Wednesday , December 17 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Sharon at Robin, muling magsasama sa pelikula

KASABAY ng kompirmasyong may pinagdaraanan, sinabi rin ni Sharon Cuneta sa presscon ng pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na ini-release ng Star Cinema at mapapanood na sa Setyembre 6 na magsasama sila ni Robin Padilla sa isang pelikula. SHARON & ROBIN Coming back to you on the big screen in NOVEMBER 2017!!! A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on …

Read More »

Pagiging prangka at straightforward ni Edward, feel ni Maymay

NAPAKA-SUWERTE ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber dahil simula nang lumabas sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 ay agad silang nabigyan ng pelikula ng Star Cinema na sila ang magbibida. Ito ay ang Loving In Tandem, isang romantic-comedy na ipalalabas na sa Setyembre 13. Makakasama ng MayWard ang isa ring tinitiliang loveteam nina Kisses Delavin at Marco Gallo. Ang …

Read More »

Bayani Agbayani mas naka-focus sa kanyang craft

IPINAHAYAG ni Bayani Agbayani na mas seryoso na siya sa kanyang trabaho ngayon bilang komedyante. Aniya, naka-focus siya sa kanyang craft at mas pinag-aaralan niya ito ngayon. “Nakita ko na it’s about time na kailangan ay mabago rin iyong itsura ko sa screen. Kasi, sa tinagal-tagal ko na rin sa industriya, may sawa factor din e, kapag hindi ka nagbago …

Read More »

Si Harvey at ang Pinoy

NAKARAAN na ang daluyong na si Harvey sa Texas, USA at nagsimula na ang pagbangon ng Houston, isa sa mga lungsod sa sobrang nasalanta ng bagyo at dito ay nasaksihan ng Usaping Bayan ang maganda at masamang kaugalian ng mga Filipino. Sa kabutihang palad ay walang naiulat na Filipino o di kaya’y Filipino-American na nasawi dahil kay Harvey bagamat marami …

Read More »

Ex-TIEZA chief Mark Lapid hinahabol sa kuwestiyonableng pagbebenta ng Paskuhan Village

HINDI na pala pag-aari ng gobyero ang Paskuhan Village na matatagpuan sa Dolores, San Fernando, Pampanga. Naibenta na pala ito ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) na dating pinamumunuan ni Mark Lapid sa Premier Central Incorporated. Ang Paskuhan Village ay isang theme park sa Pampanga na ang makikita ay iba’t ibang parol, Christmas tree, pailaw at iba pang …

Read More »

Alituntunin sa imported na semento rerepasohin ng DTI

MATAPOS mabunyag ang barko-barkong semento na sinasabing ipinupuslit ng anak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson Jr., na si Pampi Jr., sa bansa, naalarma ang Department of Trade and Industry (DTI). Mismong si DTI Secretary Ramon Lopez ay nagsabi na rerepasohin ng pamahalaan ang kasalukuyang mga alituntunin at regulasyon sa pag-aangkat ng semento. Kasunod ito ng nagaganap na kaguluhan sa hanay …

Read More »

P1,000 budget ng ERC sa 2018 aprub sa Kamara

SA sorpresang hakbang, inaprobahan nitong Martes ng Kamara ang P1,000 budget ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa 2018. Sa ginanap na plenary deliberations, isinulong ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat bilang isponsor, ang P1,000 budget para sa ERC. “I am here to sponsor the budget of the ERC and we are sponsoring the budget of P1,000 for the ERC …

Read More »

15 pulis sinibak (Sleeping on-duty)

SINIBAK sa puwesto ang 15 pulis makaraan mahuling natutulog sa presinto ng Gagalangin sa Tondo, Maynila, nitong 23 Agosto. Sa mga retrato na inilabas ng National Capital Region Police Office (NCRPO), makikita ang mga tulog na pulis. Kuha ito ng isang complainant na dumulog sa NCRPO, dahil bukod sa hindi tinugunan ang kanyang idinulog na reklamo sa nasabing presinto, pinagalitan …

Read More »

Bato muling umiyak sa Senate probe

HINDI napigilan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mapaluha makaraan akusahan ang pulisya na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang lahat ng mga adik at mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ayon kay dela Rosa walang kaatotohanan ang akusasyong ito laban sa Pangulo at sa pulisya. Iginiit ni dela Rosa, …

Read More »

4 patay, 5 sugatan sa tama ng kidlat sa Bacoor, Cavite

kidlat patay Lightning dead

PATAY ang apat katao makaraan tamaan ng kidlat sa Bacoor, Cavite, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Darlo Rufin, 16; Jover Polistico Boldios, 35; Chris Sabino, 31, at isang alyas Jaypee Deramos. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag na tinamaan ng kidlat ang tatlo sa mga biktima habang nasa loob ng isang kubo malapit sa dagat …

Read More »

EJKs ‘bala’ sa 2019 polls (Ikakarga sa drug war) — Santiago

NAGBABALA si Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Dionisio Santiago, tataas pa ang bilang ng extrajudicial killings hanggang sa 2019 midterm elections. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, binigyan-diin ni Santiago na ikakarga ng mga politiko sa drug war ng administrasyong Duterte ang mga pagpapatay sa mga katunggali o kakampi upang makalusot sa pananagutan. Magagamit aniyang isyu ang EJKs na kagagawan …

Read More »

