Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun Fire

Dahil sa P50 utang, Magsasaka pinaslang sa Bataan

Buhay ang naging kabayaran ng isang magsasaka sa utang na P50 matapos siyang barilin at mapatay ng inutangan sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo ng gabi, 30 Nobyembre.

Sa ulat mula sa Mariveles MPS, kinilala ang biktima na si Rodito Ramirez, 44 anyos, residente ng Zone 6, Brgy. Camaya, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa salaysay ng isang saksi, narinig niyang nagtatalo ang biktima at ang suspek na kinilalang si Roger Lampaso, alyas Warren, 29 anyos, at kapitbahay ng biktima.

Ito ay matapos puntahan ng suspek ang bahay ng biktima upang maningil ng utang hanggang ilang saglit lang, isang putok ang narinig ng saksi.

Pagdungaw niya, nakita niya ang suspek na may hawak na improvised shotgun o boga, ang sandatang pinaniniwalaang naging mitsa ng buhay ng biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Brgy. Poblacion habang ang biktima ay isinugod sa Mariveles District Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Sa pinakahuling ulat, hawak na ng mga tauhan Mariveles MPS si Lampaso na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …

NHA SJDM

Modernong Panunuluyan: Maralita naghahanap pa rin ng matatag na tahanan

MAHIGIT 500 maralitang residente at mga tagapagtanggol ng karapatang pantirahan ang nagmartsa patungong National Housing …

Brian Poe Llamanzares 2

Rep. Brian Poe nanawagan ng masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod

QUEZON CITY — Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe, PhD, MNSA ang …

Goitia Bongbong Marcos BBM

Goitia: Pagtulak ni Pangulong Marcos sa Matapang na Reporma at Panibagong Pamumuno sa Gobyerno

Sa panahong muling sinusubok ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …