Thursday , June 4 2026

NBI inatasan ni PDU30 vs grafters sa gobyerno

MAG-INGAT ang mga corrupt sa BoC, BIR, LGUs, DPWH, Immigration, LTO, PNP at AFP at sa ibang ahensiya ng gobyerno dahil seryoso si Pangulong Duterte na pairalin ang kamay na bakal, makaraang sibakin si Atty. Arnel Alcaraz dahil sa sumbong na katiwalian at extortion.

Kaya ‘yung mga corrupt sa customs lalo sa Section 15 at sa Section 13 na dinaraanan ng resin sa Port of Manila ay dapat isalang sa lifestyle check, ganoon din ang X-ray sa MICP na talamak ang walang bukasan if the price is right.

Unahin na umano ang isang Daytona na malaki ang mansion sa Las Piñas.

Marami kasing garapal kaya ingat kayo dahil minamatyagan kayo ng NBI sa kautusan ni Director Dante Gierran.

Inuumpisahan na sa hanay ng mga corrupt sa Immigration (ang dami riyan), sa Customs, BIR, DPWH, PAGCOR, LTO, DENR at ‘yung mga nag-iimbestiga kuno laban sa corruption gaya ng RIPS ng finance na nagpayaman din sa pag-iimbestiga.

Matatandaan na kinasuhan ang dating namumuno sa Finance. Kaya nga magbubuo ang NBI ng task force para tutukan ang mga corrupt sa gobyerno partikular na iyong matatakaw sa assessment at ilang buwaya.  Walang sisinohin si Director Gierran, masagasaan ang masagaan kaya kung may alam kayo ay magsadya sa tanggapan ng NBI, para ma-evaluate ang mga sumbong ninyo.

Karamihan ng isinalang sa lifestyle check ay mga abogado sa BoC na garapal gaya ni Atty. Turs, Atty. Lang  at Atty. Win, pandak na pawang mga bihasa sa blackmail laban sa mga negosyante.

Kunwari audit. ‘Yun pala audit ng bulsa nila. Sabi ng mga abogado, malakas sila sa NBI at ‘di sila maiimbestigahan.

Tingnan lang natin.

***

Siyanga pala, happy anniversary sa NBI!

Sa gaganaping pagdiriwang nabatid natin na isa si Hataw publisher Jerry Yap, ang aming big boss, ang isa sa mga guest of honor.

Ganoon din sina Miss Marilou Reyta, Miss Kat San Luis Fessler at FBI Special Agent Lamont Seller.

Guest speaker sina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Chiz Escudero.

Habang maglulunsad ng art exhibit ang participating art groups ng Angono, Rizal, Bicol Expression Art Group, United Women Artists Association of the Philippines, at NBI Artists Group.

Sa gaganaping photo exhibit at art clinic workshop competition, isa sa mga judges si big boss Jerry Yap.

Ito lang ang masasabi natin sa NBI, isa kayo sa best sa pamumuno ni Director Atty. Dante Gierran at siyempre ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapwa natin hinahangaan ang dalawa ganoon din ang kaibigan na si Ferdinand Galido, leader ng PDP Laban ng Davao at isa sa malalapit sa Pangulo at kay Mr. Bong Go.

Kasama rin nila si Teddy Garcia, Executive Assistant ng OD, na taga-Davao rin.

***

Congratulations sa mga bagong talagang opisyal ng BoC na may integridad gaya nina Depcom Ariel Nepomuceno, Depcom Atty. Raval, Collector Atty. Jet Maronilla, Depcom Ecarma, at NAIA district collector Ed Macabeo.

Sila ang ilan sa mga tinatawag na may integridad at No. 1 public servant sa BoC.

God bless us all.

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …