SINCE nasa politics si Congresswoman Vilma Santos, subok na ang loyalty niya sa kanyang constituents nang magsilbi siyang mayor at gobernador ng Batangas at number one priority talaga niya ang kanyang mga kababayan roon.
Ngayong iniluklok siya bilang congresswo-man ay nanatili pa rin ang stand ni Ate Vi na hindi sa partido ang loyalty niya kundi sa mga tao na kanyang kakampi sa no to death penalty vote.
At dahil sa pagpanig niyang huwag maisulong ang pagbitay sa convicted inmate ay nawalan siya ng chairmanship sa congress na bagay na alam na raw niyang mangyayari sa kanya, kaya’t sabi niya sa panayam sa kanya kamakailan…
“Pero naniniwala ako sa de-mocratic process. Kailangan iboto ko kung ano ang ta-lagang idi-nidikta ng konsensiya ko. At kagaya nga ng sinabi ko, komunsulta naman ako sa mga Lipeño. Maski nga Vilmanians tinanong ko. Mas marami akong nakausap na laban sa death penalty, kaya naniniwala ako na iyong boto ko, mas gusto ng nakararaming tao. E ako naman, public servant ako. Kaya siyempre kung ano ang gusto ng mga totoong boss, iyong mga tao, iyon ang gagawin ko.
“Iyong committee chairmanship, hindi ko rin naman talaga inaasahan iyon. Dahil sinabi nga nila, hindi agad binibigyan ng chairmanship ang isang baguhang congressman. Ako first time ko sa house, nabigyan ako ng chairmanship noon. Nasubukan ko na, ok na iyon. Naiintindihan ko rin naman iyong sinasabi nilang party decision, pero ang loyalty ko naman wala sa partido e, nasa tao,” saad ni Ate Vi.
Ayon sa “Star for All Season” hindi porke nawalan siya ng chairmanship ‘e mawawala na rin ang suporta niya kay Presidente Rody Duterte, tuloy pa rin daw ang suporta niya sa Pa-ngulo.
Hashtag #ATEVIMaySarilingPani-nindigan Gyud!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma