Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinita dahil hubad namaril utas sa parak

NAPATAY ng mga pulis ang isang lalaking sisitahin sana dahil walang pang-itaas ngunit biglag namaril sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilalang si Rodolfo Gigante, 34, jobless, at residente sa Margarita St., Happyland, Brgy. 105, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni PO2 Ryan Jay Balagtas, imbestigador ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong 2:00 am nang mamataan ng nagpapatrolyang mga pulis ng Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP), sa pangunguna ni Police S/Insp. Monico Aliado, ang suspek na walang damit na pang-itaas sa lugar.

Sisitahin sana ng mga pulis ang suspek ngunit bigla na lang naglabas ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Napilitang gumanti ng putok si Aliado na nagresulta sa pagkamatay ng suspek. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …