Sunday , December 21 2025

Gov’t/Politics

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

Batangas Money

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas dahil hindi pa rin naipapasa ang Internal Rules of Procedure (IRP) o ang kanilang magiging gabay para sa pagganap ng mga sesyon ng lalawigan. Nabatid na hindi pa naaaprobahan ang committee report na nilagdaan ng lahat ng Board Members sa isinagawang 2nd Regular Session noong …

Read More »

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

BBM Bongbong Marcos BFP

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa 28 Hulyo, huling Lunes ng buwan. Ito ang inihayag kahapon ni Fire Director Jesus Fernandez sa  isinagawang Meet the Press sa national headquarters ng BFP sa Quezon City. Sinabi ni Fernandez, ilang mga bombero …

Read More »

Gunman, 1 suspek sa pinaslang na congress exec, arestado sa buybust             

QCPD Quezon City

NASAKOTE ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa pang suspek, kabilang ang gunman (tinukoy na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril) sa pinaslang na opisyal ng Kongreso, sa buybust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, ng QCPD, ang mga suspek na sina alyas …

Read More »

House Committee on Appropriations, dapat independent — Tiangco

Kamara, Congress, money

ISANG independent na House Committee on Appropriations na hindi nagpapadikta kahit kanino at tanging kapakanan ng mamamayan ang isinasaalang-alang, ito ang iginigiit ni Navotas Rep. Toby Tiangco Ayon kay Tiangco nakahanda siyang akuin ang hamon ng trabaho bilang chairman ng Appropriations ngayong 20th Congress kung susuportahan siya ng kanyang mga kasamahan na ayusin ang proseso sa pagbuo ng 2026 national …

Read More »

2 barko ng China naispatan sa Occ. Mindoro

China Coast Guard CCG Peoples Liberation Army PLA Navy

DALAWANG barko ng China, isang People’s Liberation Army (PLA) Navy na ineeskortan ng barko ng China Coast Guard (CCG), ang namataan sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro, iniulatng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon kay Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea (WPS), ang lokasyon ng mga barko ay naitala sa 69.31 nautical miles mula sa …

Read More »

Quezon Rep. Suarez, bagong Chairman ng Appropriations Committee

Jayjay Suarez

MAY bago nang chairman ang House Appropriations Committee na inaasahang iaanunsiyo ng liderato ng 20th Congress bago pa ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ayon sa Congress insider, majority ng House members na lumagda ng manifest of support kay Speaker Martin Romualdez ang siyang pumili kay Quezon province 2nd District Representative Jayjay Suarez para …

Read More »

Albee Benitez absuwelto sa kaso, nakiusap ng privacy

Albee Benitez

ni MARICRIS VALDEZ ABSUWELTO si Bacolod City Rep. Albee Benitez laban sa kasong isinampa ng dating asawang si Nikki Lopez kaugnay ng usaping “pangangaliwa.” Sa 20-pahinang resolusyon, sinabi ni Assistant City Prosecutor Mikhail Maverick Tumacder na bigo si Lopez na makapagsumite ng sapat na ebidensiya sa reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 laban kay Rep. Benitez. …

Read More »

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

Dave Gomez Sharon Garin

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Dave Gomez bilang bagong Presidential Communications Office (PCO) Secretary. Kasabay nito itinalaga rin ng Pangulo si Atty. Sharon Garin, isang Certified Public Accountant bilang bagong kalihim ng Department of Energy (DOE). “We are pleased to announce that President Ferdinand R. Marcos Jr., has appointed …

Read More »

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

Arrest Posas Handcuff

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, sinabing kapatid ng dating economic adviser ng Duterte administration na si Michael Yang. Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto si Jianxin Yang, na kilala bilang Antonio Lim y Maestrado, Antonio M. Lim, at Tony Yang dahil sa mga kasong Falsification of Public Documents, Perjury, …

Read More »

Sa 20th Congress
CEBU REP DUKE FRASCO “DARK HORSE” SA SPEAKERSHIP RACE

071125 Hataw Frontpage

HATAW News Team KAHIT naunang ipinahayag na walang balak tumakbo bilang Speaker ng Kamara, lumulutang pa rin ang pangalan ni Cebu Representative Duke Frasco bilang seryosong pangalan sa usapin ng susunod na lider ng House of Representatives. “He’s not making a big deal out of it, but people are taking notice,” pahayag ng isang senior House member na tumangging magpakilala. …

