Friday , November 22 2024

NFA busisiin vs economic sabotage, profiteering

090313_FRONT

HUMILING ngayon ng isang malalimang imbestigasyon ang abogadong si Argee Guevarra sa umano’y anomalya sa importasyon ng bigas sa gitna ng sunod-sunod na paglabas ng balita ng overpricing at katiwalian.

Sa isang liham kay Justice Secretary Leila De Lima at Ombudsman Conchita Carpio Morales, hiningi ng aktibista at abogadong si Guevarra sa Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council (IAAGCC) na atasan ng ahensya ang National Bureau of Investigation (NBI) upang bumuo ng isang special task force upang suriin at imbestigahan ang mga transaksyon sa pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng National Food Authority (NFA).

Ipinakikiusap ni Guevarra kina De Lima at Carpio-Morales na pag-ukulan ng pansin ang mga alegasyon ng katiwalian sa Department of Agriculture (DA) at NFA “nang may katulad na tutok at determinasyong naipamalas sa pagpapalawig ng imbestigasyon sa kaso ng Napoles pork scam.”

Ayon sa abogado, ang katiwaliang ito ay katumbas ng “white collar economic sabotage and/or profiteering.”

Sa pagtaya ni Guevarra, “ang kaduda-dudang importasyon ng NFA ng 187,000 metriko toneladang bigas, kabilang pa ang karagdagang 18,700 MT, na ipinailalim ng nasabing ahensya sa kasunduang government-to-government nitong Abril … ay overpriced nang hanggang P450 milyon para lamang sa iisang transaksyon.”

Nauna na niyang isiniwalat ang maanomalyang kasunduan nitong Huwebes nang sinabi niyang ang mga inangkat ng DA at NFA mula sa Vietnam nitong 2013 na 205,700 MT ng bigas ay overpriced ng P457 milyon.

Nitong Lunes, ang exposé ni Guevarra ay sinusugan ng pinuno ng Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative na si Atty. Tonike Padilla. Ayon kay Padilla, maaaring lumobo ng hanggang P2 bilyon ang overpricing kung ipagpapatuloy ang napipintong pag-aangkat ng mga nasabing ahensya ng karagdagang 700,000 ng bigas sa parating na Nobyembre.

“Inaanyayahan ko kayong alalahanin na sa talumpati ng Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address nang taong ito, ipinagmalaki niyang natamo na ng bansa ang rice self-sufficiency, kaya’t wala nang pangangailangan para sa karagdagagang importasyon ng bigas, lalo na kung ito’y isasagawa sa ilalim ng kasunduang government-to-government na salat sa transparency at accountability; at lalo pa kung mapatutunayang overpriced,” ayon kay Guevarra sa isang panayam.

Maaalala na sa kanyang unang SoNA ay binatikos rin ni Pangulong Aquino ang administrasyon ni dating pangulong Gloria Arroyo dahil sa pag-aangkat ng bigas na umano’y overpriced ng USD60 kada metriko tonelada.

Base sa tala ng Oryza Global Rice price, makikitang ang importasyon ng administrasyong Aquino nitong Abril ay overpriced din nang hindi kukulangin sa USD 50, dagdag pa ang umano’y hindi idineklarang pag-aangkat nito ng ‘karagdagang’ 18,700 MT ng bigas.

“Nangangamba ako na ang mapagmanipulang pamamaraan sa importasyon ng bigas noong panahong Arroyo ay nakatawid na at umuusad na ngayon sa ‘daang matuwid’ ni Pangulong Aquino.  Ito ay dahil sa paggiit nila sa karagdagang ‘palusot’  o ‘insertion’ sa importasyon ng 18,700 metriko tonelada ng bigas na kumakatawan sa 10 porsyento ng 187,000 MT ng importasyon. Madaling isipin na isa na naman panibagong latag ng ‘tongpats’ para sa naturang transaksyon,” dagdag ni Guevarra.

Inirekomenda rin ng abogado sa IAAGCC na tulungan siyang bigyang-daan ang “pagbulalas ng impormasyon ng mga indibidwal na may direktang kaugnayan sa industriya ng bigas tungkol sa anomalyang ito. Pinag-iisipan at tinitimbang nila ngayon kung papasailalim sila sa Witness Protection Program ng Department of Justice.”

Hiningi rin ni Guevarra sa nasabing anti-graft body na bigyan siya ng kopya ng anomang resulta ng imbestigasyong isinagawa ng NBI patungkol sa mga katulad na transaksyon noong panahon ng dating pangulong Arroyo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *