Tuesday , March 17 2026

Gov’t/Politics

Senators discuss legalization of Medical Cannabis

Senators discuss legalization of Medical Cannabis Bauertek Cancur

 Lawmakers scrutinized the legalization of medical cannabis in the Philippines during its second reading at the Philippine Senate. Senate Bill 2573 sponsored by Sen. Robinhood Padilla and co-sponsored by Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa proposes to legalize the use of cannabis for certain medical conditions.  This includes epilepsy, Parkinson’s, Alzheimer’s, anxiety, depression and even cancer pain. The House of Representatives …

Read More »

PFP may mayoralty bet na sa 2025 elections sa Pasig City

Tom Lantion Sarah Rowena Discaya Curlee Discaya Mario Concepcion, Jr Reynaldo Samson, Jr

PASIG CITY —- Tinatayang mapapalaban  si Mayor Vico Sotto sa darating na 2025 midterm election matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas ang mag-asawang benefactor ng palagiang kawanggawa sa lungsod. Ilang linggo bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 2024 ay ipinahiwatig ng administration party na PFP ang kahandaan nitong tapatan ng tinawag nitong ‘winnable …

Read More »

Las Piñas PESO nagsagawa ng TUPAD orientation para sa mga mangagawa

Las Piñas PESO nagsagawa ng TUPAD orientation para sa mga mangagawa

NAGSAGAWA ang Las Piñas Public Employment Service Office (PESO), sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), ng TUPAD Orientation para sa mga disadvantaged at displaced workers. Ginawa ang naturang oryentasyon sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Building sa Barangay Talon Dos, sa nasabing lungsod. Pinangunahan ni Vice-Mayor April Aguilar ang naturang aktibidad at binigyang diin ang kahalagahan ng nasabing …

Read More »

Sa ilalim ng repatriation program
16 OFWs SA LEBANON LIGTAS NA NAKAUWI

immigration passport plane map lebanon

LIGTAS na nakabalik sa bansa ang 16 overseas Filipino workers (OFWs) lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  terminal 3 mula Lebanon. Ang mga naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno. Sila ay natatanggap ng tulong-pinansiyal na P75,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) action fund at iba pang …

Read More »

Cayetano, pabor sa POGO ban

Alan Peter Cayetano

IPINAHAYAG ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang suporta niya sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ngunit nagmungkahi ng ibang paraan ukol sa pagkolekta ng buwis nito. “Would it be a remedy to put an absurd amount of tax amending the tax law that Senator Risa said, but let’s …

Read More »

Amyenda sa discriminatory provisions ng ‘Doble Plaka’ Law, umabante na

Bonifacio Bosita Francis Tol Tolentino

“TULOY ang pag-abante ng panukalang amyenda sa ‘Doble Plaka’ Law!” Tiniyak ito ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, matapos silang magkasundo ni 1-Rider Party-List Rep. Bonifacio Bosita para pagtulungang isulong ang kapakanan ng milyon-milyong motorcycle riders sa mga nalalabing sesyon ng 19th Congress. Sa programang Usapang Tol, pinasalamatan ni Bosita ang senador sa pamumuno nito sa pagpasa ng Senate …

Read More »

P2K cash gift sa graduates ng PLM at UdM  

Honey Lacuna

NILAGDAAN ni Manila Mayor maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang isang bagong ordinansa na naglalayong magkaloob ng cash gift na P2,000 sa bawat magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM). Ang bagong cash incentives ang nilalaman ng   Ordinance Number 9068, na ipinanukala sa Manila City Council ni Councilor Pamela Fugoso-Pascual at Majority Floor Leader councilor …

Read More »

Senate energy panel chair segurado
DRILLING NG MALAMPAYA NEW WELLS ASAHANG MAGIGING MATAGUMPAY

083024 Hataw Frontpage

TINIYAK ni Senate committee on energy chairman Sen. Pia Cayetano na magiging matagumpay sa susunod na taon ang drilling ng mga bagong gas wells na magpapatagal sa buhay ng Malampaya gas project sa lalawigan ng Palawan. Sa isinagawang interpelasyon sa Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Industry Act na si Cayetano ang sponsor, sinabi niyang mataas …

Read More »

Naiwan ng nagdaang administrasyon
P17.8-B utang dalawang dekadang bubunuin ng Maynila – Lacuna  

