ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 22-anyos lalaking umaastang siga at walang takot sa pagdadala ng baril na ikinatakot ng mga residente sa Brgy. Tangos, sa bayan ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagsumbong ang isang concerned citizen sa mga tauhan ng Baliwag CPS na nagpapatrolya, na may …
Read More »Transport Summit ginanap BFJODA officials inihalal
LUNGSOD NG MALOLOS – Nagmarka ng isang mahalagang yugto ang Bulacan Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (BFJODA) nitong nakaraang Lunes 25 Nobyembre 2024 matapos nilang magluklok ng bagong hanay ng mga opisyal sa katatapos na Bulacan Transport Summit at Christmas Party na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium. Inihalal bilang tagapangulo si Ricardo R. Turla, bitbit ang kaniyang mayamang …
Read More »
Sa Sipalay City detachment
SUNDALO TODAS SA KABARO
PATAY ang isang 36-anyos sundalo mula sa lungsod ng Iloilo matapos barilin ng kaniyang kabaro sa loob ng Army detachment sa Sitio Barasbarasan, Brgy. Manlucahoc, lungsod ng Sipalay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes ng gabi, 25 Nobyembre. Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang biktima at ang 43-anyos suspek na may ranggong staff sergeant bilang pagdiriwang ng kaarawan ng isa nilang …
Read More »
Sa Lanao del Norte
Election officer patay sa pamamaril
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang Commission on Elections (Comelec) officer matapos barilin sa Brgy. Curva, sa bayan ng Miagao, lalawigan ng Lanao del Norte, nitong Lunes, 25 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Markus Orlando Vallecer, residente sa lungsod ng Cagayan de Oro. Nabatid na pauwi sa kanilang bahay si Vallecer nang barilin ng hindi kilalang suspek. …
Read More »
Sa Bulacan
Mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine hinatiran ng tulong ng UAE
PARA makabangon ang mga nasa agrikutural na komunidad matapos ang hagupit ng nagdaang Tropical Storm Kristine at iba pang hamong pang ekonomiya, namahagi ng may kabuuang 3,000 kahon ng essential goods sa mga Bulakenyong magsasaka sa lalawigan ang United Arab Emirates sa pangunguna ng Emirates Red Crescent sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos. Inihatid ng mga kinatawan mula …
Read More »23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan
NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na pawang may paglabag sa batas hanggang nitong Linggo, 24 Nobyrembre. Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, unang nadakip ng tracker team ng Obando MPS ang isang 60-anyos na lalaki na nakatala bilang Top 2 most wanted person …
Read More »
Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations
SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico Maranan na maglagay ng solar-powered blinker lights sa mga signage sa lahat ng police stations at outposts sa buong rehiyon. Binigyang-diin ni P/BGen. Maranan ang kahalagahan ng inisyatibong ito upang palakasin ang presensya ng pulisya at matiyak na ang mga komunidad ay madaling tumungo sa …
Read More »Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne Manalo, ang nagniningning na bituin ng Filipinas sa katatapos na Miss Universe 2024 sa idinaos na Gawad Gintong Kabataan Awards sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong nakaraang Biyernes. Bukod kay Manalo, kinilala rin ang ibang natatanging kabataan kabilang sina Mary Vianney …
Read More »
Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO
DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations sa lalawigan ng Bataan, hanggang nitong Martes, 19 Nobyembre, sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga ng rehiyon. Nakompiska sa operasyon ang hinihinalang ilegal na droga na may pinagsamang halagang mahigit P1.7 milyon, at isang baril. Batay sa ulat na ipinadala kay PRO3 …
Read More »Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda ni Gob. Fernando
KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 17 Nobyembre. Kaugnay nito, binisita at pinuri ni Gov. Daniel Fernando ang hindi matatawarang dedikasyon ni P/Capt. Jocel Calvario sa laban ng probinsiya kontra sa ilegal na droga saka siya binigyan ng pinansiyal na insentibo. Pinagtibay …
Read More »Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan
BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng kaniyang pamangkin gamit ang kawayan sa gitna ng kanilang pagtatalo, sa Brgy. Bantaoay, bayan ng San Isidro, lalawigan ng Ilocos Sur, nitong Martes ng gabi, 12 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Rebullo, 55 anyos, na sumugod umano nang lasing sa bahay …
Read More »Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang pamangkin lokohin ang kaniyang biktima na padalhan siya ng pera at mga regalo. Ayon sa ulat na inilabas ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre, gumawa ng Facebook account si “Tita” gamit ang pangalan ng kaniyang 17-anyos na pamangking babae …
Read More »
Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY
NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) matapos ang tatlong linggong search operations sa lungsod ng Naga, lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Naga CPS, natagpuan ang katawan ng biktima sa kahabaan ng ilog sa Brgy. Del Rosario dakong 2:45 pm nitong Miyerkoles, …
