Nadakma ng mga ahente ng Bureau of Immigration o BI ang isang Briton na wanted sa Federal Authorities sa Estados Unidos dahil sa pag-manufacture, pag-import at pag-export ng Marijuana.
Ayon kay Immigration Officer-in-Charge Siegfred Mison, nakakulong ngayon sa BI detention center sa Bicutan, Taguig City ang banyagang si Gypsy Nirvana, 53.
Si Nirvana ay naaresto nuong Agosto 21, sa Subic Freeport, Olongapo ng operatiba ng fugitive search unit ng ahensiya.
Ani Mison, nag-isyu siya ng Mission Order para sa ikadarakip ni Nirvana matapos ipaalam sa kanya ng US embassy na may ipinalabas na warrant ang US district court laban sa suspek na nahaharap ng multiple counts of narcotics trafficking at money laundering charges.
Inihahanda na ng BI ang deportasyon laban sa dayuhan.
(LEONARD BASILIO)