Honey Lacuna

IBINUNYAG ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ni Vice Mayor Yul Servo ang kasalukuyang kinakaharap ng kanyang liderato ang isyung utang ng Manila government na naiwan ng dating administrasyon. Ang pagdetalye ni Lacuna ay kanyang ipinahayag sa buwanang Balitaan ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View. Nabatid na aabutin pa hanggang taong 2044 …

Read More »

Pork is Safe campaign ng mga magbababoy suportado ng DA

Pork is Safe

TINIYAK ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu  Laurel, Jr., ang suporta nito sa kampanya ng mga magbababoy sa Filipinas na ipaalam sa publiko na ligtas na kainin ang baboy sa buong bansa. Sa ginawang “pork is safe lechon chopping event” sa Pasay, kinilala ni Laurel na ang pork industry sa bansa ay isang haligi ng sektor ng agrikultura. Kaugnay nito …

Read More »

Espenido ibinunyag paglabag sa karapatang pantao sa Duterte drug war

Duterte Espenido

KINOMPIRMA ng isang opisyal ng pulisya na maraming paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni P/Col. Jovie Espenido, isa sa mga kinilala ni dating Pangulong Duterte dahil sa kanyang mga nagawa laban sa ilegal na droga, inabuso ng mga taong malapit sa dating Pangulo at kanyang mga …

Read More »

Itinuga ng police colonel
QUOTA SA DUTERTE WAR ON DRUGS KINOMPIRMA  
Reward sa mga pulis galing sa POGO, intel fund

Duterte Gun

ni Gerry Baldo ISANG aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagkompirma na mayroong quota at reward system sa pagpapatupad ng madugong war on drugs ng administrasyong Duterte. Sinabi ni P/Col. Jovie Espenido, ang pera na ibinibigay na reward sa mga pulis para sa kanilang mga napapatay ay nanggagaling umano sa intelligence funds at mula sa Philippine Offshore Gaming …

Read More »

Sa Maynila
MAYOR HONEY, VM SERVO TANDEM TULOY NA TULOY SA MAY 2025 POLLS
Liderato sa 2025 ‘di magbabago — Mayor Honey

Honey Lacuna Yul Servo Nieto

TULOY na tuloy na ang reelection nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Vice-Mayor Yul Servo sa darating na May 2025 polls. Ito ang pormal na ipinahayag ng dalawang pinakamataas na incumbent officials ng lungsod nang sila ay maging guest resource persons sa buwanang “Balitaan” ng  Manila City Hall Reporters’ Association na ginaganap sa Harbor View Restaurant, Ermita, Maynila. …

Read More »

Smart Basco LOQALINK Launched to Boost Batanes Agriculture

Smart Basco LOQALINK Launched to Boost Batanes Agriculture

On August 19, 2024, the Department of Science and Technology (DOST) RO2 thru the PSTO Batanes, in partnership with Isabela State University, Batanes State College, and the Local Government Unit of Basco, launched the SMART BASCO LOQALINK project at the Basco Lighthouse. This groundbreaking initiative aims to transform Batanes particularly the municipality of Basco into a smart and sustainable community …

Read More »

Papel ng mga magulang sa tagumpay ng Kabataang Filipino, binigyang diin ni Cayetano

Alan Peter Cayetano PhilSCA

BINIGYANG-DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang kahalagahan ng suporta ng magulang sa pagkakamit ng tagumpay ng mga kabataang Filipino sa kanilang napiling karera. Ibinahagi ni Cayetano ang mensaheng ito sa mga nagsipagtapos sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) at kanilang mga magulang sa commencement ceremony nitong 24 Agosto 2024 na ginanap sa Philippine International Convention Center …

Read More »

Paghahanda ng SHS graduates  hinimok palakasin ng TESDA para makapasok sa trabaho

TESDA ICT

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na paigtingin ang mga hakbang upang mapataas ang kahandaan sa trabaho ng senior high school (SHS) graduates, kasunod ng ika-30 anibersaryo ng ahensiya.  Ito ang naging pahayag ni Gatchalian matapos niyang matanggap mula sa ahensiya ang Special Kabalikat Award bilang pagkilala sa kanyang adbokasiya na patatagin ang …

Read More »

