PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit lubos na mahuhusay na pambansang aquatics team sa ika-33 Southeast Asian Games mula Disyembre 9 hanggang 22 sa Bangkok, Thailand. Sinabi ng PAI Secretary General at swimming legend na si Eric Buhain na ang delegasyon—na binubuo ng mga manlalangoy, divers at mga koponan ng water …
Read More »Reig at Salazar, Kampeon sa Sprint Elite ng National Aquathlon Championships
NAMAYAGPAG sina Irienold Reig Jr. at Katrina Salazar sa sprint elite category ng National Aquathlon Championships na ginanap nitong Linggo sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.Si Reig, na nagtapos sa ikalawang puwesto sa 500-metrong bahagi ng paglangoy, ay humataw sa 2.5-kilometrong takbuhan upang makamit ang kampeonato sa men’s division sa oras na 17 minuto at 11 segundo.Pumangalawa si Juan …
Read More »
Sa Asian Open Schools Invitational (AOSI)
Swim League Philippines’ (SLP) Patriots swimmers bumida sa Bangkok meet
TAGUMPAY ang naging kampanya ng Swim League Philippines (SLP) ‘Patriots’ swimmers sa katatapos na Asian Open Schools Invitational (AOSI) sa Assumption University Aquatic Center sa Bangkok, Thailand. Hataw ang delegasyon ng bansa na kinatawan ng tatlong koponan kung saan tinanghal na overall champion ang Patriiots Luzon na pinangunahan ng magkapatid na Behrouz Mohammad Madi at Mikhael Jasper Mikee Mojdeh na …
Read More »Ato, Chua nanguna sa PAI National Open Water Tryouts; pasok sa SEA Games
CURRIMAO, Ilocos Norte — Itinatak ng Rising stars na sina Graziella Sophia Ato at Alexander Lawrence Chua ang kanilang katatagan sa 2025 Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts in Open Water Swimming Championships, na ginanap nitong weekend sa Playa Tropical Resort sa Currimao, Ilocos Norte.Ang 15-anyos na si Ato, tubong Raois, Vigan, Ilocos Sur at isang Grade 11 student sa …
Read More »2 National age-group records binasag ni Garra sa SEA Games swimming tryouts
INAGAW ng rising star na si Sophia Rose Garra ang atensyon mula sa kanyang mga batikang karibal matapos basagin ang dalawang national age-group records sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts para sa 33rd Southeast Asian Games nitong weekend sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Malate, Manila. Ang 13-anyos na protégé ng Olympian backstroker na si Jenny Guerrero mula sa …
Read More »Sanchez nanguna sa pagsisimula ng National Swimming Tryouts
PINANGUNAHAN ni Olympian Kayla Sanchez ang mga batikang campaigner habang agaw atensyon ang bagong salang na foreign-based swimmer sa pagbubukas ng 2025 National Swimming Tryouts nitong Biyernes sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. Ang 24-anyos na si Sanchez, nanalo ng relay silver medal para sa Canada noong 2020 Tokyo Olympics bago …
Read More »
Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals
PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang maiuwi ang tatlong tansong medalya mula sa katatapos na Panasonic Pan Asia 21st Hong Kong Artistic Swimming Open Championships na ginanap sa Kowloon Park Swimming Pool. Sa pangunguna ng 15-anyos na si Antonia Lucia Raffaele mula sa Lungsod ng Bacolod, ipinamalas niya ang galing at …
Read More »Diving pinatibay ng PAI program
NAKATUON ang programa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) hindi lamang para palakasin ang kampanya ng swimming bagkus maiangat ang kalidad ng mga atleta mula sa iba pang sports na nasa pangangasiwa nito sa international competition. Ibinida ni PAI Executive Director Anthony Reyes na masinsin ang liderato nina President Miko Vargas at Secretary General Eric Buhain kaakibat ang Philippine Sports Commission …
Read More »PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt
ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) para lumahok sa 60th Malaysia International Age-Group Water Polo Championships na nakatakdang Abril 18-20 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sinabi ni PAI Executive Director Anthony Reyes na ang mga batang water polo athletes ay binubuo ng competitive age-group swimmers at sumailalim sa …
Read More »Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III
Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos pumalag sa mga powerhouse teams tulad ng San Beda Swimming Team at National Academy of Sports sa ginanap na League of Champions III – Easter Special sa New Clark City, Capas, Tarlac. Ang naturang kumpetisyon ay hindi ordinaryong torneo—ito ay isang “open category” na walang …
Read More »Buhain: Balayan, magiging sentro ng swimming sa Batangas
Asahan ang mas maraming regional at national tournaments na gaganapin sa Batangas sa pagtatapos ng Balayan Aquatics Center Phase 2 construction ngayong taon. Sinabi ni Batangas 1st District Rep. Eric Buhain na ang lahat ay kasado na para gawing sentro ng swimming hub sa rehiyon ng Southern Tagalog ang Balayan, kasunod ng pagpapatayo ng isang eight-lane Olympic-size pool nitong nakaraang …
Read More »PAI youth swimming program sa Southern Tagalog tampok sa Buhain Cup
MAHIGIT 300 swimmers mula sa mga inimbitahang paaralan, member club, at local government units (LGUs) sa rehiyon ng Southern Tagalog ang nakatakdang sumabak sa Philippine Aquatics Inc. (PAI)-organized Congressman Eric Buhain Cup sa Sabado (Marso 15) sa bagong itinayong Balayan Aquatics Center sa Brgy. Caloocan, Bahay, Batangas. Sa pakikipagtulungan ng Southern Tagalog Amateur Swimming Association (STASA) at Speedo, ang isang …
Read More »Sports program mula grassroots hanggang inaasam na Olympics isinusulong ng PSC, PAI
