Friday , December 19 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

MMDA acting chair positibo sa Covid-19

Covid-19 positive

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Devlopment Authority – Public lnformation Office (MMDA-PIO), nagpositibo sa CoVid 19 si MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga. Ayon kay Sharon Demantillan ng PIO, sumalang si Dimayuga kahapon sa antigen test ngunit lumabas sa resulta na positibo sa naturang virus. Mild symptoms lang aniya ang mararamdaman ng MMDA chairman ngunit kailangan pa rin siyang sumunod sa health …

Read More »

Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama

Princess Marie Dumantay

KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan ang katawan sa madamong bahagi ng  Bypass Road, sa Brgy. Bonga Menor, bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 12 Agosto. Kinilala ng kanyang amang si Rolando Dumantay, 62 anyos, residente sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, ang biktimang si Princess Marie …

Read More »

Kagutuman lalala
PAGWAWAKAS SA GUTOM PANAGINIP NI FM JR.

Bongbong Marcos BBM Arlene Brosas Gabriela

IMAHINASYON lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangarap niyang wakasan ang gutom sa bansa. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, imbes puksain, lalong lalala ang kagutuman dahil sa panibagong pagtaas sa mga presyo ng pangunahing bilihin kagaya ng sardinas at noodles. Ani Brosas, inaprobahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at …

Read More »

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

Maine Mendoza Art Atayde

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding ng kanyang asawang si Art Atayde at ng Eat Bulaga host /actress at fiance ng anak niyang si Arjo, si Maine Mendoza. Ayon kay Sylvia, “Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isat isa hahaha. “Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. Walang humpay na tawanan, sarap …

Read More »

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

Marian Rivera Kathryn Bernardo

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan naman sa Kapuso stars na dumalo sa kaarawan ni Yan ay sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Boobay, Ana Feleo,  Sofia Andres, Triple A executives, family, friends,  at GMA bosses. Reunited sina Kathryn at Marian sa party. Si Kath ang gumanap na batang Marian sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Endless …

Read More »

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca si Ruru sa Korea habang may taping ng Running Man PH na isa ang aktor sa cast. Pero huwag ka! Kahit todo post sina Bianca at Ruru ng sweet memes nila sa kanilang social media account, abangers pa rin ang fans at netizens ng direktang kompirmasyon ng …

Read More »

Sa paglipat ng estasyon
MATTEO ISA LAMANG SA NAPAKARAMING HOST 

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

HATAWANni Ed de Leon Alam ninyo, ang paniwala namin, hindi lamang mahusay na car racer iyang si Matteo Guidicelli kundi isang mahusay na actor. Aba eh noon eh napapanood namin siya sa isang serye sa telebisyon, at sa tingin namin mas mahusay siya kaysa tunay na bida sa seryeng si Enrique Gil. Action series kasi iyon, at lumalabas ang kanyang pagiging atleta. Lumamig …

Read More »

Iza nakahabol pa kahit sa huling byahe

Iza Calzado pregnant

HATAWANni Ed de Leon TIMING ang ginawang announcement ni Iza Calzado na siya ay buntis. Kaya namin nasabing timing ay dahil siya pala ang nanay ng character na nilikha ni Mars Ravelo sa isang serye sa telebisyon. Actually napakalayo niyan sa orihinal na kuwento eh. Ang nanay pala ang totoong superhero, ipinamana lang niya sa kanyang anak. Doon sa orihinal kasi, binigyan ng kapangyarihan …

Read More »

Direk Neal Tan, tiniyak na mag-eenjoy ang mga gay at barako sa Bingwit

Neal Tan Krista Miller Conan King Drei Arias Bingwit

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG pelikulang Bingwit ang isa sa kaabang-abang sa AQ Prime na liglig, siksik, at umaapaw ang mga handog na palabas sa mga manonood. Katunayan, sa pagbubukas nito ay garantisado na sa halagang P100 ay mai-enjoy ng tatlong buwan ang panonood ng mga pelikula, programa, at pagtatanghal dito. Napakasulit ng pa-promong ito na sadyang ginawa para …

Read More »

Jhassy Busran at Heindrick Sitjar, tandem na patok sa Home I Found In You

Jhassy Busran Heindrick Sitjar

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang chemistry ng dalawang bagets na sina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar at magpapakilig sila via the movie Home I Found In You (HIFIY). Ang kanilang love team ay binansagang JhasDrick. Paano niya ide-describe katrabaho si Heindrick? Wika ni Jhassy, “He is very kind and sweet po. Very passionate sa ginagawa niya, magaan po …

Read More »

Matagal nang gustong gawin
DIREK CHITO RONO FAN NG DARNA 

Chito Roño Jane de Leon Darna

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATUTUWA ang inamin ng magaling na direktor na si Chito Rono, fan siya ng Darna. Kaya naman talagang inasam niyang maidirehe ito. Sa isinagawang media conference kamakailan ipinagtapat ng award-winning filmmaker na isa siya sa mga mga Filipinong sumubaybay sa kuwento ni Darna noong magsimula itong lumipad sa mga pahina ng komiks. Hindi pa nga ito ginagawang …

Read More »

Police Major Ricardo Dalisay, Signing Off
COCO SALUDO SA MGA NAKASAMA AT NAKATRABAHO SA FPJAP

