NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., at Chinese President Xi Jinping na maghanap ng kompromiso at mga hakbang na magiging kapaki-pakinabang sa mga mangingisdang Filipino. Matapos tukuyin ni FM Jr., kay Xi ang kalagayan ng mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea sa kanilang bilateral meeting sa Great Hall of the People sa Beijing, China kahapon. “I was very …
Read More »Sa isyu ng pamamalakaya ng mga Pinoy
Hamon ni Abalos
RESIGNATION NG GENERALS, FULL COLONELS
PNP ‘linisin’ vs illegal drugs
ni ALMAR DANGUILAN NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., sa mga heneral at full colonel ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignation. Bahagi aniya ito ng pagsusumikap ng pamahalaan na malinis ang hanay ng pulisya mula sa mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade. Sa isang pulong …
Read More »Bagong rehab center sa Bulacan pinasinayaan
SA LAYUNING masagip atmagabayan ang mga kabataang lumabag sa batas o children in conflict with the law (CICL) tungo sa mas magandang kinabukasan, pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office ang bagong Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) na matatagpuan sa Brgy. Bulihan, sa lungsod ng …
Read More »Fernando, humakot ng 24 parangal para sa Bulacan
PANIBAGONG milyahe ang nakamit ng lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel Fernando sa pagtanggap niya ng kabuuang 24 nasyonal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga tao sa likod ng nasabing tagumpay, ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng …
Read More »Navotas namahagi ng livelihood packages
NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng livelihood packages sa 80 Navoteños sa ilalim ng Angat Kabuhayan program ng NavotaAs Hanapbuhay Center. Sa bilang na ito, 30 ang senior citizens, 10 ang persons with disabilities (PWDs), 20 ang parents of child laborers, at 20 ang retired o displaced overseas Filipino workers (OFWs). Hinikayat ni Cong. Toby Tiangco ang mga benepisaryo …
Read More »
Proactive policy ‘missing’ – Sen. Poe
NATIONAL GOVERNMENT INALARMA SA ‘ARRIVALS’ NG CHINA PASSENGERS
NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na proactive policy para sa mga pasaherong papasok ng bansa mula sa bansang China. Ayon kay Poe, dapat magpatupad ng COVID testing requirements sa mga pasaherong galing China lalo sa sa 8 Enero 2023 na tatanggalin na ang China travel restrictions. “The lack of proactive policies on the matter …
Read More »Bilyones na smuggled agri products isama sa agenda ni Marcos kay Xi
NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., isama sa agenda sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural, partikular ang sibuyas, mula sa China. Giit ng KMP, habang ang China ang nangungunang kasosyo sa kalakalan ng Filipinas noong 2021, umiiral pa rin ang napakalawak na ilegal na kalakalan. …
Read More »CAAP aminado sa lumang CNS/ATM equipment
AMINADO ang Civil Aviation Authority of the Phillipines (CAAP), luma na ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System ng CAAP. Ayon sa CAAP, taong 2019 nang simulang gamitin ang nasabing equipment. Sa pahayag ng CAAP, ang naturang equipment ay pinondohan pa noong 2017 ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa halagang P10.8-bilyon. Kinompirma ng CAAP na nagsumite sila …
Read More »
3 resolusyon inihain sa Senado
AIRSPACE SHUTDOWN IMBESTIGAHAN
NAGHAIN sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., ng magkakahiwalay na resolusyon para humiling na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ukol sa naganap na airspace shutdown na sinabing dahilan ng ‘technical glitch.’ Nakapaloob sa resolusyon ni Villanueva, kung magpapatuloy ang airspace traffic management ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa local at foreign tourists. Tinukoy …
Read More »
Kapag ‘di umayos, FM Jr., ‘mamalasin’ sa 2023
CRACKDOWN VS TRADERS, HOARDERS INIHIRIT
Sibuyas binili ng P20/kg, ibinenta ng P700/kg
ni Rose Novenario NANAWAGAN si dating Political Affairs secretary Ronald Llamas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., magsagawa ng crackdown sa traders at hoarders ng sibuyas kaysa maglabas ng ‘walang ngipin’ na suggested retail price (SRP). Sa panayam sa Politiko, sinabi ni Llamas na traders lamang ang nakikinabang sa sobrang taas ng presyo ng sibuyas na umabot sa …
Read More »Supporter ni Jalosjos lalong dumarami
SA kabila ng kasalukuyang unos na nararanasan ni Zamboanga del Norte 1st District Rep. Romeo Jalosjos Jr., kaakibat pa rin niya ang kasiyahan dahil sa lalong lumalakas na suporta na kanyang nakukuha mula sa kanyang mga constituent sa kanilang lugar. Si Jalosjos ay tinanggal kamakailan ng Secretary General sa talaan ng mga miyembro ng House of Representatives. Ang huli umano’y …
Read More »FM Jr., pinigil PhilHealth contrib hike
INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang pagpapatupad ng dagdag sa monthly contribution ng mga miyembro nito ngayong taon. Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Philhealth at sa Department of Health (DOH). “In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 …
Read More »
Sa PH airspace shutdown,
DUTERTE ISALANG SA P10.8-B UNTRANSPARENT LOANS NG CAAP
DAPAT managot ang mga responsable sa naganap na PH airspace shutdown noong Linggo, kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Bayan Muna. “Heads must roll starting with Pres. Duterte who spent P10.8 billion in untransparent loans on CAAPs Communications Navigation Surveillance Air Traffic Management (CNS ATM) in 2018,” sabii ni Neri Colmenares, tagapangulo ng Bayan Muna. Ang kahina-hinala …