Sa Escoda Shoal, WPS  
BARKO NG BFAR DATU SANDAY BINANGGA, BINUGAHAN NG WATER CANNON NG CHINA

082624 Hataw Frontpage

BINANGGA ng China Coast Guard (CCG) at pinabugahan ng water cannon ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bahagi ng Escoda Shoal, sa West Philippine Sea nitong Linggo, 25 Agosto. Sa paunang ulat, limang beses binangga ng CCG ang barko ng BFAR na nagsasagawa ng resupply mission sa West Philippine Sea (WPS) kahapon. Gayondin, …

Read More »

Las Piñas nagsagawa ng Kadiwa payout sa 5,000 plus beneficiaries

Las Piñas City hall

MATAGUMPAY ang pamamahagi ng tulong pinansiyal ng Las Piñas City, sa kolaborasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mahigit 5,000 kalipikadong benepisaryo sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo kasabay ng payout sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres sa lungsod. Ang distribusyon ng P2,000 financial aid ay bahagi ng inisyatibang pambansang Kadiwa ng Pangulo na layuning magbigay …

Read More »

X-rating ng MTRCB vs Alipato at Muog inalmahan ng kaanak ng Desaparecidos

Alipato at Muog

KINONDENA ng Desaparecidos (Families of the Disappeared for Justice) ang pagbabawal na ipalabas sa mga komersiyal na sinehan ang award-winning documentary film na “Alipato at Muog” base sa X-rating na ipinataw ng Movies and Television Ratings and Classification Board (MTRCB). Ang Alipato at Muog ay tungkol sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 28 April 2007. Inanyayahan ng Desaparecidos …

Read More »

1,750 mangingisdang naapektohan ng oil spills sa Bataan, nabiyayaan ng food packs mula sa senador

Lito Lapid

NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng family food packs para sa 1,750 mangingisda sa Limay, Bataan nitong Huwebes, 22 Agosto 2024. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na mahalagang maabutan ng kahit kaunting tulong ang mga mangingisdang biktima ng oil spill mula sa lumubog na barko sa Lamao point, Limay, Bataan kamakailan. Inaasahan ni Lapid na kahit paano ay maitatawid …

Read More »

ANIM coalition inilunsad kontra korupsiyon at political dynasty, Reporma sa halalan isusulong

Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan ANIM

INILUNSAD ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) na naglalayong labanan ang korupsiyon, political dynasty, at isulong ang reporma sa halalan. Sa pamamagitan ng koalisyon, titiyakin na marinig ang boses ng taongbayan para sa tunay na pagbabago ng pamahalaan nang sa ganoon ay maramdaman ng bawat Filipino ang isang maunlad na bansa. Kabilang sa mga sektor na nabibilang sa ANIM ay …

Read More »

Bagong Henerasyon partylist solon:  
GLs SA DRUGSTORES AARANGKADA NA

082424 Hataw Frontpage

PINURI ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pag-aproba nito sa kanyang panukala na tanggapin ang mga Guarantee Letters (GLs) bilang pambayad ng mahihirap nating kababayan sa pagbili ng kanilang gamot sa mga pribadong drugstores. Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa budget ng DSWD, kinompirma ni DSWD Secretary Rex …

Read More »

Sa isyu ng impeachment
TIKOM-BIBIG PAYO NI CHIZ SA SENATORS

Heart Evangelista Chiz Escudero

HINILING ni Senate President Francis “Chiz” EScudero sa kanyang mga kapwa senador na busalan o itikom ang bibig sa pagbibigay ng komento ukol sa usapin ng impeachment case laban sa impeachable officer o  opisyal ng pamahalaan. Inihayag ito ni Escudero matapos ibunyag ni Vice President Sara Duterte na maugong ang usapin sa pagsasampa ng kasong impeachment laban sa kanya sa …

Read More »

ERC pinagpapaliwanag sa dagdag-singil sa presyo ng koryente

ERC electricity meralco

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ipaliwanag ang pag-aproba sa pagtaas ng singil sa koryente simula Oktubre ng taong ito sa hangaring matiyak na makatuwiran ang dagdag singil. “Kailangan nating tiyakin na ang pass-through charges ay makatuwiran upang ang anomang pagtaas sa presyo ng koryente ay hindi masyadong pabigat sa mga mamimili,” ani Gatchalian. Nauna …

Read More »