Saturday , January 11 2025

News

Lawin tinatayang magiging supertyphoon (NDRRMC todo-handa sa pagpasok ni Lawin)

PINAGHAHANDA ang lahat sa pagpasok ng bagong bagyo na tatawaging “Lawin” dahil mas malakas ito kompara sa bagyong Karen. Inaasahang magiging supertyphoon ang naturang bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) dakong hapon nitong Lunes kung hindi magbabago ang direksyon at bilis nito. Base sa weather update ng Pagasa, namataan ang sama ng panahon sa 1,265 kilometro sa …

Read More »

12 katao arestado sa anti-illegal drug ops sa Lucena

shabu drug arrest

NAGA CITY – Aabot sa 12 katao ang naaresto sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Purok Mutya, Brgy. Cotta, Lucena City kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Corazon Tabernilla, 49; Arturo Conti, 61; Emerson Generali, 54; Randolph Romero, 53; Jesus Barros, 42; Michael Recto, 41; Erickson Tan De Guzman, 39; Roilan Millan, 38; Efren Llanera, 30 ; …

Read More »

4 akyat-bahay tiklo sa QC

arrest posas

NADAKIP ang apat hinihinalang akyat-bahay, kabilang ang isang nasa drug watchlist ng Quezon City Police District (QCPD), sa follow-up operation ng pulisya, iniulat kahapon. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula kay Supt. Rodel Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, kinilala ang mga nadakip na sina Elpidio de Tomas Rafael, 44; Francisco Penarubia …

Read More »

Sekyu itinumba sa Tondo

gun shot

PATAY ang isang security guard makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki habang naglalakad kasama ng asawa’t anak sa Tondo, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang dinadala sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Ariel Rosales, 22, residente ng 39 Gate 12, Parola Compound, Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against …

Read More »

5 katao utas sa tandem sa Caloocan

dead gun police

PATAY ang lima katao na hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City. Kabilang sa mga biktima ang isang hindi nakilalang lalaki na pinatay sa J.P. Rizal Extension dakong 12:15 am kahapon. Dakong 10:30 pm nitong Linggo, pinagbabaril ng lalaking naka-bonnet at face mask na lulan ng motorsiklo …

Read More »

Daan mula Obando ipinasara ng Valenzuela gov’t

road closed

IPINASARA ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang ilang mga kalsadang dinaraanan ng garbage trucks at mga pampublikong sasakyan mula Obando, Bulacan dahil sa kawalan ng koordinasyon ng Obando Municipal Hall sa ipinapatupad na re-routing scheme. Sa opisyal na pahayag ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela, isinara ng pamahalaang bayan ng Obando, Bulacan ang kahabaan ng JP Rizal Road mula Brgy. San …

Read More »

13 mountaineers stranded sa Mariveles

NASA 31 mountainners ang nananatiling stranded sa bulubunduking bahagi ng Mariveles sa Bataan. Ayon kay Senior Supt. Benjamin Silo, provincial director ng Bataan Provincial Police Office (BPPO), nasa kabuuang 73 ang bilang ng mountaineers na umakyat kamakalawa sa naturang bundok ngunit nakababa ang 42 sa kanila. Aniya, umakyat ang unang batch ng mountaineers dakong 5:30 am kamakalawa habang ang ikalawang …

Read More »

Wanted ex-cop arestado sa Thailand – PNP chief

BUMALIK na sa bansa si Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa Thailand nitong Sabado ng gabi, kasama ang isang dating pulis na wanted. Sa Facebook page ni PNP chief, nag-post siya ng larawan kasama ang isang indibidwal na dating pulis na wanted sa kasong kidnapping for ransom with homicide. Ayon kay Dela Rosa sa …

Read More »

Smoking ban ipatutupad

IPINAALALA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sa publiko ang kaugnay sa executive order na kanyang pipirmahan na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong mga lugar. Sa media briefing bago umalis para sa state visit sa Brunei, binigyang-diin niyang hindi na pahihintulutan ang paninigarilyo maging sa itinalagang indoor smoking areas. “Yes, [the EO on smoking ban] will be [signed] and will follow …

Read More »

No bargaining sa PH territory – Duterte (Sa China trip)

DAVAO CITY – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-renew sa ugnayan o pagkakaibigan ng Filipinas at China. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa Davao International Airport bago ang biyahe patungong Brunei at China. Ayon kay Duterte, gusto niyang magkaroon nang palitan ng kani-kanilang pananaw sa mga lider ng China partikular sa kung paano mas mapabubuti …

Read More »

Bomba iniwan sa peryahan sa N. Cotabato

MIDSAYAP, North Cotabato – Isang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) ang iniwan sa harap ng isang peryahan dakong 7:45 pm kamakalawa sa probinsya ng Cotabato. Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nakita ng mga sibilyan ang isang plastic cellophane sa gilid ng national highway sa harap ng isang peryahan sa Purok Sampaguita, …

Read More »

Lasing na obrero nalunod sa dam

LAOAG CITY – Nalunod sa dam sa Brgy. Parparoroc, Vintar, Ilocos Norte ang isang construction worker kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jojo Agbayani, 25, may live-in partner, isang construction worker, at residente sa Brgy. 56-A, Bacsil North sa lungsod ng Laoag. Batay sa imbestigasyon ng PNP Vintar, nagtungo ang biktima kasama ang ilang kaibigan at isang kapatid sa Vintar dam …

Read More »

1 patay, 4 sugatan sa banggaan ng 2 sasakyan sa Quezon

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan ang apat iba pa sa salpukan ng dalawang sasakyan sa New Zigzag Road ng Sitio Upper Sapinit, Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Ryan Briones, 29, habang sugatan sina Michael Bautista, 38; Jhoemar Misolas, 23; Marlon Bibal, 32; at Manny An Montalbo, 26. Batay sa ulat, binabaybay …

