Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

OTB operator posibleng maapektohan sa SMS betting system

Kung matutuloy ang plano ng Malvar race track  kaugnay sa paggamit ng  short messege service sa cellphone  para sa pagtaya ng mga karerista,tiyak na maaapektohan ang operasyon ng Off trak betting station sa Metro Manila.

Itinutulak ngayon ni Dr.Norberto Quisumbing,ang may-ari ng Malvar race track sa batangas ang paggamit ng cellphone para makataya ang mga karerista kahit nasaan man silang lugar mapalabas  at mapaloob ng bansa.

Sa pamamagitan ng cellphone hindi na maaaring magtungo pa sa OTB station para tumaya ng karera.

Plano din na ipalabas sa cellphone ang laban at resulta ng karera upang higit na ma-enjoy ng mga racing fans ang pangangarera habang kasama ang pamilya lalo na kung Sabado at Linggo.

Lubhang makagagaan nga para sa mga karerista na malayo sa mga tayaan at karerahan na makataya sa kanilang mga paboritong kabayo habang kasama ang pamilya.

Mababawasan din ang mga kareristang tumaya sa iligal na bookies.

Dahil dito naniniwala ang Philippine Racing Commission (Philracom) na malaki ang maitutulong sa pagtaas ng benta sa karera at kasalukuyang pinaplanong betting system ng Malvar at posibleng maging katuwang nito ang San Lazaro leisure Park sa Carmona,Cavite.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …