Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 NBI off’ls nagtangkang kikilan si Napoles (Humingi ng P300-M)

TATLONG opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagtangkang kikilan si Janet Lim Napoles, ang utak ng kontrobersyal na P10-billion pork barrel scam.

Ibinunyag ito ni Justice Secretary Leila de Lima ngunit pansamantalang hindi pa pinangalanan ang tatlo na pawang deputy directors.

Kaugnay nito, hinamon ng NBI si Atty. Lorna Kapunan, ang abogado ni Napoles, na pangalanan ang sinasabing mga ahenteng nagtangkang mangikil kay Napoles.

Sinabi ni NBI Spokesperson Atty. Cecilio Zamora, dapat lamang na tukuyin ni Kapunan kung sino ang mga sinasabi niya dahil lubha nang naaapektohan ang buong ahensya sa mga alegasyon. Una nang lumabas ang balitang may dalawang opisyal ng NBI na nagtimbre kay  Janet Napoles kaugnay ng warrant of arrest kasunod naman ay ang pahayag ni Kapunan na dawit ang NBI, maging ang Department of Justice (DoJ), sa pangingikil sa kanyang kliyente.

Sinabi ni Kapunan, may nag-alok sa kanyang kliyente na ibabasura ang kaso kapalit ng P300 milyon at iginiit na may recorded tape sila na tinanggahin ito ni Napoles.     (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …