Saturday , April 12 2025

12-anyos dalagita nakatakas sa kidnaper

NAKATAKAS ang 12-anyos dalagita sa mga dumukot sa kanya sa Monte de Piedad, Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City kahapon.

Ang biktimang huling nakitang may kausap na babae sa labas ng kanilang bahay dakong 10 a.m. nitong Lunes, ay natagpuang naglalakad sa kalsada ng barangay councilor dakong 4 a.m. kahapon.

Ayon sa salaysay ng biktima, tinakot siya ng babae na may masamang mangyayari sa kanyang ina kapag hindi siya sumama.

Aniya, naglakad lamang sila sa buong maghapon hanggang dalhin siya sa isang bahay at nadatnan nila roon ang dalawang lalaki at isa pang babae.

May nakita rin siyang iba pang kidnap victims sa loob ng bahay.

Nakatulog aniya siya makaraan siyang painomin ng tubig na maaaring nilagyan ng sleeping pills. Paggising niya ay iba na ang suot niyang damit.

Muli aniya silang naglakad dakong 10 p.m. ngunit siya ay nakatakbo at natakasan ang mga suspek.

Ayon kay PO3 Terebio Besa, desk officer ng Quezon City Police District Station 7, ang sindikato na ginagawang sex slaves ang mga dalagita ang posibleng dumukot sa biktima. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *