwede po ba silipin nyo rin ang pension namin mga retired na sundalo, lagi nalang delayed. September na, wala pa ang August. Thanks! – 09339888….

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …