GUSTO natin manawagan kay Mayor Herbert “Bistek” Bautista dahil sa talamak at hindi namamatay na isyu ng syndicated squatting sa Quezon City. Hindi po natin dito pinag-uusapan ang mga squatter na kaya nag-i-squat ay dahil walang trabaho at walang kakayahang umupa kahit sa maliit na entresuelo. Ang tinutukoy po ng ating impormante at nagrereklamong biktima, na higit kalahating siglo nang …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
NBI inatasan ni PDU30 vs grafters sa gobyerno
MAG-INGAT ang mga corrupt sa BoC, BIR, LGUs, DPWH, Immigration, LTO, PNP at AFP at sa ibang ahensiya ng gobyerno dahil seryoso si Pangulong Duterte na pairalin ang kamay na bakal, makaraang sibakin si Atty. Arnel Alcaraz dahil sa sumbong na katiwalian at extortion. Kaya ‘yung mga corrupt sa customs lalo sa Section 15 at sa Section 13 na dinaraanan …
Read More »Mga anomalya sa Manila City Jail (MCJ)
IBINULGAR sa atin ng isang impormante ang mga karumal-dumal na anomalyang sinasabing nagaganap sa loob ng BJMP Manila City Jail (MCJ) sa pamamagitan mismo ng mga detainee at mga kawani ng nasabing institusyon. Ayon kay Godo (hindi tunay na pangalan), ang anomalya ay nagmumula sa mga cellphone ng mga inmate na sinasabing binabayaran sa mga awtoridad sa halagang P500 para …
Read More »Pacman umaming kailangan niya ng pera (Sa Pacquiao-Vargas championship)
INAMIN ng Pinoy boxing icon at kasalukuyang senador Manny Pacquiao na bahagi ng dahilan ng kanyang pagbabalik sa ring mula sa maikling pagreretiro ay dahil sa pera -— kahit naibulsa niya ang mahigit US$100 milyon sa paglaban niya kay Floyd Mayweather Jr. Sa katunayan, itinuturing si Pacquiao bilang isa sa highest-earning athlete sa kasaysayan ng professional sports, ngunit, inaamin din …
Read More »PacMan tumimbang ng 144.8 pounds (Vargas 146.5 lbs)
SAPOL ni Philippine senator Manny “Pacman” Pacquiao ang ideyal na timbang na 144.8 pounds sa opis-yal na weigh-in kahapon sa Encore Theatre sa Wynn Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, USA. Samantalang si Jessie Vargas ay may bigat na 146.5 pounds. Hahamunin ni Pacman ang kampeon ng WBO welterweight para sa korona ngayong linggo sa Thomas & Mack Center …
Read More »Pacquiao iiskor ng KO
MALAKI ang tiwala ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na uupak si eight-division world champion Manny Pacquiao ng knockout win laban kay WBO welterweight champion Jessie Vargas. Sa interview ng ‘On the Ropes’ boxing radio sinabi ni Roach kahit kampeon si Vargas wala siya sa ka-lingkingan ni Pacquiao. “I know he’s won a couple of world titles and so …
Read More »Pacquiao handa kay Vargas
KUMPLETO na ang paghahanda ni Manny Pacquiao para sa kanyang WBO welterweight fight kay champion Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Linggo (Manila time). Marami ang nag-aabang kung anong klaseng istilo ng laban ang gagamitin niya kontra Vargas. Ayon sa mga nakapaligid kay Pacquiao, ang istilo ng laban na gagamitin niya ay yung ginawa niya sa laban kina …
Read More »Vargas bagsak sa 6th round (Prediksiyon ni Gen. Bato sa laban ni Pacman)
LAS VEGAS – Binisita ni PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon (PH time) si Manny “Pacman” Pacquiao sa huling dalawang araw na pagsasanay ng senador para sa laban kay Jessie Vargas. Si Dela Rosa ay nagtungo sa US kasama ng kanyang anak na si Rock upang panoorin ang laban ni Pacquiao nang “live” sa Nobyembre 5 (US time) …
Read More »Katutubong karunungan gagamitin sa mga isyu ng kalikasan at kaligtasan
