KINUWESTIYON man ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pagtatanggal ng sapatos sa security screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inirerespeto umano ito ng Office for Transportation Security (OTS), ngunit ipagpapatuloy ang nasabing proseso. Ayon kay OTS Administrator, Undersecretary Mao Aplasca, inirerespeto nila ang opinyon ng alkalde sa pag-aalis ng sapatos ng mga pasahero, pero mauunawaan din ng LGU …
Read More »Kahit kinuwestiyon ni Biazon
Sa masamang kalagayan ng bansa
‘REBRANDING’ NI MARCOS Jr., ‘DI SOLUSYON
HATAW News Team PINAYOHAN ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas nitong Linggo, 16 Hulyo, ang administrasyon na tumigil sa mga ‘rebranding project’ nito na tila nagiging obsesyon na at nagiging dibersiyon mula sa mga tunay na dapat trabahuin gaya ng pagbibigay ng mas mataas na sahod at disenteng trabaho para sa mga Filipino at pagpapababa ng presyo ng mga bilihin …
Read More »
Sa pag-renew ng partisipasyon
PH SA GSP PLUS NG EU MAGPAPALAKAS NG EXPORTS, PAMUMUHUNAN
MALUGOD na tinanggap ni Senador Win Gatchalian ang panukalang pagre-renew ng partisipasyon ng Filipinas sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) at sinabing ito ay inaasahang magpapalakas ng exports ng bansa at magpapataas ng pamumuhunan. “Ako ay nagagalak na malaman na ang European Commission ay iminungkahi na i-renew ang pakikilahok ng bansa sa GSP+ scheme dahil ito ay tiyak na …
Read More »
Para sa reintegrasyon sa lipunan
PDLs AGRO-INDUSTRIAL PROJECTS NG PALASYO
SASANAYIN sa agro-industrial projects ng gobyerno ang mga persons deprived of liberty (PDL) o mga detenido sa mga kulungan sa bansa. Kabilang sa isasama sa programa ng gobyerno ang mga PDL para bigyan ng pagkakataon ang kanilang potensiyal sa gawaing bukid dahil gagamitin ang malalawak na lupain ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagpapaunlad ng agrikultura. Naging saksi si …
Read More »PRRD, Ong, at Tulfo pasok sa Magic 12 ng senatoriables
HINDI pa rin matawaran ang popularidad at tiwala ng taong bayan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahilan upang mapanatili nito ang pagiging numero unong kandidato para sa 2025 Senate Race batay sa latest PAHAYAG 2023-Q2 survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc. Sa kabila ng bahagyang pagbaba ng popularidad mula sa 55% sa previous quarter na 51%, patuloy pa …
Read More »
Gusali gigibain
83 NBI DETAINEES ILILIPAT SA BUREAU OF CORRECTIONS
ILILIPAT pansamantala sa Bureau of Corrections (BuCor) ang 83 detainees ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil gigibain ang NBI main building kasama ang detention facility sa Maynila upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng bagong gusali. Pinangunahan nina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., at NBI Director Medardo G. De Lemos ang simpleng seremonya para sa exchange of symbolic …
Read More »
Naispatan sa Maynila, Palawan
C-17 GLOBEMASTER SA PH KINUWESTIYON NI MARCOS
KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang panibagong presensiya ng ilan pang C-17 Globemaster ng US Air Force sa Maynila at Palawan. Isinagawa ito ni Marcos isang araw makaraang maglabas ng statement ang Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan niya hinggil sa kaparehong military plane na lumapag sa Maynila noong nagdaang linggo pero hindi nai-coordinate ng mga flight planner ng …
Read More »
UPLIFTING URBAN GARDENERS, TRANSFORMING LIVES
SM group, partners launch urban farming initiative
IN A BID to uplift communities and promote environmental consciousness, the SM group has recently rolled out its Urban Farming initiative through the SM Foundation’s Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program (KSK-SAP). The program, which commenced on July 7 at SM North EDSA, will also be introduced in 21 SM Supermalls nationwide. Rooted in the vision of the late …
Read More »2nd chance kay Frasco hirit ni Sen. Angara