Read More »PH airspace shutdown, busisiin — Palasyo
MASUSING pagsisiyasat ang ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya kasunod ng pansamantalang pagsasara ng airspace ng Filipinas noong Linggo, ayon sa Malacañang. “A thorough investigation is being conducted by appropriate agencies,” ayon sa Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa text message sa mga mamamahayag. Hindi bababa sa 282 flights ang kinansela, inilihis, o naantala sa araw ng Bagong …
Read More »
Tulfo dalawang beses na-bypass ng CA
DSWD MAY BAGONG OIC USEC PUNAY ITINALAGA
ni Rose Novenario ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kinompirma ito ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang kalatas kahapon. Hinirang si Punay bilang officer-in-charge ng DSWD matapos ang dalawang beses pag-bypass ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni …
Read More »Rehistro ng SIM, ‘wag pahirapin
DAPAT gawing madali ang pagpaparehistro ng kanilang subscriber identity module (SIM) habang sinisigurong pribado ang kanilang datos at impormasyon, pagdidiin ni Sen. Grace Poe sa simula ng implementasyon ng batas sa rehistrasyon ng SIM sa 27 Disyembre. “Tulad ng pagpapadala ng mensahe sa text, dapat maging madali ang pagpaparehistro ng SIM,” ani Poe. Nanawagan ang senador sa mga telco …
Read More »Matatag na internet connection tiniyak sa mga liblib na lugar
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na patuloy na magtatrabaho sa pagtatatag ng mga koneksiyon sa internet sa mga liblib na lugar sa bansa ang kanyang administrasyon dahil naging pangunahing pangangailangan sa sa post-pandemic ang pag-access sa web. Inihayag ito ni Marcos Jr., nang ‘mag-gatecrash’ siya sa isang Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology …
Read More »
China state visit kapag itinuloy
FM JR., BAKA MAGING COVID-19 SPREADER
ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si public health advocate at former NTF adviser Dr. Tony Leachon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na irekonsidera ang nakaplano niyang China state visit sa susunod na linggo lalo na’t may surge ng kaso ng CoVid-19 sa naturang bansa. Ayon kay Leachon, dapat munang kumuha ng tunay na status ng CoVid-19 cases sa China mula …
Read More »Automated censorship ng Facebook, inalmahan ng Bayan
ni Rose Novenario SA PAMAMAGITAN ng mga ‘troll ng estado’ nagagawang pigilin, burahin o bawasan ng social media app Facebook ang malayang pagsasalita, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sa isang kalatas, sinabi ng Bayan na nakatanggap ito ng ulat na dumaraming mga pahayag at video ng mga miyembro nito ang tinanggal sa Facebook dahil naglalaman ng mga tungkol sa …
Read More »Parreño bagong PAF chief
KOMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na ipagpapatuloy ni bagong Philippine Air Force (PAF) commanding general, Major General Stephen Parreño, ng PAF ang pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa ilalim ng kanyang liderato. Dumalo si Marcos Jr., sa change of command ceremony ng PAF na nagluklok kay Parreño bilang bagong commanding general kapalit ni Lieutenant General Connor Canlas, …
Read More »Lifestyle journalist Oseña-Paez, bagong Palace Press Briefer
TAGAPAGHATID ng balita at impormasyon at hindi opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang magiging papel ni TV host at dating news presenter Daphne Oseña-Paez. “Makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa Press Working Area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni President… Marcos,” pahayag kahapon ni Press …
Read More »
Sa pagdagsa ng Chinese vessel
PH SUPORTADO NG US VESSELS SA PALAWAN
ni ROSE NOVENARIO SUPORTADO ng gobyerno ng Estados Unidos ang Filipinas sa pagpapahayag ng pagkaalarma sa napaulat na pagdagsa ng mga sasakyang pandagat ng China sa Iroquois Reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea. “The reported escalating swarms of PRC vessels in the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the Spratly Islands interfere with the livelihoods of …
Read More »
Kahit maraming diskontento, investment fund suportado
KAMARA KAKAMPI NG ‘MAHARLIKA’
ni Gerry Baldo HABANG umaani ng batikos ang Maharlika Investment Fund sa labas ng Kamara de Representantes , sinabi ni House Speaker Martin G. Romualdez, suportado ito ng karamihan ng mga kongresista. Ayon kay Romualdez “multi-partisan” ang suporta para sa kontrobersiyal na panukalang isinusulong ng administrasyong Marcos. Sa press briefing sa Belgium kasama ang media mula sa bansa, sinabi ng …
Read More »Travel consultancy firm ipinasara ni Ople
INIUTOS ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang pagsasara ng isang travel consultancy firm na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland. Ayon kay Ople, iniutos nito na ipasara ang IDPLumen Travel Consultancy Services, na naniningil ng aabot sa P 122,000 mula sa mga aplikante. Ang kautusan ay isinagawa ng Anti- Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration …
Read More »
Inutil na DOTr secretary
TAAS-PASAHE SA BARKO, IDINAING
NANAWAGAN ng tulong ang mga pasahero ng barko sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng pansin ang sobrang pagtaas ng pasahe na ipinatupad ng mga kompanya ng barko sa bansa. Ito ang hinaing ng mga pasahero na dumaraan sa Batangas Port lalo ang mga patungong lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong panahon ng kapaskuhan. Napag-alaman na mayroong mga …
Read More »