Digong bumanat: ‘Piyok’ sa EJKs ‘misyon’ ni Risa

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 5, 2017 at 12:05pm PDT GINAGAMIT sa politika ni Sen. Risa Hontiveros ang isyu ng extrajudicial killings (EJK) bilang ‘misyon’ na banatan si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, labis na nasaktan si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa akusasyon ni Hontiveros na policy …

Read More »

Tatlong ‘hiling’ ibinigay kay Jennifer Dalquez sa UAE death row

BIBIGYAN ng tatlong kahilingan ang overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez, 30 anyos, para mabigyan ng kabuhayan at proteksiyon ang kanyang pamilya gayon din sa pagdalaw sa kanyang dalawang supling habang siya’y nakapiit sa United Arab Emirates, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) office of migrant workers affairs director Rose Fangco. Nasagip sa parusang kamatayan si Dalquez, …

Read More »

2 bagets tiklo sa damo

ARESTADO ang dalawang menor-de-edad makaraan mahulihan ng hinihinalang marijuana sa isang mall sa sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa Moriones police station, pumasok sa mall ang Grade 11 at Grade 10 na estudyante pasado 10:00 ng gabi. Nakuha sa isa sa mga suspek ang teabag at tube na pinaglagyan ng droga nang kapkapan ng security guard ng …

Read More »

100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong

fire sunog bombero

UMABOT sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall C/Insp. Ro-berto Samillano, Jr., dakong 1:30 am nang magsimula ang sunog sa Block 37, Brgy. Additionhills ng nabanggit na lungsod. Napag-alaman, nagsimula ang apoy sa inuupahang bahay ng isang nagngangalang “Joy” na pag-aari …

Read More »

‘Yuppie’ nireyp ninakawan ng katagay (Nakilala sa gimikan)

rape

DALAWANG beses nang ginahasa, ninakawan pa ang isang 29-anyos young professional (yuppie) ng isang lalaking nakilala sa gimikan sa Antipolo City, kamakalawa ng madaling-araw. Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Mike Guzman, 25- anyos, nakatira sa Volleygolf Subd., Brgy. Mambugan, sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ni PO3 Jasmine Menor, unang nangyari ang panghahalay sa biktimang si “Rodora” …

Read More »

2 barker binistay sa Maynila

gun dead

BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang barker ng pampasaherong jeep makaraan pagbabarilin ng ‘di kilalang riding-in-tandem sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Anthony Gonzales, 48, residente sa 2091 Raxabago St., Tondo, at Benjamin Dela Roma 27, residente sa 1469 Metrica corner Simoun streets., Sampaloc, kapwa barker ng pampasaherong jeep. Sa ulat ng Manila …

Read More »

9 patay sa Japanese encephalitis — DoH

UMABOT na sa siyam katao ang binawian ng buhay bunsod ng Japanese encephalitis ngayong taon, pagkompirma ng Department o Health (DoH) kahapon. Apat sa mga biktima ay mula sa lalawigan ng Pampanga, dalawa mula sa Zambales, habang ang tatlo ay naitala sa Pangasinan, Laguna, at Nueva Ecija. Ang mga biktima ay kabilang sa 133 pasyenteng na-diagnose na may mosquito-borne disease …

Read More »

Smoking ban paiigtingin sa Caloocan

yosi Cigarette

KAUGNAY sa Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte, inumpisahan na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pagpapaigting sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar lalo sa loob ng Caloocan City Hall. Sa flag raising ceremony, sinabi ni Mayor Oscar Malapitan, isang smoker sa loob ng mahabang panahon, maging siya ay hindi na maninigarilyo kapag nasa mga pampublikong lugar, …

Read More »

Bagyong Kiko nabuo sa Baler

ISA nang tropical depression ang low pressure area na naispatan sa Baler, Aurora at tinawag na “Kiko,” ayon sa weather bureau PAGASA nitong Lunes. Sa 5:00 pm advisory, sinabi ng PAGASA, ang sentro ng tropical depression ay tinatayang 490 kilometers east ng Casiguran, Aurora. May taglay na lakas ng hangin hanggang 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 65 …

Read More »

DND naalarma sa hydrogen bomb test ng NoKor

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang Department of National Defense hinggil sa isinagawang hydrogen bomb testing ng North Korea, sinabing nagpatindi ito ng tensiyon sa Asia. “The Department of National Defense is greatly concerned with the latest hydrogen bomb test conducted by the Democratic People’s Republic of Korea,” ayon sa DND. “The proliferation of this weapon increases the tension not only in …

Read More »

Pari na nagdala ng 13-anyos sa motel, kinasuhan na

SINAMPAHAN ng 13-anyos dalagita ng kasong kriminal nitong Lunes ang pari na inaresto makaraan dalhin siya sa isang motel sa Marikina City noong Hulyo. Inihain ng dalagita kay Assistant State Prosecutor Romeo Galvez ang sworn statement na nag-aakusa kay Msgr. Arnel Fuentes Lagarejos ng “qualified trafficking in persons.” Kabilang din sa kinasuhan ang apat indibidwal na sinasabing nagbugaw sa dalagita …

Read More »

Vice mayor ng Puerto Princesa timbog sa raid (Droga, baril nakompiska)

arrest prison

ARESTADO si Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III makaraan makompiska sa kanyang bahay ang ilang armas at pakete ng hinihinalang droga, nitong Lunes. Ayon sa ulat, hinalughog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya ang bahay ni Marcaida sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 53, dahil hinihinalang may koneksiyon …

Read More »