Read More »3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog
ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang manikwat ng motorsiklo sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek ay isang 29-anyos residente ng Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan. Lumalabas sa inisyal na …
Read More »
Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN
NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng lalawigan ng Bulacan ngayong Biyernes, 15 Nobyembre, 1:00 ng hapon sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos Bulacan, para sa edisyon nito ngayong taon. Inaanyayahan ni Gob. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na saksihan at maging bahagi ng masaya at …
Read More »Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City
INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong kriminal noong siya’y alkalde ng Davao City. Ang pag-amin ng dating pangulo ay naganap sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyong libo-libong extrajudicial killings (EJKs) na may kaugnayan sa kontrobersiyal na gera laban sa droga ng kanyang …
Read More »900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo
ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa lungsod ng Zamboanga, nitong Lunes, 11 Nobyembre. Nasakote ang tatlong driver ng truck at isang pahinante sa ikinasang oeprasyon sa Baradero de Cawit shipyard, sa nabanggit na lungsod. Natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang truck na may kargang hindi bababa sa 900 sako ng asukal. …
Read More »Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog
MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng baril at bala na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibiduwal sa bayan ng Calumpit, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 10 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si alyas Gab, residente sa Brgy. Panducot, …
Read More »
Sa reklamong katiwalian
10-ARAW PALUGIT NG OMBUDSMAN SA BIÑAN MAYOR
PINASASAGOT ng Ombudsman sa loob ng 10 araw si Biñan City, Laguna, Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, Jr., kasama ang mga kasalukuyan at mga dating konsehal ng lungsod, kaugnay ng reklamong katiwalian na isinampa ng mga residente hinggil sa kontrobersiyal na ‘land reclamation project’ na sinimulan noong 2019. Sa utos ng Deputy Ombudsman for Luzon, pinasasagot din sa reklamong paglabag sa …
Read More »Police presence pinaigting sa Gitnang Luzon, police outposts idinagdag para sa seguridad
PINAIGTING pa ngayon ng PRO3 PNP ang kanilang presensiya sa buong rehiyon sa ilalim ng kautusan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan alisunod sa kaniyang anti-criminality formula na Enhanced Police Presence + Quick Response Time + Counter Action against Drug groups, Criminal gangs at Private Armed groups = Safe Region 3. Ipinag-utos ni P/BGen. Maranan ang paglalagay ng mga …
Read More »
Sa Nueva Ecija
2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN
ARESTADO ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang target-listed drug peddlers, sa loob ng isang makeshift drug den sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Camp Tinio, lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija, nitong Linggo, 10 Nobyembre. Kinilala ng PDEA Nueva Ecija ng mga nadakip na target-listed personalities na sina Kalvin Jerome Nicolas, 33 anyos; Edward Tan, 34 anyos; at kanilang kasabwat na …
Read More »Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado
NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations hanggang nitong Linggo ng umaga, 10 Nobyembre, sa iba’t ibang lugar, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng tracker team ng San Jose Del Monte CPS ang Provincial Top 3 Most …
Read More »5 miyembro ng Nigerian KFR group timbog, kalahing biktima nasagip
SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang limang Nigerian nationals na sinasabing dumukot sa kapuwa nila Nigerian sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Huwebes, 7 Nobyembre. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Redrico Maranan ang limang suspek na Nigerian nationals na sina Evans Enwereaku Chinemerem, David Chidera Ibegbulamo, Nwokeke Christian Ihechukwu, Nwokeke Cajothan Chinemmrem, at Okonkwo Emmanuel Kosiso, pawang …
Read More »
Nawalan ng preno, saka dumausdos at bumangga
OIL TANKER SUMABOG DRIVER PATAY, HELPER, 28 RESIDENTE SUGATAN
6 bahay/estruktura tinupok ng apoy
HATAW News Team HINDI nakaligtas ang driver ng bumangga at sumabog na 10-wheeler truck na oil tanker, may kargang 40,000 litro ng petrolyo, nitong Linggo ng madaling araw, 10 Nobyembre, sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet. Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang hindi pinangalanang driver, sa manibela ng tanker na naging dahilan ng pagdausdos at pagbangga nito …
Read More »1,500 plus residente nagalak sa medical & dental mission ng Builders Warehouse Inc.
TINATAYANG 1,500 residente mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Angat na sakop ng ika-6 na distrito ng Bulacan ang nabiyayaan ng libreng gamutan, masahe, at gupit sa isinagawang medical and dental mission ng Builders Warehouse Inc., Barangay Sta. Cruz. Ganap na 8:30 ng umaga kahapon, 9 Nobyembre nang simulan ang pagtanggap sa mga residenteng may problema sa kalusugan. …
Read More »