MAGKAAGAPAY ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Aquatics, Inc. (PAI) para maisulong ang programa sa sports mula sa grassroots hanggang sa pinakamimithing Olympic slots sa 2028 Los Angeles Games. Ipinahayag ni PSC Commissioner Fritz Gaston na maayos na naiprisinta ng PAI ang kanilang programa para sa taong kasalukuyan kabilang na pagpapataas ng kalidad ng coaching, pagtukoy sa mga deserving …
Read More »Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt
MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong medalya sa bagong meet record sa 46th Southeast Asian Age Group Championships nitong Sabado sa Assumption University swimming pool sa Bangkok, Thailand. Naging bayani rin sa 11th Asian Age Group Championships sa naitalang bagong Asian junior record sa 12-14 class 100m butterfly (55.98) nitong Pebrero …
Read More »Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship
TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat na disiplina sa 46th Southeast Asian Age Group Championship, na nakatakda sa Disyembre 6-10 sa Bangkok National Swimming Center sa Bangkok, Thailand. Ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni PAI Vice President Jessie Arriola ay umalis ng Maynila nitong Miyerkules. Pinangunahan ni Asian Age Group …
Read More »Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA
Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada ng Team Philippines-E sa swimming competition kahapon sa ikalawang araw ng 2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines East ASEAN Growth Area Friendship Games (DICT-PSA BIMP-EAGA) na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa lungsod. Dinomina ni Fernandez ang women’s 100-m backstroke sa oras na …
Read More »Tan umukit ng kasaysayan sa artistic swimming
NAKUHA ng Philippine artistic swimming ang kinakailangang tulong para maipakilala ang masang Pinoy nang makamit ni US-based Filipina swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan ang tatlong medalya, kabilang ang isang ginto, sa katatapos na 18th Singapore Open Artistic Swimming Championships sa Singapore Aquatic Center. Ang 16-anyos na ipinagmamalaki ng Bacolod City ay nagbigay sa bansa ng isang pambihirang tagumpay sa …
Read More »Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend sa prestihiyosong World Aquatics-sanctioned World Cup Qualifying Series (short course) sa Singapore. Nakabawi ang mga Filipino swimmers mula sa hindi kapansin-pansing pagtatanghal sa Incheon, Korea Series noong nakaraang lingo, sa pangunguna ni 2023 Cambodia Southeast Asian Games record-holder (200m backstroke) na si Xiandi Chua na …
Read More »Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2
NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong medalya sa lima at angkinin ang Most Outstanding Swimmer (MOS) award sa premier class sa pagtatapos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) “Go Full Speedo” Swim Series Leg 2 Championships nitong Linggo sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Maynila. Ang 20-anyos na protégé ng Ayala …
Read More »Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2
NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years division ng Go Full Speedo Swim Series 2 Championships sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila noong Sabado. Si Diamante, isang Grade 9 na estudyante mula sa Augustinian Abbey School sa Las Piñas City at pangunahing manlalangoy ng …
Read More »Santor tatlong ginto sa “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Meet leg 1
NANGIBABAW ang pambato ng Betta Caloocan Swim Team na si Aishel Evangelista sa dalawa pang event upang mapatatag ang kampanya para sa Most Outstanding Swimmer (MOS) sa kanyang age class, habang ang kanyang varsity teammate na si Patricia Santor ay patuloy na nagningning sa Philippine Aquatics, Inc. “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Meet leg 1 kahapon sa …
Read More »SWIM BATTLE: A Thrilling Finale to the Swim League Philippines Season
The Swim League Philippines (SLP) concluded its season with a resounding finale, the SWIM BATTLE, held at the Muntinlupa Aquatic Center last September 7, 2024. The event showcased the country’s top young swimming talents, who battled it out for the coveted titles. Individual Highlights The 1500m freestyle event saw Aishel U. Evangelista from the Betta Caloocan Swimming Team emerge as …
Read More »Parungao, wagi sa 2024 AOSI Swimming Championships
NAKAMIT ni Ethan Joseph Parungao, iskolar ng Swim League Philippines, ang limang ginto at tatlong silver sa 2024 Asian Open Schools Invitation (AOSI) Short Course Age Group Swimming Championships. Ang kompetisyon ay ginanap sa Bangkok, Thailand noong 17-19 Agosto 2024 at nilahukan ng mahigit 600 swimmers mula sa 14 bansa sa Asya. Nasungkit ni Parungao ang medalyang ginto sa mga …
Read More »Isleta, MOS Awardee ng PAI National Trials
NAKOMPLETO ni Chloe Isleta ang halos perpektong kampanya sa isa pang mahusay na ratsada nang walisin ang kanyang huling dalawang kaganapan at tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee nitong Biyernes sa pagtatapos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials 25-meter short course sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Maynila. Hataw ang 26-anyos alumnus ng Arizona State University sa girls’ …
Read More »Fil-foreign swimmers nagparamdam sa PAI National trials
TULAD ng inaasahan, maagang nagparamdan ang mga Filipino-foreign swimmers sa pangunguna ni Filipino-American Riannah Chantelle Coleman sa pagsisimula ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 50-meter (long course) National Sports Trials nitong Huwebes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Maynila. Nalampasan ng 15-anyos na si Coleman, isang regular na campaigner sa local swimming circuit, ang 33.98 segundo Southeast Asian Age Group …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com