INIULAT ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), tinatayang umabot sa 1.4 milyong deboto ang nakibahagi sa prusisyon ng itim na Na-zareno sa lungsod ng Maynila. Ang nasabing datos ng NCR police ay batay sa mga dumalo mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, nagsimula ng 5:30 am hanggang 2:00 pm kahapon. Sa bagal ng andas dahil sa kapal ng …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
Duterte nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno
NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng Pista ng Poong Nazareno kahapon. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte, hanga siya sa matinding pananampalataya ng milyong deboto ng Black Nazarene, na puspusan ang pagpapaha-yag ng pasasalamat, pe-tisyon at sakripisyo. Ayon kay Pangulong Duterte, ang ganitong pagpapakita ng pana-nampalataya at walang kapagurang taimtim na pagdarasal ay kahalintulad nang masidhing kampanya …
Read More »1-km radius signal jam sa andas — PNP-NCR (Malacañang complex apektado rin)
IPINATUPAD ang one kilometer radius signal jamming sa mobile phones mula sa andas at no-fly zone sa ibabaw ng Quiapo at karatig-lugar sa Maynila kahapon. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo sa traslacion ng Itim na Nazareno. Kaugnay nito, nananatili ang assesment ng Philippine National Police (PNP) na walang “clear at present danger” sa traslacion ng Itim …
Read More »Walang chopper sa aerial monitoring (Gen. Bato desmayado)
DESMAYADO si PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa dahil walang chopper ang PNP para sa pagsasagawa ng aerial monitoring para maobserbahan ang traslacion. Sinabi ni Dela Rosa, wala nang pakinabang ang mga segunda-manong choppers ng PNP na binili noong 2009. Ayon kay PNP chief, “beyond economic repair” na ang dalawang Robinsons choppers, ibig sabihin ay mas magastos pang ipagawa …
Read More »PNP chief pinagkaguluhan sa traslacion
INIKOT ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang mismong Andas o karosa ng Poong Nazareno upang inspeksiyonin at personal na makita ang situwasyon sa isinagawang traslacion kahapon. Ngunit pinagkaguluhan siya ng mga deboto nang makita siya sa lugar. Kanya-kanyang kuha ng larawan ang mga deboto sa PNP chief. Nasa ilalim ng Quezon Boulevard ang Andas nang magtungo si …
Read More »Kung puwede lang… Genocide vs drug addicts wish ni Digong
KUNG hindi lang labag sa batas at malaking eskandalo sa international community, gusto sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ng genocide o malawakang pagpatay sa drug addicts sa Filipinas. Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, hindi na naman naikubli ni Pangulong Duterte ang ngitngit sa mga drug addict dahil sayang aniya …
Read More »Bloggers etsapuwera sa Pres’l Task Force on Media Security
KAHIT malagay sa panganib ang kanilang buhay, hindi sakop sa ipagkakaloob na seguridad ng gobyerno ang bloggers o ang netizens na nagmamantina ng sariling website para ilathala ang kanilang mga opinyon at saloobin. Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco sa isang chance interview sa Palasyo bago ang mass oath taking sa …
Read More »US14-M grant ng China ibibili ng Bangka (Hindi armas)
GENERAL SANTOS CITY – Hindi na bibili ng dagdag na mga armas ang gobyerno sa $14 milyon grant na ibibigay ng China sa Filipinas. Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorezana kahapon. Ayon sa kalihim, nauna nilang plano ang pagbili sana ng maraming armas para sa mga CAFGU at sa mga pulis ngunit hindi na itutuloy dahil marami pang …
Read More »Nicolas-Lewis persona non-grata sa PH?
BAHALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maghain ng diplomatic protest sa US Embassy laban kay Fil-Am billionaire Loida Nicolas-Lewis at ideklara siyang persona non grata sa Filipinas dahil sa pagpopondo at pag-uudyok ng destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr., sa isang chance interview kahapon sa Palasyo, hindi tama ang …
Read More »Biktima ni Nina tutulungan ng TESDA
TUTULUNGAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga biktima ng Bagyong Nina upang muling makabangon sa kanilang masamang karanasan. Ang mga naging biktima ng bagyo ay isasailalim sa community-based training program at training con production na ilalaan para mu-ling maitayo ang mga kabahayan. Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, kasalukuyan nang iniisa-isa ng mga …
Read More »Libreng rehabilitasyon isinusulong ni speaker Alvarez
NANAWAGAN si House Speaker Pantaleon Alvarez na suportahan ang iba’t ibang samahan na nagkakaloob ng libreng rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na droga. Aniya, ito ay upang mapanatili ang pagtatagumpay sa mahigpit na kampanya ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot. Nais din ng speaker na mai-salba ang mga kabataan sa posibilidad ng pagkasugapa sa droga at …
Read More »2 patay sa truck vs motorsiklo sa Cagayan
TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawa katao sa banggaan ng truck at motorsiklo sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Joey Balisi at Ryan Sonido, kapwa residente ng Solana. Ayon sa mga awtoridad, nag-overtake ang truck na minamaneho ni Jerome Erjas sa isang sasakyan kaya niya nabangga ang kasalubong na motorsiklo na sakay ang dalawang biktima. …
Read More »Bebot todas sa tandem