NAGKASUNDO ang higit 100 kinatawan ng mga pangkat etniko ng bansa sa pagkasa ng kapasiyahan hinggil sa kalikasan at kaligtasan sa nagdaang Pambansang Summit sa Wika ng Kaligtasan at Kalikasan nitong 26-28 Oktubre 2016, sa Philippine High School for the Arts, Bundok Makiling, Los Baños, Laguna. Batay sa Kapasiyahan Blg. 1-2016, gagamitin ang katutubong karunungan “upang mapangalagaan ang kalikasan, at …
Read More »Propesor mulang UP Diliman, kauna-unahang nagwagi sa Sali(n) Na! para kay Heneral Luna
Si Dr. Teresita A. Alcantara, propesor ng Español at Filipino sa UP Diliman, ang kauna-unahang nagwagi sa timpalak sa pagsasalin ng KWF, ang Sali(n) Na! Pinarangalan ang kaniyang Mga Impresiyon, salin ng Impresiones ni Antonio Luna noong 28 Oktubre 2016, sa NISMED Auditorium, UP Diliman, Lungsod Quezon. Tatanggap si Alcantara ng P50,000.00 at karapatang mai-limbag sa ilalim ng Aklat ng …
Read More »Kidnap plan sa Cebu kinompirma ng Palasyo
INAMIN ng Palasyo na may ulat ng banta nang pagdukot sa Cebu makaraan maglabas ng travel advisory ang US Embassy sa kanilang mga mamamayan na iwasan magpunta sa Southern Cebu dahil sa banta ng kidnapping. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mayroong ulat ang pulisya hinggil sa planong pagdukot sa mga dayuhan ngunit kasalukuyang bina-validate pa ito ng mga awtoridad. …
Read More »KFR sa Binondo aktibo — Digong
AKTIBO ang kidnap-for-ransom syndicate sa Binondo, Maynila mula nang ilarga nang todo ng administrasyong Duterte ang kampanya kontra-droga. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Regional Convention sa Manila Hotel kagabi, lumipat sa operasyon ng kidnap-for-ransom ang drug syndicate. Sa katunayan aniya ay anim na kaso ng KFR ang naitala sa nakalipas …
Read More »De Lima kinasuhan ni Jaybee Sebastian
PORMAL nang naghain ng reklamo sa Department of Justice ang kampo ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian laban kay Senador Leila de Lima. Ang patong-patong na reklamo ay inihain ng kanyang abogado na si Atty. Eduardo Arriba kasama ang maybahay ni Sebastian na si Roxanne Sebastian. Reklamong paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA …
Read More »Bangsamoro Transition Commission kasado na
LALAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order sa Lunes, Nobyembre 7, ang pagbuo ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) para magkaroon ng tsansa ang iba pang grupo sa Mindanao na lumahok sa prosesong pangkapayaan sa Mindanao. Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ang positibong pagtugon ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari ang …
Read More »3-anyos FilBrit twins patay sa sunog sa Cebu
CEBU CITY – Patay ang 3-anyos Filipino-British twins nang masunog ang kanilang dalawang palapag na bahay sa Acacia Place Subdivision, Salvador Extension Labangon, Cebu City, dakong 3:15 am kahapon. Habang ligtas ang ina ng kambal na si June Myatt, 35, at ang kasambahay nilang si Lovelyn Espender, 18-anyos. Ayon sa fire investigator na si SFO1 Rogelio Nabalos, natagpuang walang malay …
Read More »Pananagutan ni Misuari sa Zambo siege mananatili – AFP
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi makalilimutan ang naging pananagutan ni MNLF founding chairman Nur Misuari sa madugong Zamboanga siege noong 2013. Ito’y kahit inaprobahan pansamantala ng korte na huwag siyang arestuhin. Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, may tamang pagkakataon para sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima nang marahas na insidente. Sinabi ni Padilla, …
Read More »Paratang vs Malaysia personal opinion ni Misuari — Palasyo
PINAWI ng gobyerno ang pangambang magkakaroon ng lamat sa pagitan ng Filipinas at Malaysia kasunod ng paratang ni MNLF chairman Nur Misuari. Magugunitang kamakalawa, sa loob mismo ng Malacañang kaharap si Pangulong Rodrigo Duterte, tahasang inakusahan ni Misuari ang Malaysia na sangkot sa kidnapping for ranson. Inihayag ni Misuari, balang araw sasampahan niya ng kaso sa International Criminal Court (ICC) …
