Legaspi family Zoren Carmina Mavy Cassy

Legaspi family bibida sa isang serye 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGSASAMA-SAMA sa unang pagkakataon sa iisang serye ang pamilya nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, at twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Makikita sa post ng GMA Drama Facebook Page ang group photo ng Legaspi family mula sa story conference ng upcoming show na Hating Kapatid.

Base sapost, makakasama nila sa programa sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Mel Kimura at marami pang iba.