Read More »

Acts of Lasciviousness inihain vs Taguig City barangay kagawad ng Cebu Prosecutor’s Office

Acts of Lasciviousness

NAKATAKDANG sampahan ng kasong Acts of Lasciviousness si barangay kagawad Apolonio Kibral Fulo, Jr., ng Barangay Pinagsama, Taguig City, kilalang kaalyado at bodyguard ng natalong District 2 congressional candidate na si Pammy Zamora, matapos makita ng Office of the Cebu City Prosecutor ang sapat na ebidensiya upang dalhin ang reklamo sa korte. Ang reklamo ay inihain ng kapwa opisyal ng …

Read More »

P8.96-B babayaran ng Makati
Mayor Nancy nais ibasura ‘Settlement agreement’ sa naudlot na subway project Imbestigasyon ikakasa

Makati City

NAKATAKDANG maghain ng mosyon sa pag-atras at pagtutol sa Singapore International Arbitration Center (SIAC) ang lungsod ng Makati kontra sa inihaing settlement agreement ng Infra Development Corporation at ng nakalipas na administrasyon kaugnay ng naudlot na subway project na pinagbabayad ang lungsod ng P8.96 bilyon bilang danyos na nilagdaan noong 23 Hunyo 2025, pitong araw bago matapos ang termino ni …

Read More »

Babala ng mga eksperto:
Pagbabawal ng online gaming kaduda-duda, black market lalakas pa

Online Betting Gaming Gambling

NAGBABALA ang isang kilalang ekspertong legal na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal kung isasabatas ang pagbabawal sa online gaming, at maaaring magresulta ng ilegal na operasyon ng sugal. Sa 15-pahinang memorandum na inilabas ni Atty. Tonet Quiogue, pinuno ng kilalang technology consulting firm na Arden Consult, sinabi niyang kung tuluyang ipagbabawal ang online gaming, isinusuko rin ang …

Read More »

SP Chiz may 16 pirma — JV

Senate Senado

TIYAK na tiyak nang muling mauupo si Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang pinuno ng Senado sa pagbubukas ng 20th congress. Ito ay matapos kompirmahin ni Senador JV Ejercito na mayroon nang 16 lagdang nakalap si Escudero sa isang resolusyong umiikot sa mga senador mula nang magbakasyon ang kongreso. Ayon kay Ejercito, kabilang sa mga lumagda ang mga magkakapatid na …

Read More »

DepEd pinalawak “Gulayan Sa Paaralan” at Farm School projects

DepEd Gulayan Sa Paaralan

PINALAWAK ni Education Secretary Sonny Angara ang Gulayan sa Paaralan Program (GPP) na naglalayong mapagbuti ang tamang nutrisyon  sa mga mag-aaral  sa buong bansa, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na matiyak ang tamang nutrisyon sa mga mag aaral at magkaroon ng dagdag kaalaman ang mga mag-aaral sa kalusugan at masustansiyang pagkain. Ayon kay Sec. Angara, malaking bahagi …

Read More »

Sa Marikina  
Hi-tech public schools target ni Cong. Marcy

Marikina

PLANO niMarikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro na magkaroon ng high technology na kagamitan ang lahat ng pampublikong paaralan upang masigurong nakasasabay sa digital world ang kabataang Marikenyo. Layunin ni Cong. Teodoro na gawing mas moderno, mas accessible, at mas inklusibo ang edukasyon para sa lahat na una na niyang nagagawa noong alkalde pa siya at sisiguraduhing maitutuloy ang …

Read More »

Sa unang flag raising ceremony
Mayor Nancy Binay emosyonal, naluha habang nagtatalumpati sa mga opisyal at empleyado

Nancy Binay

HINDI napigilan ni Mayor Nancy Binay ang mapaluha habang siya ay nagsasalita sa unang araw at kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony ng mga opisyal at empleyado ng lungsod ng Makati.  Ayon kay Binay ang 7 Hulyo ang isa sa pinaka-espesyal na araw para sa kanya dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony bilang punong lungsod ng Makati.  Kaya …

Read More »