BINAWIAN ng buhay ang isang 30-anyos babae makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang tiyuhin kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay si Melanie Bayani, ng 193 Natividad St., Brgy. 81 ng nasabing lungsod. Patuloy ang follow-up investigation ng mga pulis u-pang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay sa biktima. Ayon …
Read More »19-anyos ex-con itinumba sa Pasay
PATAY ang isang 19-anyos bagong laya sa kulungan makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Lawrence Coop, ang biktimang si Noel Maraya Jr., ng 12 Mars St., Arroville Sun Valley, Brgy. 198, Zone 20, ng nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, dakong 2:30 am, naglalakad ang biktima sa Sun Valley Drive, …
Read More »Obrero inutas sa harap ng pamilya
PATAY ang isang construction worker makaraan pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin sa harap ng kanyang pamilya ng apat na hindi nakilalang mga suspek sa Valenzuela City kamaka-lawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Tito Siervo, 32, ng Block 17, Lot 2, Northville 2 A, Canumay West ng lungsod. Ayon kay S/Supt. …
Read More »10-anyos nene patay sa sakal ng ‘rapist’ (Walang banyo dumumi sa tabi)
BACOLOD CITY – Natagpuang patay ang isang 10-anyos batang babae makaraan sakalin ng isang lala-king hinihinalang tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa sa lungsod ng Cadiz, Negros Occidental. Mismong ang ina ng biktima ang nakakita sa bangkay sa damuhan, 100 metro ang layo sa kanilang bahay bandang 1:45 pm. Ito ay kasunod nang paghahanap makaraan ipabatid ng kambal ng biktima na …
Read More »Barbie Forteza nahanap kay Addy Raj ang katapat
SABI ni Direk L.A. Madridejos, sobra raw ang pagka-hyper ni Barbie Forteza na kahit sa kadaldalan, hindi siya matalo-talo ninuman. But for Barbie herself, tila nakahanap na siya ng katapat niya pagdating dito — ang isa sa mga leading men niya sa upcoming GMA Primetime series na Meant To Be na si Addy Raj. Inilarawan niya kasi si Addy na …
Read More »Career ni Sharon, bumobongga na naman
MAGIGING bongga pala ang taong 2017 para sa Megastar na si Sharon Cuneta, magiging busy siya sa kanyang career. Bukod sa pagiging jury ng Your Face Sounds Familiar (Kids edition) ay muli siyang magiging jury sa The Voice Kids Teen Edition plus balik-recording. Ginawa niya na ang unang single mula sa Star Music, ang Hanggang Dulo, na napapanood na sa …
Read More »Oro, flop na, binawian pa ng permit to exhibit
ANG daming delayed reaction doon sa ginawang “dog slaughter” sa isang pelikula sa MMFF. Minsan naaawa na rin kami sa director at producers ng pelikulang iyon, dahil hindi lamang pinigil ang showing ng kanilang pelikula habang hindi nila naaalis ang eksena na malupit na pinatay ang isang aso, banned pa sila sa film festival sa susunod na pagkakataon kung mayroon …
Read More »Tamang desisyon ang muling pag-aasawa ni Camille
MATAGAL na naming inaasahan iyan, pero noong isang araw, natuloy na ang muling pagpapakasal ni Camille Prats sa kanyang matagal ng manliligaw, na si John Yambao. Marami rin naman ang natuwa sa nangyaring iyan. Alam naman nila ang naging buhay ni Camille. Na-in love siya at nagpakasal sa naging boyfriend niya noong si Anthony Linsangan, pero makalipas lamang ang mga …
Read More »Pagka-creativity ni Heart, ipinakikita rin sa Instagram account
NATUTUWA kami kay Heart Evangelista especially sa mga post niya sa Instagram. Bukod kasi sa interesting ang ipinopost niya, creative pa ang mga ito. Example na nga lang ay nang akalain namin na gym buddy na niya ngayon ang pusa. ‘Yun pala, gusto lang niyang isama sa kanyang shoe-fie. Nakaaaliw dahil kita mo ang pagka-creativity ng aktres kahit ano man …
Read More »FPJ’s Ang Probinsyano, pinakapinanonood na programa
SA buong taon ng 2016 mula Enero hanggang Disyembre, nanguna at pinanood sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN sa pagtala nito ng average audience share na 45%. Ito ay base sa datos mula sa multinational audience measurement provider na Kantar Media. Nanguna sa lahat ng time blocks ang ABS-CBN, lalo na sa primetime (6:00-12 …
Read More »Keempee, ‘di pa rin alam (hanggang ngayon) kung bakit inalis at kung kailan makababalik sa Eat Bulaga!
FEELING ni Keempee De Leon ay tinabla raw siya ng Eat Bulaga. Hanggang ngayon ay hindi raw niya alam ang dahilan kung bakit hindi –pa siya nakababalik sa noontime show. Nagpaalam naman daw siya ng maayos noong gawin niya ang seryeng Little Nanay at pinayagan naman siya na babalik pagkatapos ng serye. Mabuti na lang at may bago raw siyang …
Read More »Edgar Allan, uunahin muna ang pamilya at career; Lovelife, ayaw pag-usapan
IGINIIT ni Edgar Allan Guzman na uunahin na niya ngayon ang kapakanan ang kanyang career at pamilya. Bunsod ito ng mga negatibong naglalabasan na hindi umuusad ang career ng actor at kapag in-love ay nagiging pasaway. Ito ang sinabi sa amin ni EA (tawag kay Edgar Allan) sa one on one interview sa kanya matapos ang Q and A ng …
Read More »EA, tikom ang bibig sa napapabalitang GF na si Shaira Mae
Sa kabilang banda, umiwas namang pag-usapan ni EA ang nababalitang relasyon niya kay Shaira Mae dela Cruz. Naibalita kasi rito ng isa naming kolumnista na nakita niyang magkasamang nanood ng sine sina EA at Shaira. “Hindi naman po siya kasama rito eh, ha ha ha. Okey na po ‘yun.” At nang usisain namin ang kanyang lovelife, sinabi nitong, ”Ayaw ko …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com