Shaina Magdayao Gerald Anderson Sins of the Father

Shaina ‘napigil’ ni Gerald pa-Amerika

MA at PA
ni Rommel Placente

PAPUNTA na sanang Amerika si Shaina Magdayao pero biglang nagbago ang desisyon niya. Kung bakit? Dahil dumating ang offer na gawin niya ang seryeng Sins of the Father na pagbibidahan ni Gerald Anderson

Sa isa niyang interview, sabi ng aktres, “It is an answered prayer. I’ve been praying for reason to stay longer. ‘Coz there’s an opportunity na medyo umalis na muna ng Pilipinas, and to pursue whatever it is.”

Para kay Shaina, hindi niya dapat palampasin ang magandang kwento ng serye at ang mga kasamahan dito.

“This project came. Kung ganito kaganda ‘yung project, ang hirap hindian. Pagda­ting sa materyal, pagdating sa mga kasama ko sa show. And also to be able to work with direk FM Reyes again,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Sa seryeng Pamilya Sagrado huling napanood si Shaina . Aminado siyang mapili na rin siya sa pagtanggap ng mga project.

Bukod kina Shaina at Gerald, kasama rin dito sina  Seth Fedelin, Francine Diaz  Jessy Mendiola, JC de Vera, Joko Diaz, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, at LA Santos.