HINIMOK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang lahat na bigyan ng isa pang pagkakaton si Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco kahit pumalpak at binatikos ng mga negatibong komento ang kanilang “Love the Philippines” campaign ads. Ayon kay Angara hindi dapat masayang at mabalewala ang lahat ng ginagawang pagsisikap ini Frasco ukol sa turismo ng …
Read More »
Sa pagbagal ng inflation rate
POLISIYA NG PALASYO KINATIGAN NG KAMARA
IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023. Ayon kay Speaker Romualdez, ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …
Read More »‘Palihim na pagpuslit’ ni Dera sa NBI iniimbestigahan
SINIMULAN ng Senate committee on justice and human rights ang imbestigasyon ukol sa palihim na paglabas sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility ni Jose Adrian “Jad” Dera. Si Dera ang co-accused ni dating Senador Leila de Lima sa natitira niyang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na umano’y tumakas sa bilangguan at inaresto noong 21 Hunyo kasama …
Read More »
Ilang buwan bago barangay elections
TSERMAN TIKLO SA BARIL, BALA AT GRANADA
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mga baril, bala, at granada sa ipinatupad na search warrant sa bahay ng isang opisyal ng barangay sa Guimba, Nueva Ecija. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang magkasanib na mga operatiba ng Regional Special Operations Group 3, RMFB3, at Guimba MPS na pinamunuan ni P/Lt. Colonel Jay Dimaandal, AFC, …
Read More »
Suporta kay Zubiri tiniyak ni Jinggoy
KUDETA SA SENADO ‘DENGGOY’
MANANATILING suportado ng mga miyembro ng mayorya ng mga senador ang liderato o pamumuno ini Senate President Juan Miguel Zubiri. Ito ay matapos kompirmahin ni Senador Jinggoy Estrada, isa sa sinabing nais ipalit sa kasalukuyang liderato, ang suporta niya kay Zubiri. Magugunitang nauna nang nagpahayag si Senate President Pro-Tempore Loren Legarda na mananatili ang kanyang suporta kay Zubiri. Bukod sa …
Read More »Mother Tongue, wikang panturo magkasalungat sa ibang rehiyon
BAGAMA’T mandato ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) policy ng programang K-12 ang paggamit ng unang wika para sa pagtuturo sa Grade 1 hanggang Grade 3, maraming paaralan ang gumagamit ng regional languages ngunit hindi pamilyar sa maraming mag-aaral. Pinuna ito ni Senador Win Gatchalian sa isang pagdinig sa senado ukol sa pagpapatupad ng MTB-MLE. Ayon sa senador, hindi tugma …
Read More »Bagong renovate na sports complex sa Navotas, binuksan
PORMAL na binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang bagong renovate na sports complex bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-16 na anibersaryo ng lungsod. Nagtatampok ang bagong ayos na pasilidad ng full-length na basketball court, fully air-condition na mga dugout, at espasyo para sa gym. “The Navotas Sports Complex bore witness to some of our city’s milestone events. …
Read More »Biazon pinuri ng mga kapwa senador
NAGPUGAY ang Senado kay dating senador, congressman at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rodolfo Biazon sa idinaos na necrological service. Pinangunahan ni Senate President Pro-Tempore Loren Legarda ang pagsalubong at pagtanggap sa labi ni Biazon na nagsilbing senador sa ilalim ng 9th Congress (1992-1995) at 11th Congress (1998-2010) at pumanaw noong araw ng Kalayaan (12 Hunyo) …
Read More »
Sa panukalang dagdag-pasahe
LRT PAGANDAHIN, PASILIDAD AYUSIN
TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe, bago ipatupad ang dagdag-singil sa pasahe sa light rail transit (LRT) ay mabuting unahin munang ayusin at pagandahin ang serbisyo at mga pasilidad nito. Ayon kay Poe, ang dagdag na singil na pasahe ay pabigat sa bulsa ng bawat pasahero. Partikular na tinukoy ni Poe ang mga mag-aaral at mga manggagawang kapos ang pananalapi …
Read More »
Pembo residents:
SAKLOLO TAGUIG!