Sa NBI official/agent na sangkot
Whistleblower Totoy hinamon ni Santiago pangalanan kung sino

Whistleblower Totoy Jaime Santiago

TINIYAK ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na hindi niya kokonsintihin ang kahit sinong opisyal o ahente ng ahensiya na sangkot o may kinalaman sa pagkamatay ng mga nawawalang sabungero.  Hinamon ni Santiago ang whistleblower na si alyas Totoy na kanyang pangalanan at ituro ang sinasabi niyang mga kasamang taga-NBI.  Binigyang-diin ni Santiago, hindi biro at itinuturing …

Read More »

MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION
Lalaki nagpanggap na NPA

NBI MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION Lalaki nagpanggap na NPA

HALOS pitong taon naging biktima ng protection racket at extortion ang isang negosyanteng taga-Caloocan City ng mag-asawang nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagwakas matapos masakote ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek. Sa pamumuno ni NBI Director Jaime B. Santiago, iniharap sa media ang naarestong mag-asawa, kinilalang  sina Christopher Capitulo at Maria Elena Capitulo sa …

Read More »

Oreta seremonyal na nanumpa bilang kinatawan ng Malabon

MALABON CITY — Opisyal nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta at bilang bahagi ng 20th Congress sa pangunguna ni Senador Bam Aquino, kilalang nagsusulong ng mga programa sa edukasyon at Kabataan, nitong Sabado, 5 Hulyo. Tiniyak ni Oreta na kaniyang pag-iibayohin ang serbisyo publiko at pagpapaunlad ng mga komunidad sa Malabon. Bukod …

Read More »

Sa ilalim ng 2025 educational assistance program
Las Piñas LGU namahagi ng school supplies para sa 850 estudyante

Las Piñas educational assistance

NAMAHAGI ng educational assistance ang Las Piñas City Government sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Local Youth Development Office (LYDO) para sa 850 benepisaryo sa ginanap na school supplies awarding ceremony sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Building sa Barangay Talon Dos. Pinangunahan ni Mayor April Aguilar ang personal na pamamahagi ng school bags na naglalaman …

Read More »

Cayetano naghain ng panukala
Labor Commission na nakatutok sa living wage

Blind Item, Gay For Pay Money

INIHAIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang isang panukalang batas na layong bumuo ng Executive-Legislative Labor Commission o LabCom na tututok sa pagtukoy ng tamang sahod o “living wage” at sa pagbibigay ng mas matibay na proteksiyon sa mga manggagawang Filipino. Inihain nitong 3 Hulyo 2025, layon ng Executive-Legislative Labor Commission (LabCom) Act of 2025 na magtatag ng …

Read More »

Sen. Kiko nanawagan sa NFA at LGUs
DIREKTANG BUMILI SA MGA MAGSASAKA

Kiko Pangilinan farmer

NANAWAGAN si Senador Francis “Kiko” Pangilinan  sa National Food Authority (NFA) at sa mga Local Government Unit (LGUs) na agad bumili ng palay at iba pang ani nang direkta sa mga magsasakang Filipino sa makatarungang presyo, kasunod ng mga ulat na ang palay ay binibili lamang sa halagang ₱13 kada kilo sa ilang lugar. “₱13 kada kilo ang palay? E …

Read More »

Cauayan LGU addressed rise of Dengue cases with Project C-DEWS

Cauayan City Isabela

FROM January to February 21, 2025, dengue cases in Isabela rose to 659—up from 434 during the same period last year. To address the surge, the Cauayan City Local Government—one of the Philippine cities named among the top 50 finalists in the 2025 Bloomberg Global Mayors Challenge—has proposed Project C-DEWS (Community Dengue Early Warning System). The proposal aims to strengthen …

Read More »

Lanao del Norte, DepEd, DOST launch future-ready classroom with 21st century learning technology

Lanao del Norte, DepEd, DOST launch future-ready classroom with 21st century learning technology

BAROY, LANAO DEL NORTE – In a significant move to modernize the learning environment, the Department of Science and Technology Region 10 (DOST-10), in collaboration with the Department of Education (DepEd) and the provincial government of Lanao del Norte, launched the 21st Century Learning Environment Model (21st CLEM) at the Lanao del Norte National High School on May 6, 2025. …

Read More »