Coco Martin Ang Probinsyano

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NASA Batangas ako noong Sabado para sa 70th birthday ng aking tito, si Boy Valdez, pero ang usapan, ukol sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano. No 1 fan kasi ang tito ko sampu ng mga kamag-anak na bisita noong hapong iyong. Anila grabe ang mga tagpo sa ending at talagang nalungkot sila sa pagtatapos ng action serye …

Read More »

Titulo idedepensa ni Quizon sa Kamatyas chess rapid tiff

Daniel Maravilla Quizon Chess

MANILA — Nakatakdang idepensa ni International Master Daniel Quizon ang tangan na titulo sa pagtulak ng Kamatyas Fide Rated Invitational Rapid Tournament 4th  Edition sa SM Sucat Building B sa Parañaque City sa darating na Sabado, 20 Agosto 2022. Kalahok sina Grandmaster Darwin Laylo at International Master Ronald Dableo, kung saan masisilayan sina International Masters Michael Concio, Jr., Chito Garma, …

Read More »

Creamline  humataw vs Kingwhale Taipei sa PVL Championship

Creamline Kingwhale PVL Cignal

HINDI naigupo ng KingWhale Taipei ang Creamline Cool Smashers nang muling makamit ang kampeonato sa Premier Volleyball League Invitation Conference sa score na 25-21, 25-19, 25-8, nitong Linggo ng gabi, 14 Agosto, sa Mall of Asia Arena. Matapos ikasa ang kanilang players sa semifinal match-up na nagresulta sa kanilang pagkatalo sa five-set game noong Biyernes, pinangunahan ni Alyssa Valdez, kahit …

Read More »

ex-vice mayor ng Lobo, Batangas binoga sa debut

TODAS sa bala ng boga ang dating bise alkalde matapos barilin habang nagbibigay ng kanyang pagbati sa isang debut party nitong Huwebes, 11 Agosto sa Sitio Cupang, Brgy. Tayuman, sa bayan ng Lobo, lalawigan ng Batangas. Kinilala ni P/Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo MPS, ang biktimang si Romeo Sulit, 61 anyos, bise alkalde ng bayan ng Lobo mula 1998 …

Read More »

Sa Bukidnon
BUS NAHULOG SA BANGIN 31 PASAHERO NAKALIGTAS

road accident

NAHULOG sa isang bangin sa Sayre Highway, sa bayan ng Manolo Fortich, lalawigan ng Bukidnon ang isang bus na may sakay na 31 pasahero nitong Sabado ng gabi, 13 Agosto. Ayon kay P/SMSgt. Larie Eco, imbestigador ng Manolo Fortich MPS, bagaman walang naiulat na namatay sa aksidente, lima sa 31 pasahero ang naiulat na bahagyang nasugatan. Sa ulat ng Manolo …

Read More »

Asunto vs Angono ex-mayor absuwelto sa Ombudsman

ombudsman

IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft, grave misconduct, at abuse of authority sa dating alkalde ng Angono, Rizal dahil sa paggamit ng lupang nasa pampang ng Laguna de Bay. Sa siyam na pahinang resolusyon, ipinawalang-sala ng Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Angono Mayor Gerardo Calderon kaugnay sa pagpapatayo ng isang pasyalan sa lupang inaangkin ng isang Cecilia Del …

Read More »

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

DANIEL FERNANDO Bulacan

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng isang linggong aktibidad para sa mga kabataang lider, edad 13 hanggang 17 anyos na kabilang sa Boy/Girl Officials 2022 upang sila ay magkaroon ng karanasang nauugnay sa mabuting pamamahala at pamumuno. …

Read More »

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

arrest posas

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 14 Agosto. Inaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Bocaue MPS, SOU3 at PNP DEG sa isinagawang buy bust operation ang suspek na kinilalang si George Orquiola, Jr., residente sa Brgy. …

Read More »

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

prison rape

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt operation sa sa bayan ng Masinloc, lalawigan ng Zambales nitong Sabado, 13 Agosto. Sa ulat na tinanggap ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagtulong-tulong ang mga elemento ng Masinloc MPS, PIU Zambales, 1st PMFC, 305th MC RMFB3, RID3 at PNP Maritime-Iba, na nagsagawa ng …

Read More »

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

Sextortion cyber

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den kung saan nadakip ang tatlo katao sa Brgy. Sta. Cruz V, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 13 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose …

Read More »

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

Road Expressway

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama ang CAVITEX infrastructure Corporation (CIC) na lalong bibilis ang biyahe mula Merville, Parañaque patungong C5 Road sa Taguig at vice versa at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) na bukas na bukas na simula kahapon, 14 Agosto, sa mga motorista — …

Read More »

Kelot timbog sa pekeng P500 bills

P500 500 Pesos

HINDI na nakalusot ang isang 31-anyos na lalaki sa ikalawang pagtatangka na magbayad ng pekeng pera, sa pagbili ng pagkain, sa Makati City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Makati City police chief, P/Col. Harold Depositar ang suspek na si Thom Jerome Pinzon,  residente sa Valenzuela City. Ayon sa ulat, dakong 7:20 pm nitong Sabado, 13 Agosto, nang arestohin ang suspek …

Read More »

Bag ng pasyente tinangay
MISTER NA WANTED ARESTADO SA VALE

Arrest Posas Handcuff

SA KULUNGAN bumagsak ang isang lalaki, matapos tangayin ang bag ng isang babaeng out-patient sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Lt. Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 anyos, ng Balubaran, Brgy. Malinta, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong Theft. Ayon sa ulat, naiwan ni Eloisa Santos, 48 anyos, ng Brgy. …

Read More »