Takeover pinamamadali
HATAW News Team NAGPASAKLOLO ang mga residente sa Pembo, Makati City para madaliin ang takeover ng Taguig City upang mailipat na sila bilang mga residente ng lungsod. Sa harap ng diskusyon sa Taguig-Makati territorial dispute na pinal nang denisisyonan ng Korte Suprema, lumiham sa lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga residente ng Pembo Makati para madaliin ang takeover at …
Read More »People’s Initiative o diskarteng Binay
ISANG petition letter ang kumakalat ngayon sa Enlisted Men Barrio (Embo) barangays sa Makati City na tila hinihimok ang mga residente na lumagda sa isang petisyon na nanghihikayat na iakyat ang usapin ng Makati-Taguig territorial dispute sa Kongreso. Nakapaloob sa isang pahinang petition letter, may kapangyarihan umano ang Kongreso na magtakda ng referendum o people’s initiative sa ilalim ng 1987 …
Read More »Pagpuno sa bakanteng posisyong Senate LSO 1, pinigil ng unyon
HINILING ng Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO), ang unyon ng mga empleyado sa Senado, sa tanggapan ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug, Jr., ang pagpapaliban ng pagtatalaga sa mga bakanteng posisyong Legislative Staff Officer 1, may Item Nos. 634-01 at 634-03 sa ilalim ng LCSS-Governance and Legal Concerns (LCSS-GLC). Ito ay matapos makatanggap ang …
Read More »Kalayaang minana pangalagaan, pagyamanin – CJ Gesmundo
“BILANG mga Filipino, may tungkulin tayo na pangalagaan at pagyamanin ang kalayaang minana natin. Lahat tayo ay tinatawag na pagsikapang maisakatuparan ang mga pangarap ng bumubuhay sa pagnanais nating lumaya.” Ito ang mensahe ni Punong Mahistrado ng Korte Suprema Alexander Gesmundo sa ginanap na Ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Filipinas sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain, sa lungsod …
Read More »
Sa Caloocan City
MALAPITAN, SPEAKER ROMUALDEZ, NANGUNA SA PAGDIRIWANG NG IKA-125 INDEPENDENCE DAY
PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Filipinas sa makasaysayang Bonifacio monument. Sinimulan ni Mayor Along ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng pagkilala sa sakripisyo ng mga pambansang bayani na nagdulot ng malaya at magandang kinabukasang tinatamasa ngayon ng mga Filipino. “Noong ipinaglaban …
Read More »
Pakikiramay ipinaabot sa pamilya
PH SENATE NAGDALAMHATI SA PAGYAO NI BIAZON
AGAD na nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamahati ang mga senador sa pamilya ni dating Senador, congressman at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff (AFP-COS) Rodolfo G. Biazon nang ihayag ng anak nitong si Muntilupa City Mayor Ruffy Biazon na pumanaw ang kanyang ama sa edad 88 anyos sanhi ng pneumonia. Kabilang sa mga nagpahatid ng kanilang pakikiramay at …
Read More »
Sa bill deposit refund at mababang power rate
ERC PINURI, NATUWA SA MORE POWER
PINURI ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Atty. Monalisa Dimalanta ang More Electric and Power Corporation (MORE Power) sa maayos nitong pamamalakad at pagsunod sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers kasunod ng ipinatupad na bill deposit refund sa kanilang mga customers at pagkakaroon ng mababang power rate sa bansa. Ayon kay Dimalanta ang ginagawa ng More Power ay dapat …
Read More »
Sa Bulacan
CJ GESMUNDO MANGUNGUNA SA ARAW NG KALAYAAN
KASAMA si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga Bulakenyo sa komemorasyon ng Ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Filipinas ngayong araw ng Lunes, 12 Hunyo, sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain, sa lungsod ng Malolos. Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” magsisimula ang programa sa pagtataas ng watawat, Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Filipinas, at pag-aalay ng …
Read More »