Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Classmate minolestiya, tomboy timbog sa NBI

ILOILO CITY- Patong-patong na kaso ang haharapin ng isang tomboy sa panloloko, pagmolestya at pamba-blackmail sa kanyang classmate na babae.

Sa entrapment ope-ration ng National Bureau of Investigation (NBI), naaresto ang suspek na si Claudine Jade Silverio y Roque, 19, estudyante sa University of Iloilo- PHINMA.

Ayon kay NBI special agent John Katipunan, nagpakilala sa Facebook bilang si “John Conrad Domingo” ang suspek at naging chatmate ang biktima hanggang sa magkarelasyon sila at umabot pa sa pagtatalik sa pamamagitan ng internet o cybersex.

Mismo ang suspek ang nagreto sa biktima ng “ka-chatmate” sa Facebook na siya rin pala.

Kasunod nito, sinabi sa biktima ng suspek bilang isang “chatmate” na may nagpakalat ng kanyang hubad na pictures sa internet at kinakailangang bayaran ito para mapigilan ang pagpapakalat ng kanyang mga larawan.

Nagkasundo sila na magkita sa barangay hall ng Brgy. Rizal, Jordan, Guimaras at doon naabutan ng biktima ang kanyang tomboy na kaklase na lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang kanyang “karelasyon” sa Facebook.

Sinabi ni Silverio sa biktima na nais ng kanyang karelasyon na galing pa ng Maynila, naka-blinfold ang babae.

Pumayag naman ang biktima at doon na nangyari ang pangmomolestya sa kanya.

Sa salaysay ng biktima, habang nakatayo at may takip sa mata, hinubaran siya at hinalikan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang minomolestya, bahagyang nasilip ng biktima ang kuko sa paa ng suspek at ito ang naging daan para matuklasan na ang kanyang kaklaseng tomboy at ang kanyang “ka-chatmate” ay iisa pala matapos makitang pareho ang kuko at nail polish sa kanilang paa.

Matapos ang natuklasan, hindi na nakipag-ugnayan ang biktima sa suspek hanggang sa nakita na lamang niyang nakapaskil na sa gate ng kanilang bahay ang kanyang hubad na larawan.

Dahil dito, napilitan ulit siyang makipagkasundo sa suspek na magbayad para hindi kumalat ang larawan.

Ngunit lingid sa kaalaman ng suspek, nakipag-ugnayan na sa NBI ang biktima at doon na isinagawa ang entrapment operation at nahuli sa akto ang suspek habang minomolestya ang biktima na naka-blindfold din kagaya nang nauna niyang ginawa.

Nakuha mula sa suspek ang mga hubad na larawan ng biktima na kuha mula sa nangya-ring cybersex nila na ipinakalat ng salarin.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …