DALAWA pang senador ang isinabit sa bagong report ng Commission on Audit (CoA) kaugnay sa maanomalyang pork barrel funds sa nakaraang dalawang taon.
Sina Senador Ferdinand Marcos, Jr., at Loren Legarda ay nabanggit sa 2011-2012 CoA report.
Sa senate hearing nitong nakaraang linggo, inihayag ni CoA chief Ma. Gracia Pulido Tan na dalawa pang senador ang sabit sa pork barrel scam, ayon sa CoA report kaugnay sa Philippine Forest Corp.
Tumangging magkomento si Marcos kung talagang nagpalabas siya ng bahagi ng kanyang PDAF sa Philippine Forest Corp., nitong nakaraang taon.
“I haven’t seen that. Alam mo mahaba pa ito. Hinihintay ko lang lagi ang findings ng mga imbestigasyon. Mahirap magsalita… These are news reports. I am waiting for the investigative report,” pahayag ni Marcos.
Sa kabilang dako, hindi pa nagbibigay ng komento kaugnay nito si Legarda. (HNT)