Read More »

Trike driver utas sa tandem

PATAY ang isang tricycle driver na hinihinalang sangkot sa droga, makaraan pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktimang si John Leary Edlagan, 28, residente ng Maginoo St., Tondo, Maynila. Ayon kay SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:43 am ipinapasada ng biktima …

Read More »

Bilibid prison guard itinumba sa droga

HINIHINALANG droga ang motibo sa pagpatay ng riding-in-tandem suspects sa isang dating prison guard ng New Bilibid Prison (NBP), sa loob ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City kamakalawa. Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador ang biktimang si Simplicio Flores, alyas Pitong, nasa hustong gulang. Ayon sa ulat, dakong 7:00 am nitong Sabado, minamaneho ng biktima ang …

Read More »

Mag-live-in na tulak patay sa shootout

PATAY ang mag-live-in na kapwa hinihinalang tulak ng shabu makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District, Station Anti-Illegal Drugs (QCPD-SAID) ng Novaliches Police Station 4, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Novaliches PS 4, ang mga napatay ay si alyas Ashley Gumandar, at kinakasama niyang si alyas Bong, kapwa nakatira sa Nitang Avenue, Novaliches, Quezon City, kapwa …

Read More »

63-anyos tulak, 1 pa arestado sa P.3-M shabu

ARESTADO ang isang 63-anyos hinihinalang drug pusher at ang kanyang kasama makaraan makompiskahan ng P.3 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City kamakalawa. Ang mga suspek na iniharap sa media ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ay kinilalang sina Gasanara Baranbangan, ng Phase 12 Tala, Brgy. 183, at Raymart Salonga, 22, ng Phase 1, …

Read More »

U.S. dumistansiya sa PH-China military agreement

WASHINGTON – Dumistansiya ang Amerika sa sinasabing 25 taon military agreement na niluluto ng Filipinas at China. Sinabi ni State Department Deputy Spokesperson Mark Toner, malayang magdesisyon ang Filipinas kung ano ang nais gawin. Habang tumangging magkomento ang State Department sa posibleng pagbili ng Filipinas ng mga armas mula sa China. “With regard to potential arms sales or arms agreements …

Read More »

10 areas signal no. 3 kay Karen (1 pang bagyo inaasahan)

POSIBLENG mapaaga ang landfall ng bagyong Karen sa Aurora province dahil nadagdagan ang bilis nito. Ayon kay Pagasa weather forecaster Benison Estareja, mula sa dating bilis na 20 kph ay naging 22 kph na ang bagyo kaya asahan ang pagtama nito sa lupa dakong 12:00 am ngayong araw hanggang 2:00 am. Kahapon, nakataas na sa tropical cyclone signal number three …

Read More »

Rehab o deds — Kris (Sa narco-celebs)

NANAWAGAN ang TV host-actress na si Kris Aquino sa kapwa celebrities na nasasangkot sa ilegal na droga na tumigil na. Ayon kay Kris, dapat maging tapat sa sarili ang mga celebrity na gumagamit ng drugs at magkusang pumasok sa rehabilitation centers. Inihalimbawa ng tinaguriang “Queen of all media” ang sistema sa Hollywood na nakarerekober ang celebrities sa drug addiction dahil …

Read More »

Krista Miller buntis

  INAMIN ng starlet na si Krista Miller na siya ay buntis nang ilipat ng piitan sa Valenzuela City Jail mula sa Camp Karingal sa Quezon dahil sa kinakaharap na kaso tungkol sa ilegal na droga. Nitong Biyernes, emosyonal na nagpaalam si Miller sa kapwa celebrity na nakadetine sa Camp Karingal na si Sabrina M. Ngunit bago dalhin sa Valenzuela …

Read More »

Duterte muling nanindigan sa Marcos burial

  LAOAG CITY – Muling pinanindigan ni Presidente Rodrigo Duterte ang desisyon hinggil sa paglilibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Aniya, bilang abogado ay kailangang sundin niya ang batas. Ito ang naging reaksiyon ni Pangulong Duterte nang sumaglit siya sa Laoag International Airport kamakalawa makaraan siyang bumisita sa Batanes at nakipagpulong sa mga …

Read More »

Media peeps stranded sa Batanes (Nag-cover kay Digong)

HALOS 20 katao na sumama sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang stranded kahapon sa Batanes. Karamihan sa kanila ay miyembro ng media at maging ang media relations officer na nakatalaga sa Malacañang. Ayon sa abiso, minabuting ipagpaliban na ang biyahe ng mga mamamahayag dahil sa epekto ng bagyong Karen at iba pang weather system. Sinasabing ang kanselasyon ng flight …

Read More »

Ex-singer/actress pumanaw sa atake sa puso

PUMANAW na ang dating singer-actress na si Dinah Dominguez. Inatake si Dominguez sa puso habang nasa loob ng banyo ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi. Si Dinah ay ina ng dati ring singer na si Champagne Morales. Ang dating aktres ay nagsimula sa industriya noong dekada 70. Kabilang sa mga pelikula niya ang Jabidah Massacre, Boy Apache, Labas sa Batas, …

Read More »

9 mountaineers nawawala sa Aurora

SIYAM na mountaineers ang hinahanap ng mga awtoridad sa lalawigan ng Aurora, ilang oras bago ang landfall ng bagyong Karen. Ayon kay Mayor Sherwin Taay, umakyat ang biktima sa Mt. Mingan na sakop ng bayan ng Dingalan, sa kabila nang pagbabawal sa kanila ng mga opisyal sa lugar. Sa ngayon, hindi pa makontak ang mga biktima kaya sinisikap ng pamahalaan …

Read More »