Read More »Rep. Pichay panagutin sa illegal mining — NDF
DAPAT managot ang sagadsaring corrupt na o-pisyal ng pamahalaan gaya ni Surigao del Sur First District Rep. Prospero “Butch” Pichay sa paglapastangan sa kalikasan sa rehiyon ng CARAGA at talamak na paglabag sa batas. Sa kalatas ng National Democratic Front- North Eastern Mindanao Region (NDF-NEMR), si-nabi ng tagapagsalitang si Maria Malaya, patuloy ang operasyon ng Claver Mining and Development Corporation …
Read More »5 todas sa death squad sa Caloocan
LIMA katao na hinihinalang sangkot sa droga, ang namatay makaraan atakehin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang dalawa sa mga napatay na sina Jay-M Soriano, 17, at Jefferson Beltran, 21, pinagbabaril ng mga suspek sa Berong St. dakong …
Read More »Suspensiyon vs JV kinatigan ng SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court ang suspension order ng Sandiganbayan kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito kaugnay sa kinahaharap ni-yang graft case dahil sa maanomalyang pagbili ng matataas na kalibre ng baril noong 2008. Iginiit ng Supreme Court first division, walang nilabag ang Sandiganbayan fifth division sa pagpataw ng 90 araw suspensiyon sa senador noong Agosto. Bukod kay Ejercito, dawit sa …
Read More »EO sa nationwide firecracker ban, ipinarerepaso ni Duterte
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DoH) na pangunahan ang pag-aaral sa panukalang executive order na may layuning magpatupad ng nationwide firecracker ban. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa isinagawang cabinet meeting kamakalawa, pinatitiyak ng Pangulo na matugunan ang pagkawala ng trabaho ng mga umaasa sa paggawa ng mga paputok kapag ipinatupad ang firecracker ban. Hiindi …
Read More »2 obrero todas, 7 sugatan nang madaganan ng truck at backhoe
GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay ang da-lawang construction worker habang pito ang sugatan nang madaganan ng 10-wheeler truck na may kargang backhoe at mga materyales, pasado 10:00 pm kamakalawa. Ayon sa ulat, nawalan ng break ang cargo truck nang kumurba sa Buayan Bridge Malandag sa Malu-ngon, Sarangani, kaya nahulog sa matarik na bangin. Idineklarang dead-on-arrival sa Malungon Municipal …
Read More »Mag-asawa itinumba sa Las Piñas
TINADTAD ng bala ng tatlong armadong lalaki ang isang mag-asawa kahapon sa Las Piñas City. Kinilala ang mga biktimang sina Jose Bongalon Sr., 60, at Marilou, 58, kapwa ng Molave St., Samantha Village, Brgy. Talon 5 ng nasabing lungsod. Base sa ulat kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 5:45 am kagagaling lamang ng mag-asawa …
Read More »2 patay sa anti-drug ops sa Navotas
BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki makaraan pumalag sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Navotas City kamakalawa. Kinilala ang mga na-patay na si Emmanuel Villa alyas Emman, 35-40 anyos, at alyas Arnie, habang tinutugis ang isa pa nilang kasama na si June Menioso. Batay sa ulat nina PO2 Phillip Edgar Valera at PO1 June Paolo Apellido, dakong 4:00 pm …
Read More »Flood alert nakataas sa Bicol iba pang lugar
NAKATAAS ang heavy rainfall at flood warning sa mga lalawigan ng Camarines Norte at Sorsogon dahil sa interrtropical convergence zone (ITCZ). Ang ITCZ ay nagsasalubong na hanging may magkakaibang direksiyon at temperatura na karaniwang pinagmumulan ng low pressure area (LPA) at bagyo. Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang naitatalang ulan sa Bicol region. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com